Hindi nagbibiro si Chad nung sinabi niya na ako ang maghahanap ng lugar at ako ang magbabayad. Para naman daw gastusin ko yung pera ko. Nakakaloka naman siya. Wala akong alam na lugar, madalang akong pumasyal kaya dinala ko siya sa malapit na mall sa amin pero wala siyang pakialam.
Napansin ko na hindi niya ginagalaw ang pagkain niya at nakatitig lang sa akin habang nakangiti. Pinapanood niya ba ako kumain?
"Hindi mo gagalawin pagkain mo?" Curious na tanong ko. May kaunting kaunting pag-angat ang sulok ng mga labi niya at kumunot ang noo niya.
"Why? You also want to eat mine?" Sabi niya habang may pagpigil sa tawa. Sinundan ko kung saan siya nakatingin, sa mga pagkain na nasa harap ko.
Napatigil ako. Tinignan ko ang parte ng table ko. May chicken joy, fries na large, pineapple juice, sundae, yum burger, peach mango pie at binatog na binili namin bago pumasok dito sa Jollibee. Nakaramdam ako ng hiya kasi parang pinapahiwatig niya na andami ko kumain na mukha akong patay gutom.
"G-gusto mo ng burger?" Nahihiyang inalok ko siya. Ngumiti ito.
"Nah, I was just kidding you." Nag chuckle siya.
"E bakit hindi ka kumakain? Hindi ka kumakain ng mga ganito?" Humilig ang ulo ko.
"Nah, I eat foods from fast food chain but right now I'm on a diet. I only eat healthy foods because I am gaining weight. Need to be fit." Pagpapaliwanag nito.
Napasulyap ako sa chest niya na bumabakat sa shirt niya. Ang balikat niya na malapat at matipuno. Tumaba ba siya sa lagay na 'yan? Ang ganda nga ng hugis ng katawan niya mag diet pa.
"Bakit pa? Maganda naman ang katawan mo tapos anlaki pa ng junjun."
Kinukuha ko ang balat ng chicken joy. Napaangat ang ulo ko at tumingin sa kaniya sa kabiglaan dahil tumawa siya ng malakas. Buti na lang naturingang maingay ang lugar kaya ayos lang pero kanina pa nakakaagaw pansin si Chad dahil sa itsura nito.
"Really? I look fit and my d**k is huge?" May mapanlokong tono ang boses niya at ngiti niya. Namilog ang mga mata ko, nasabi ko sa bibig ko?! Nakakahiya!
lumingalinga sa paligid.
Nakita ko na napatingin ang katabi naming table na puro babae, pati sa likod at likod niya. Nakakahiya, ang kaswal niyang sabihin ito sa public place! Nakakahiya nakakahiya nakakahiya! Sinubsob ko ang mukha ko sa kamay ko na may mantika mula sa manok.
Humalakhak si Chad. "Okay lang 'yan. Salamat at pinagmamalaki mo ako." Natatawang sabi ni Chad at may double meaning ang pagbigkas niya sa 'pinagmamalaki.' Marahan niyang tinatapik ang ulo ko.
"Kumain ka na kasi..." bulong ko at nakayukong kumakain.
"Fine." Bumuga siya ng malim na paghinga at sinimulan ng galawin ang pagkain nito.
"s**t, antaba ko na." Sabi niya matapos ubusin ang chicken. Umikot ang mga mata ko.
"Hala, para ka namang babae. Arte mo naman." Tumayo na kami at lumabas.
"Fifty pesos for one shirt? That was cheap." Narinig ko na bulong niya. Sumulyap ako sa kaniya, nakatingin siya sa ibang dereksyon. Sinundan ko kung saan siya nakatingin. Stall ng mga damit panlalaki.
"Ah, mura kasi mga bilihin dito. Dito ko nabibili lahat ng damit namin." Napatingin siya sa akin habang nakakunot ang noo.
"Can I buy some?" Request nito.
"Oo naman."
Pumunta kami doon. Yung dalawang tindera na sabihin na nating ilang tanda lang sa akin o baka nga mas matanda ako sa kanila eh. Nanigas sila sa kinatatayuan habang nakatitig kay Chad.
"Versace's shirts cost three hundred twenty-six dollars and high each, but practically, you could buy three hundred twenty-five pieces of clothes here. Wow, I couldn't believe this." Manghang mangha siya habang tumitingin sa paligid.
Siguro hindi siya nakatikim ng hirap. Siguro hindi rin niya alam at aware kung ano ang buhay ng mga mahirap, hindi naman mahirap lahat dito sabihin na nating na sa middle class din.
"Pero ikumpara mo ang tela niyan sa sinasabi mo na alam ko na mamahalin, walang wala ito. Hawakan mo." Kumento ko. Sinunod nga niya at tumango siya sa akin.
"Yeah, you're right." Sabi nito habang tumatango. Napa tigil siya sa damit ng mga pambata. Kinuha niya yung long sleeve na polo shurt na kulay blue.
"Miss, do you have larger size?" Gusto niya ng pambata?
"Beh, inggles. Ikaw na mag benta kay pogi."
"'Kaw na, bobo ako. Three nga lang nakuha ko sa eksam namin sa English."
"Ay, no ser. That is for little people only, not for adults." Sabi nung isa.
"Yeah, I'm aware of that pero medyo malaki ng kaunti dito. May next size pa ba?" Napabuntong hininga yung dalawang babae.
"Marunong ka pala magtagalog pogi, pinapahirapan mo pa kami." Tinapik nung babae yung dibdib ni Chad. Nagualt ito.
"Oo nga e." Sumunod naman yung isang babae pero sa may tiyan naman niya. Kita ko ang palihim na pangingisay ng mga babae.
Tumingin ako kay Chad. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilang tumawa. Paano ba naman, hindi maipinta ang mukha, naiilang ito at pilit na pilit ang ngiti. Ang cute niya kasi hindi niya alam ang ire-reaksyon niya habang nag bu-beautiful eyes yung mga babae. Mukhang hindi ata ako napapansin ng dalawang babae.
Tumikhim si Chad. "I think we need to le-" akmang aalis na si Chad pero pinigilan siya ng dalawa.
"Wait pogi, meron kaming size pa."
"Beh, paki sabi sa kapatid mo na marami pa kaming size."
"Oo nga, sabihin mo sa kuya mo may magaganda pa kaming damit pambata." Pagmamakaawa nila. Kapatid? Tumingin ako kay Chad, gusto ko na talaga tumawa ng malakas kasi ang blangko ng mukha ni Chad.
"Uy kuya, meron pa daw." Pasimpleng pangangasar ko. Pigil na pigil yung tawa ko. Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Kuya? Is there a big brother who will do this to her sister?" Anong ibig sabihin niya?
Bago ko pa mapagtanto ay hinila ang ulo ko at lumapat ang labi niya sa akin. Napa buntong hininga ako nang dumapo ang isa niyang kamay sa puwit ko at pinisil iyon. Ipinasok niya ang dila niya sa bibig ko na siyang nagpabalik sa katinuan ko.
Tumingin ako sa paligid, lahat sila ay nanonood sa amin. Iyong iba ay vini-video-han kami. Agad ko na tinatapik ang braso ni Chad at sinara ang bibig. Bakit ba walang pakialam si Chad kung maraming tao o kaunti? Napaka liberated naman ng lalaking ito.
"Next time you tease me, you will be punished regardless of where we are and who are with us." Malalim ang boses nito. Ito na naman ang manghihina ng hita ko. Ito na naman ang pagwawala ng puso ko. Hayup naman bakit ganito?
Bumalik ang atensyon niya sa dalawang tindera na nanatiling gulat.
"Give me the sizes." Utos nito habang nakangisi.
"O-okay." Nauutal na sabi nung isa atsaka nila hinanap ang mga damit. Nag iinit parin ang pisngi ko. Inabot nila kay Chad yung dalawang magkaibang size na parehong damit. Ipinakita ito sa akin ni Chad.
"Do you think kasya 'to kay Joshua?" Tanong niya habang ineekspeksyon ang damit.
Kaso parang tuod ako at hindi gumagalaw. Hindi parin ako nakapag move on sa ginawa naming kahihiyan. Nang mapansin ni Chad hindi ako nagsasalita ay dumapo ang mga mata nito sa akin at agad nag pigil ng tawa.
"Hey, alin dito?"
"H-huh?"
"Which size among these shirts fit to Joshua?" Tanong nito. Nagsalitan yung mga mata ko sa dalawang shirt. Tinuro ko yung na sa right hand niya, yung mas malaki.
"Okay." humarap ulit siya sa mga tindera. "Miss, this size and..." tumingin niya sa mga iba pang shirt at nagturo turo pa. In all fairness maganda ang mga pinipili niya.
Ansaya ngayong araw, pumunta pa kami sa computer shop. Pinanood niya ako maglaro ng LoL, ngayon lang ulit ako nakapag laro. Adik na adik ako dati. Triny niya kaso hindi niya pa maintindihan, baguhan pa lang kasi siya. Ang nilaro na lang niya tetris sa f*******:. Tapos kumain ulit kami at nanood sa sinehan. Tapos kumain ulit, medyo masakit na nga ang tiyan ko.
"Hatid na kita." Alok niya. Winagayway ko yunh kamay ko sinesenyasan na tumatanggi ako.
"Nako huwag na, kaya ko ng lakarin ito. Malapit lang bahay namin dito." Sabi ko. Natahimik ito habang naglalakad kami papunta sa parking lot.
"Yesterday..." napalingon ako sa kaniya. Nakasuksok ang mga kamay niya sa pants niya at sa malayo ang tingin. "Sorry you saw me in that state." May sinseridad sa boses niya.
Dumeretso na ang tingin ko sa dinadaanan ko. Nararamdaman ko ang pagkailang niya.
"Ah ayun ba, ayos lang. Mukhang..." tumigil muna ako panandalian. "Malaki problema mo ah." Pasimple akong sumulyap.
"I was- I am in deep shit." Bulong niya.
Tumigil na kami sa tapat ng kotse. Nakaharapan kami, nakatingin siya sa akin.
"Kung hindi mo mamasamain ahm... sino si Christina?" Sobrang bilis ng pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya.
Tahimik lang ito at hindi nagsasalita habang nakatitig sa akin. Bagamat wala siyang ekspresyon ay nangingibabaw ang emosyon sa kaniyang mga mata. Galit? Basta nakakatakot. Mukhang hindi ko dapat itinanong kung sino si Christina.
"Ang chismosa ko 'no? Sige huwag mo na sagutin." Pinagdikit ko ang labi ko. "Sige na, uwi ka na gabi na rin."
Tumingin siya sa lapag at tumango.
"Yeah, see you soon." Sabi niya.
Pinanood ko siyang pumasok at paganahin ang kotse niya. Gumilid ako para makadaan siya pero bago siya makalabas sa espasyo niya ay bumaba ang bintana ng kaniyang kotse.
"Deanne." Tawag niya saakin. "Thank you." Humilig ang ulo ko.
"Anong thank you? Bayaran mo yung pinanlibre ko sa iyo." Sabi ko. Humalakhak siya. Bakit? Akala niya nagbibiro ako?
"With all sincerity, thank you for your company." Malumanay na sabi niya at nakangiti sa akin. At iniwan na niya ako.
Humawak ako sa kaliwang dibdib ko. Bakit ganito... bakit ka ganiyan Chad?