Bored na naman ako.
Wala na naman kausap sa bahay na 'to.
Tambak na naman ang mga activities ko.
I feel alone again.
"Mitch, bumabaa kana kakain na."pagyayaa sakin ng mom ko.
"Hindi pa po ako gutom mom."saad ko habang na nonood ng t****k vids.
Hinayaan na lang ako ni mom at lumabas na ng kwarto ko.I'm here inside my room, watching some random vids ng may nagpakitang ad.Naka lagay sa ad ay isang app it's called "litmatch" parang dating app kung titignan pero ang naka lagay ay "Make new friends" and because I'm bored I downloaded the app, hindi para maki pagharotan pero para manggago.
Then suddenly nagpop sa screen ko yung message ng mga friends ko sa gc.
"Guys may pasok ba tomorrow?"
"Wala naman ata."
"Hoy mga cutie pakopya sa science."
"Uyy may chika ghorl"
"Si Shine daw yung sikat, buntis na daw."
"Rose, ang chismosa mo talaga." Singit ko sa usapan nila.
"Nako bestie matagal na."
As you can see I'm not an introvert, I have a group of friends.I can call myself an ambivert.
"Uy beb, hindi ka na naman nagpaparamdam sa gc."my bestfriend chatted me.
"Na kakatamad magtype."I replied.
"Beb r u okay?"this is why I'm friends with her, she always ask me if I'm okay.
"Of course, sadyang tamad lang ako."as always hindi ako aamin na I'm not okay.
Kasi my life is perfect how can I be not okay? May kaya naman family ko, okay naman grades ko sa school, I have a lot of friends, I can get what I want.Pero I feel something is missing, sinubokan kong alamin kung ano yun pero I can't.Hindi ko malaman what's wrong with me.Sadgirl na naman.
The app was already installed, so I opened it and explored the app.
"Ang daming mga 13 na naghahanapng jowa."saad ko at napa irap na lang.
Madaming maganda't gwapo pero mas maganda ako, wag papatalo.I decided na magupload din ng photos, for sure madaming magchat sakin I mean I'm kinda cute you know.
As expected a lot liked and commented to my post, madami na ding nagchat sakin.
"Hey."
"Hi miss."
"Hellooo."
"Psst."
"Ang ganda mo."
"Damn,, you're so pretty."
"You look cute."
Hindi ko pinansin dahil puro lalaki lang ang nagchat sakin, na bored lang ako kaya bumalik ako sa t****k.
Sunod sunod ang notif ko from litmatch kaya na inis ako at inopen para tignan kung pwedeng ioff ang notification.
Bumungad sakin ang 99+ chats and notifs
"Snobber ayaw magreply"
"Uyyy you look cute"
"Can you be my 35-34 and only"
I decided magreply na sa iba I mean I downloaded this app to have fun.
"Mitch,bumaba kana nga kakain na."na iinis na saad ng ate ko.
Bumabaa na ako dahil ayaw ko naman magaway pa kami ng ate ko, I'm not in the mood for chaos.
"Hi tita."pagbati sakin ng pamangkin kong lalaki.
"Hello Markus,how was your day?"I asked him with a smile.
"Okay naman po kani-"na pigilan sa pagk-kwento si Markus dahil sinamaan siya ng tingin ni Dad.
"Mamaya na kayo magkwentohan,nasa hapagkainan tayo para kumain hindi para magkwentohan.
Hindi na lang kami umimik at kumain na lang.
I have a older sister she's 6yrs older than me,she has a son which is Markus his 6.My dad is a lawyer kaya strict siya.My mom naman nasa bahay lang,house wife.
Our family looks perfect but this family is messed up.
Umakyat na ako after kumain and I opened litmatch,habang tumatagal I found it entertaining.Kagagohan here and there ang ginawa ko pinipilosopo ko sila,yung iba sinasabayan ako yung iba pikon.
"Hi Mitchie:>" I was surprised when I saw this chat.
It's been a long time when someone called me that,my cousin used to call me Mitchie but after she died I asked them to stop calling me Mitchie.
"Hey ang suplada mo."
"Hello."I decided to chat them,yes them kasi walang gender yung sakanya.
"Tagal mo magreply ikaw na nga 'tong chinat ikaw pa matagal magreply."gago ka pala eh sino ba kasi nagsabing ichat mo 'ko?
"Pake mo ba?"
"Maldita ka pa rin."huh? Maldita KA PA RIN.
"What do you mean 'ka pa rin' do I know you?"somethings weird.
"You may or may not know me darling."Ano 'to,stalker ba 'to or what.
"Don't call me darling hindi kita jowa,sino ka ba huh?"
"You don't have to know who I am,bukas mag dala ka ng extra palda you'll need it."
"Huh? Palda for what?"
I waited for a reply pero it's been 1hr at wala pa din kaya na tulog na lang ako.
"Rise and shine madam,gumising kana mal-late kana."my ate shouted,she rolled her eyes and left.
I did my morning routine and because my guts said na sundin ko yung sinabi noong stranger I talked to last night,nagdala ako ng extra skirt.
Andito na ako sa tapat ng gate at na pansin ko na nagbubulongan mga tao sa paligid ko kaya tinignan ko kung sino tinitignan nila.Ang gandang bungad naman sa umaga,I saw Samantha Archilles my crush.
I had a crush on her grade 7 pa lang ako and until now grade 10 na ako hindi ko pa rin siya na kakausap,my cousin Jay is a friend of hers hindi sila masyado close pero thanks to my cousin Jay nagkaroon ako ng highschool crush.Ayaw ko kasi ng mga ganyan, crush crush pa eh attracted tayo sa mga taong malabong mapasatin masasaktan lang naman tayo.Pero wala eh nagkacrush ako kaya sige na magcrush na din kayo damay damay na 'to,pero they say na crush only last for 4 months so I doubt na crush lang ang meron ako sa babaeng 'to.Na patingin ako sa palda niya.
Shit may tagos siya.
I walked towards her and whispered na may tagos nga siya.
"I have a extra skirt papahiram ko na sayo."hinila ko siya pa punta sa pinaka malapit na cr.
Ng makarating kami tsaka lang ako na taohan,ahhhhhhhh! What am I doing feeling close ako bakit ko siya hinila bigla.Nako naman ang panget ng first impression ko.
"U-uhh thank you sa skirt."na hihiyang pagpapasalamat niya.
"No problem."shittttttttt ano pa sasabihin ko?pinagpapawisan na ako here,help naman God.
"I'm Samantha Archilles."pagpapakilala niya and with matching nakakafall na smile pa.
"Oh yeah I know you kaibigan ka ng cousin ko,Jay btw I'm Mitch Delaine."she looked surprise noong sinabi kong pinsan ko si Jay.
"My condolences."I just node,hindi ko kasi alam irereply pag ganto eh.
"Anyways baka malate na tayo sa first sub gotta go."Pagpapaalam ko,hindi ko na kaya okay masyado na akong kinikilig.
And saktong nagbell na kaya nagmadali na akong lumabas.May sasabihin pa sana siya kaso naka labas na ako ng cr kung hindi lang math first sub ko today hindi na ako papasok nakausap ko lang si Samantha.
"Uyy kita ko yun kasama mo si Sam sa cr."
"Yes naman kinausap na after 23456 years HAHAHAH."
"UYYYYYY"inasar ako nila Rose and instead na maasar kinilig lang ako.
"Uy tama na yan mukang kamatis na si Mitch HAHAHAHA."hinampas ko si Rose,ang hilig niya akong asarin na kamatis madalas kasi na mumula ilong ko.
Naka smile lang ako buong araw ganon ka lakas si Samantha sakin.
Pero pano naman ng yare yun,I mean pano na laman ng stranger na yun na mangyayare kanina yun ang weird pero we don't know baka nagkataon lang.
"Mitch? Hoy!"
"O-oh."na gulat ako ng makita kong si Samantha na ang kaharap ko,kanina lang kasama ko pa sila Rose.
-?