"Maayos naman ang nanay mo pero iyak ng iyak. Na mimiss ka na daw niya, hindi naman siya naglalasing." Sabi ni Aling Esa na nasa kabilang linya.
"Nabanggit niya ba si Joshua Aling Esa?" Kasunod na tanong ko. Panandaliang natahimik ang kabilang linya.
"Hindi Deanne." Napabuntong hininga ako.
"Ah ganoon po ba?" Iyon na lamang ang nasabi ko. "Ibaba ko na po ang telepono Aling Esa." Malungkot na sabi ko.
'Sige Deanne. Tumawag ka lang sa aki okay?"
"Opo. Sige po, bye." Magalan na pagpapaalam ko at in-end call na. Tumayo ako sa bowl at muling binuksan ng takip nito.
Lumabas ako ng cr at natanaw ko na nag-uusap si Joshua at si Chad. Nakaupo sila sa lapag habang nagkalat ang gamit pang eskwela ni Joshua. Parang tinuturuan ni Chad si Joshua, napangiti ako. Mukhang nag-e-enjoy kasi si Joshua.
Sabi ni Chad siya na daw bahala sa paghahanp ng matitirahan ko. Nakakatuwa naman at hindi na ako mahihirapan dahil ang sabi niya bukas na bukas may matitirahan na kami. Nakakahiya na kasi mag stay dito, para kaming mga palamunin. Sa labas kami kumakain wala kasing laman ang ref niya hindi daw siya mahilig mag luto.
Sumandal ako sa island counter pero sakto naman biglang may nag ring na phone. Napatingin ako doon at hindi sonasadyang nakita ko ang pangalan ng tumatawag.
Christina is calling...
Hinablot ni Chad ang cellphone niya atsaka nag madaling pumasok sa loob ng kwarto. Mukhang importante ang tumawag kaya hindi na ako naki usi pa. Lumapit na lang ako sa kapatid ko at umupo sa lapag.
"Ate, sabi ni Kuya Sobrang Pogi matalino ako." Masiglang sabi ng aking bunsong kapatid. Ngumiti ako ng may pagkalito.
"Kuya sobrang pogi? Bakit ang haba naman ng tawag mo sa kaniya?" Medyo nagpipigil ako ng tawa habang tinatanong siya. Tuwang tuwa talaga siya na napuri siya.
"Sabi niya 'yun daw pangalan niya." Ngumuso ito. Maikli akong tumawa at ginulo ang buhok niya. "Atsaka bagay naman sa kaniya ah! Ang pogi niya diba ate?" Pilit akong tumatawa habang naghihintay siya ng sagot ko. "Diba?"
May pagka-brown ang buhok niya na medyo mahaba at kulot. Ayaw ko ng bigotilyong lalaki dahil mukha silang madumi pero siya- ibang kaso sa kaniya dumadagdag ito sa kaniyang natural na ka-gwapuhan. Atsaka ansarap nito sa balat. Mga mata niya na brown na tuwing nasisinagan ng araw parang nagiging kulay malapit sa tanso. Ang matangos nitong ilong at ang mga labi nito na napaka-manly hindi ito mapula ngunit para sa akin mapang akit ito. Gwapo ba siya? Sobra kaso...
Kakaiba, napaka... ahm kakaiba niya? Masyado siyang 'adventurous' at marami gustong i-try lalo na sa katawan ko. Sa totoo lang nakakaramdam naman ako ng sarap sa mga pinaparamdam niya sa akin pero medyo, nakakapandiri? Hindi ko mapaliwanag ng kongkreto ang nararamdaman ko pero sa dalawang beses naming nagsama at may ginawa kami habang nagbabaga ang katawan namin, halong sarap at diri dahil nakakapanibago. Basta ang weird sa pakiramdam.
May narinig akong tumikhim. Sabay kami ng kapatid ko napalingon sa gawi ng kwarto ni Chad. Si Chad na nakahilig sa pintuan at nakatingin sa amin na para bang may hinihintay ito. Tumaas ang kilay nito sa akin.
"Mind answering your brother's question Deanne?" Tapos ipinakita nito ang kaniyang mapag laro na ngisi.
"Ayos ka lang naman..." pinilit ko na maging kaswal ang pagkasabi nun ngunit mabilis ko na ibinaling sa iba ang aking tingin dahil sa pagkailang. Nakarinig ako ng maikli at mababa na tawa.
"Kuya sobrang pogi pag pasensahan mo ate ko ah? Kasi sa mata niya si Kuya Geofrey lang ang gwapo." Pagbibigay paumanhin ni Joshua na may kasamang hagikgik sa dulo na siyang dahilan para maalis ako sa ulirat.
Parang bumigat ang dibdib ko nang marinig ko ang pangalan na iyon na pagmamay-ari ng tao na nalimutan ko na... ngaba? Ngayon ko lang ulit narinig ang pangalan niya, ang maling lalaki na minahal ko ng lubusan na handa iwan kung anong pinanghahawakan niya bukod sa pagmamahal niya, ibigay kung anong natitira niya kundi pagmamahal, at ipaglaban kung anong para sa kaniya... ako. Ngunit ang mali ay mali, hindi dapat ipaglaban ang mali. Ang bawal ay hindi pinagpipilitan.
"Ate?" Naputol ang aking malalim na pag-iisip dahil sa tawag ng aking kapatid. Halata ang pagtataka nito.
Ngumiti akong pilit dahil sa kalungkutan at sakit.
"Mag-aral ka na lang diyan, ito talaga." Binigyan ko ng sigla ang aking boses at hindi pinahalata sa kaniya na may bumagabag sa akin.
Pinukol ko na lang ang atensyon ko kay Chad na nakatayo parin sa frame ng pinto. Nakatingin lang ito sa akin o sa amin, parang pinapanood kami. Nang mag tagpo ang mga mata namin ay matipid itong ngumiti na nagbigay kuryosidad kung ano ang kaniyang iniisip.
"Malayo ba ang bahay na pagtirirahan namin?" Tanong ko sa kaniya habang nanatili kami sa aming posisyon. Siya na nakahilig sa pintuan at ako na nakaupo sa lapag katabi ng kapatid ko na focus sa pag-aaral.
"Nope." Umiling ito.
"Magkano nga pala ang bayad?" Ngayon lang pumasok sa isip ko ang pera ngayon lang ako nag-alala marahil marami akong iniisip at gusto ko lang sana na kami ng kapatid ko muna.
Si Joshua, siya ang sanktwaryo ko. Siya ang aking puti sa kabila ng bumabalot na itim sa akin. Kaya naman ginagawa ko ang lahat para maging puti sa humahampas na itim. Siya ang liwanag sa loob ng dilim. Habang ako, pinoprotektahan siya sa dilim.
"You don't have to worry about it as long as..." pasimple siyang sumulyap sa kapatid ko. Bumalik ang mata niya sa akin, naging seryoso ito. "...You continue sharing me some of your exclusiveness." Nakaramdam ako ng init dahil nakikita ko ang alab sa mga mata niya.
Hindi ko man lubusan naintindihan sa paraang analitikal ngunit naintindihan ko ang kaniyang ibig ipahiwatig sa kognitibong paraan.
Gusto ko bawiin ang pagtitig ko sa kaniya pero hindi ko magawa, hindi ko kaya. Parang nilalamon ako ng apoy ng nag-aalab niyang titig. Bago pa ako magliyab ay nilihis ko ang aking mga mata at tinulungan ang aking kapatid na walang malay sa nagaganap sa dalawang kasama niya na mas nakatatanda sa kaniya.
Muling may tumunog na cellphone, sunod noon ay nakarinig ako ng pagsara ng pinto dahil muli siyang pumasok sa loob ng silid niya.
Napahinga ako ng malalim at pinikit ang mata. Sa maikli naming pagsasama at sa pagbibigay nito ng sarap sa aking katawan, tinatanggap na ito ng aking sistema.
Unti-unti na ako nagsasayaw sa apoy ng kasalanan.