Nag message sa akin ang mga kaibigan ni Chad upang makibalita. Nahihiya man ako na sabihin na may nangyayari sa amin ay wala akong mahawa, tinanong nila ang mga ditalye na kailangan nila upang mag transfer ng pera sa bank account ko.
Napapaisip ako, bakit nila ginagawa ito sa kaibigan nila? Anong bang meron? Ang hakahaka ko ay siguro wala pang nobyo si Chad kaya binibigyan nila ng babae na magpapaligaya sa kaniya. Pero... parang imposible ata iyon. Mayaman at gwapo, bakit naman hindi siya magugustuhan ng mga kababaihan?
Ibig sabihin pwede ka magkagusto sa kaniya?
Umiling ako upang makatakas sa sariling katanungan.
***
Lumipas ang mga araw, naging linggo na at naging dalawang buwan. Nakikibalita sa nanay ko mula sa telepono, binabalita sa mga kaibigan ni Chad ang mga pangyayari, pagbibigay serbisyo kay Chad at pagtanggap ng malalaking halaga na pera. Ganoon, paulit-ulit ang ginagawa ko.
Pero may nagbago. Ang balita ko kay Aling Esa ay may kinikita daw si Nanay at hindi na nag-iinom. Hindi nga lang daw niya alam kung anong itsura dahil laging na sa loob ng magarang kotse. Hindi rin niya masabi kung anong kalagayan niya patungkol kay Joshua pero kuntento na muna ako na masaya ang nanay ko.
"Bye-bye." Kumaway kami sa isa't isa ni Joshua.
"Are you hungry?" Lumingon ako kay Chad na nakasandal sa kaniyang kotse. Umiling ako.
"Uwi na ako." Wala kasi akong pasok ngayon, gusto ko mag pahinga pero alam ko kukunin parin ni Chad ang araw na ito upang makipag talik.
"Do you want to go somewhere else?" Panibagkng tanong nito. Lumapit ako sa kaniya at tumabi. Sinandalan ko rin ang kotse niya.
Tumingin muna ako sa kaniya bago sumagot.
"Wala naman." Si Nanay. Kumunot ang noo niya.
"Your words were not in sync with what your expression says. Tell me where do you want to go?" Paninita niya. Ganito ako ka transparent.
"Bakit gusto mo ako umalis?" Nagtataka na ako. Nakakahalata na ako na gustong gusto niya ako umalis.
"I know that you're tired. Every day I am using your body and we both know I'm not an easy guy. I don't do easy things in every corner of my flat. You are draining, we must do something about it." Natahimik ako dahil napunto niya ang nararamdaman ko araw-araw. "I am making your life hell at hindi ako halimaw para hayaan ko na lang. While I'm on my work, use the money na binibigay ko sa iyo. Spend it, that's what people do to money."
Pera, na pagtanto ko na marami na akong pera. Hindi ko pa nakikita ang bank account ko, alam ko lagpas na ng kalahating milyon iyon. Ito ang gusto ko diba? Ang maraming pera para sa pamilya ko. Pera na magtataguyod sa kahirapan pero bakit ganoon...
Hindi ako masaya. Ito ba talaga ang gusto ko?
Naalala ko si Nanay at Joshua. Ano ba talaga ang gusto ko? Ano ba talaga ang pinapatunayan ko? Ano ba talaga sinasalba ko? Ano ba talaga pinoprotektahan ko? Ang tinataguyod ko?
Hindi ko inutusan ang mga paa ko. Hindi ko inutusan ang katawan ko. Nakita ko na lang ang sarili ko na sa tapat ng bahay namin. Nami-miss ko na si Nanay, gusto ko makita kung tama ba ang ginawa ko? Ito na nga lang ba ang tanging paraan para umayos siya? Ang lumayo kami? Makukumpirma ko kung tama ba ito kung makikita ko ang kalagayan niya.
Pumasok ako sa loob ng bahay. Naabutan ko na bukas ang tv ngunit wala doon si Nanay. Naamoy ko na may nagluluto, adobo. Tumungo ako doon pero habang papalapit ako ay palakas ng palakas ang pag-ungol. Alam ko na, may kutob ako sa mga nililikhang ungol pero si Nanay ba iyon?
Baka naman si Aling Esa, pa-virgin lang ang peg. Pero may sarili naman silang kusina ni Manong Kasping para mag talik. Si Nanay ba? Paano kung si nanay nga?
At si Nanay nga. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang masaksihan ang nanay ko na nakatuwad at nakataas ang dulo ng bistida niya habang may lalaki na nakababa ang pantalon at tinitira siya sa likod. Maganda ang pustura ng lalaki, kung manamit ay parang si Chad tuwing papasok sa opisina. Hindi ko mawari kung mas matanda ba siya o mas bata pero mukhang mas bata ito kumpara kay nanay.
"Nay..." parehas silang napatigil ng lalaki nang marinig nila ang boses ko.
Bakas sa mukha ni Nanay ang pagkabigla at kaba. Iyong lalaki naman ay ganoon din. Napalunok ako dahil nanlamig ako. Wala... hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.
"Tumalikod ka Deanne!" Utos ni Nanay at sinunod ko naman agad. Naririnig ko kung paano sila aligaga na ayusin ang sarili.
"Deanne." Naramdaman ko ang pag pulupot ng mga braso ni Nanay. Napapikit ako sa sarap at ayaw. Ayaw dahil malakas ang paghikbi nito.
Saya hindi dahil muli kaming nagkita, saya dahil nararamdaman ko na nagbago na siya. Bakit? Takot at galit si nanay sa mga lalaki sobra hindi niya matiis na may lalaki sa bahay. Ang bahay, hindi na rin tulad ng dati. Iba ang ambiance, ang gaan at anliwanag. Malinis ang bahay, ibang iba na ang pagkaayos. Maganda ang mga gamit.
Nagbago... nagbago ang lahat.
Humarap ako at niyakap siya. Sinubsob ko ang mukha ko sa pawis niyang leeg. Amoy ano siya... amoy... kakagaling sa, ano. Basta yun. Pero kahit ganoon ay pinakawalan ko ang emosyon ko.
"Anak pasensya na, bumalik na kayo. Patawarin niyo na ako."
Hindi 'mo' salitang 'niyo' na ang ginamit niya. Niyo,kami ni Joshua.
May nagbago.
Lalo ko pang hinigpitan ang yakap niya.
"Bumalik na kayo anak. Pinag sisisihan ko na." Paulit ulit siyang humihingi ng tawag at nag mamakaawa. Hinimas ko ang likod niya.
Hindi na ako magdadalawang isip.
"Babalik na kami."
***
"No." Madiin at malamig na pag tanggi ni Chad na nasa kabilang linya.
Kasalukuyan akong na condominium at nag i-empake ng gamit. Nakaipit ang cellphone ko sa tenga ko at balikat ko.
"Where are you?"
"Sa condo." Kalmadong sagot ko.
"Don't go anywhere...." medyo humina ang boses niya. "Cancel my appointment. This is urgent..."
"Papunta na ako diyan." At binaba niya kaagad ang tawag.
Napabuntong hininga ako at hinawakan ang phone. Marahan akong umupo at nilagay sa kama ang cellphone.
Hindi ko balak na tapusin ang ginagawa namin ngayon. May trabaho ako na kailangan tapusin.
Weh, totoo ba?
Oo.
Kahit na may tatayong ama na ubod ng yaman na nangakong bubuhayin kayo?
... hindi ko alam.
Naghintay ako ng kalahating oras. Walang tumatakbo sa isip ko, nag break down ata. May dahilan na ako tumigil sa ganitong klaseng trabaho pero isang parte ko ay ayaw tapusin.
Napatalon ako sa marahas na pagbukas ng pinto ng kwarto namin ni Joshua.
Si Chad na nanlilisik ang mga mata at ang mga panga ay nagtatagis. Mabilisan itong lumapit sa akin at itinulak ako sa kama. Na sa tuktok ko siya. Tinaas niya ang dalawang kamay ko at diniin sa kama.
"You are not going anywhere, you hear me?!" Puno ng galit ang boses niya. Naamoy ko ang alak sa kaniyang hininga.
Tirik na tirik ang araw pero nag-inom siya?
"Chad, lasing ka." Saad ko pero parang wala itong pandinig. Siniil niya ako ng marahas na halik.
"I will f**k you to death. I will make you limp para hindi ka makalakad. You will crawl back to where you belong if you try to leave me." Malamig na sabi niya pero...
"Chad..."
"What did I do..." may butil ng luha ang handa nang pumatak mula sa gilid ng kaniyang mga mata.
Natahimik ang paligid ng mapuno ng hikbi at hangos ng pag-iyak ang kwarto. Lumuwag ang hawak niya sa mga galanggalangan at sinubsob ang mukha sa aking leeg ko na basa dahil sa kaniyang luha.
"Why did you do this to me..." nanginginig ang boses nito. "I gave you everything-- I- I let you go to Paris."
Hindi ako ang kausap niya.
"I love you so much."
Oo, hindi nga ako ang kausap niya.
●●●●●●●●●●●●●●●●
Oh no, what happened?