Pagdating ko sa mansyon ay nakapameywang na nakatayo si Lolo Chiato sa may pinto. Kamot- ulo akong kumaway sa kaniya. Makikita mo sa mga mata niya na highblood na naman siya sa akin.
Lalo tuloy tumanda si Lolo Chiato. “ Where the héll have you been? Kanina pa ang uwian mo ah?” Taas-kilay niyang tanong na ikinangiwi ko. Kailan pa siya nagkaroon ng pakialam sa akin. Hindi naman siya ganiti dati, wala siyang pakialam kung anong oras ako uuwi ng bahay. Minsan umuuwi pa akong lasing. He doesn't care me at all but now nagbago ata ang ihip ng hangin. Paano nalang kaya if he discovered sa mga kalokohang pinanggagawa ko. “ Hi, lo.”
Death glare*
Wengya! Kalbuhin ko siya eh. “ What's wrong to your face, Lolo Chiato. You've been masungit recently ah? Menupause kana ba?” pilyong tanong ko na mas lalong kumunot ang noo nito. “ Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko, Yaia.” he said with a baritone voice. First time kong narinig na he called my name Yaia not apo. Curious tuloy ako sa pagbabago ni Lolo. Bumeso ako sa kaniya.
“Diyan lang po sa tabi-tabi, Lo? Wanna coffee date with me?” nakangising aya ko pa sa kaniya. But hindi nagbago ang hitsura niya he still mad at me. Sheyt!
“ Are you mad at me, Lolo?” taas noong tanong ko. He took a deep breath before he answered. May problema ata si Lolo Chiato. And I know what is it, highblood at nabwe-bwesit na siya sa akin.
“ Sorry, lolo. I love you.” sambit ko at sabay siyang hinalikan sa noo.
“ Hey lady, wag mo'kong gaganyanin. Baka ipadala kita sa Spain.”ma-awtoridad niyang sambit at agad akong napalunok ng laway. I don't want to go back to, Spain. Na-no-nosebleed ako sa mga tao dun. Kung ipapadala niya ako sa Spain, paano ang asawa kong si Professor Kane? Papatayin ko pa si Drago Wellace. Ang totoong kampon ni Satanas lalo na't ang anak nitong si Alaia Wellace. The one that bullies me. She didn't know that I am her mortal enemies.
“ Did you forget what you promise?” nakakatakot ang tono ng pananalita ni Lolo Chiato kahit anumang oras ay ipapadala niya ako sa Spain. I am héll na walang kinatakutan ngunit pagdating kay Lolo Chiato,takot na takot ako lalo na't babanggitin niya sa akin ang word na Spain. Traumatized na kasi ako dun. “ I didn't, Lolo Chiato. I'm really sorry.” nakayukong saad ko sa kaniya.
“ You don't have MANNERS Yaia. You should know to respect others especially me. But you act like a kiddo. You're already adult so please act like one. ” tanging pagtango ang naisagot ko sa kaniya.
“ I'm really sorry, Lolo. I didn't meant it. Hindi na po mauulit.” nakakatakot talaga si Lolo Chiato magalit. He can't control his anger kaya behave muna ako sa ngayon baka sa Spain pa ako pulutin eh.
“ Okay, dress yourself and then puntahan mo'ko sa opisina ko.” dali-dali akong naglalakad papasok sa loob ng mansyon.
Habang paakyat ako ng second floor biglang nagring ang phone ko na nasa loob ng bag ko kaya't agad ko itong kinapa at sinagot.
“ W-where are you? We need back-up hinarangan kami ng mga tauhan ni Drago. We badly need you, boss!” saglit akong lumingon kay Lolo Chiato at ang dilim ng awra niya sa akin. “ But Lolo, is here. Paano ako makakaalis? Magpapadala ako ng back-up diyan.” halos pabulong na sambit ko.
Sunod-sunod na barilan ang narinig ko sa linya niya. Gustuhin ko mang puntahan sila ngunit di ko magawa kasi binabantayan ako ni Lolo Chiato. “ I can't go there, Lolo is here. Ayokong ipadala niya ako sa Spain. ”
“ I'll send you back-up. Okay? Bye.”
I sent an email to Dimension Devil. Sila ang ka-alliance naming grupo laban kay Drago at Alaia. “ Noted, Héll. Don't worry we'll protect your people.“ nakahinga ako ng maluwag sa mga sandaling ito. Inilapag ko sa ibabaw ng aking kama ay bag ko at agad na dumiretso papunta sa banyo.
As Lolo Chiato said. Nang makapagbihis ako ay agad akong pumunta sa opisina ni Lolo Chiato. Bago ako pumasok sa loob ay kumatok muna ako ng tatlong beses.
Ngunit walang sumagot. Kaya't binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Lolo Chiato habang nakahandusay sa sahig. Awtomatiko akong tumakbo papunta sa kinaroroonan niya.
“ Lolo!” niyugyog ko siya ngunit wala paring response kaya't muli ko siyang niyugyog. Agad kong sinuri ang pulso niya.
“ May pulso pa naman siya. ” dali-dali akong tumawag ng ambulansya. Kaagad namang nakarating ang ambulansya. Hindi ko talaga alam ang gagawin sa mga oras na ito. Wala kasi kaming kamag-anak na nasa malapit tanging kami lang ni Lolo ang nakatira sa mansyong ito kasama ang tauhan niya. Maliban sa mga tauhan ko.
Hindi ko rin alam kung ano ang kalagayan ng kanang kamay kong si Sam. Kung ligtas lang ba talaga sila. Agad na isinakay si Lolo ng ambulansya at nakasunod lamang ako sa kanila. Pagdating namin sa hospital ay agad na inasikaso si Lolo ng mga doctor ngunit na-comatose siya. At nalaman kong may hinahambing palang malubhang sakit si Lolo Chiato. May stage 3 leukemia siya.
Iyak ako ng iyak habang nakahawak sa kamay ni Lolo at naalala ko ang lahat ng kalokohang pinanggagawa ko sa kaniya. Ilang taon akong pasaway sa kaniya. Ni-respeto ay wala ako nun. “ Forgive me, Lolo Chiato magiging mabuting apo napo ako sayo. But promise me, na hinding-hindi mo ako iiwan ah?“
“ Wag po kayong mawala sa akin. Ayokong mag-isa sa mansyong ito. Kahit wala na ang mga magulang ko, kuntento na po ako kasi nandiyan ka palagi para sa akin kahit pasaway ako sayo.”
“ Gumising kana diyan, Lo. “
---
Lumipas ang ilang linggo ay hindi parin gumigising si Lolo. Kaya't mas lalo akong naging wild. Lalo na't isang araw ay nakita kong nakipaghalikan si Professor Kane sa co-professor niya na si Miss Dianna.
Kitang-kita ko kung paano sila maghalikan hanggang sa may nangyari sa kanilang dalawa sa loob ng kotse ni Miss Dianna. Tanging pagkuyom ng aking kamao ang aking nagawa at pagtulo ng luha. Ako lang kasi ang nagmamahal.
Papunta kami ngayon sa hide-out nila Drago at ang anak niyang si Alaia. Ni-minsan ay hindi pa alam ng mga ito ang buo kong pagkatao dahil sa tuwing mapapasabak kami sa labanan ay nakatakip ang buong mukha namin. “ Hindi kaya bitag ito?” biglaang sambit ni Sam sa akin na sinang-ayunan naman ng lahat.
“Kung isa itong bitag pwes humanda sila sa kamandag ko. Dahil uubusin ko silang lahat lalo na iyang si Alaia.” nagtiim ang bagang ko sa galit.
“ Maging mapagmasid kayo sa paligid ah?“ mariing bilin ko sa kanila. Lahat kami ay nakasuot ng itim. Sa loob ng jacket ko may dalawang granada, dagger at baril na nakasukbit sa jacket ko. Ready na akong makipagpatayan sa mga kalaban ko lalo na't broken hearted ako ngayon. Dumagdag pa ang kalagayan ni Lolo Chiato.
Ang sinumang haharang-harang sa akin ay hindi ako magdadalawang-isip na patayin ito.
“ Be ready guys, nandiyan lang sa tabi-tabi ang grupo ni Drago. Kaya be careful baka maunahan niya kayong maitumba.”bilin ko sa kanilang lahat bago lumabas ng kotse.
Bitbit ko ngayon ang aking silencer habang luminga-linga sa buong paligid. Kailangan naming mapagmasid sa bawat sulok. Madilim ang parteng ito, at tanging street light ang nagsisilbing ilaw sa buong paligid.
Umikot ako. Nakasunod sa akin ang mga tauhan ko. Agad kong itinaas sa ire ang kaliwa kong kamay upang mag-go signal. Maya't-maya sunod-sunod na putukan ang umalingawngaw sa buong pasilyo.
“ Pinasok tayo ng kalaban!” rinig kong sigaw ng isa sa mga tauhan ni Drago. Awtomatik na naalarma ang lahat ng tauhan nito. Tumakbo ako at pinagbabaril ang mga tauhan nitong papunta sa gawi namin. Agad akong nagtago sa nakaparadang kotse. Patuloy na nakikipagbarilan ang mga tauhan ko. Nalagasan narin kami ng mga tauhan.
Kaya mas lalo akong nagalit. “ Héll is coming!” Agad akong nag-overload ng bala sa korenta isingko ko. Nang maubos ito ay sabay kong kinuha ang dalawang baril sa may hita ko. Limang taon ang bumagsak. Hindi mauubusan ng tauhan si Drago. “ Boss!“ sigaw ni Sam nang matamaan ako ng bala sa may balikat. Kahit may tama na akong bala sa may balikat ay patuloy parin akong nakikipagbarilan sa mga tauhan ni Drago. Si Drago o di kaya si Alaia ang hinihintay kong lumabas sa lungga nila.
“ Alaia lumabas ka diyan sa pinagtataguan niyo! Harapin niyo ako!”
Sabay na naubos ang bala sa dalawang baril ko kaya't ibinalik ko ito sa magkabilang hita ko. Hinablot ko ang aking machine gun na nakasukbit sa likod ko. Ngunit hindi parin lumabas si Alaia o ang kaniyang ama. Kaya't marahan akong pumasok sa loob ng building.
Sinalubong ako ng mga tauhan nito. Ang iba kong kasama ay nasa likuran ko habang nakikipagbarilan sa iilang tauhan ni Drago. Maya-maya ay lumabas ang dalawang taong hinihintay ko iyon ay walang iba kundi ang mag-amang kampon ni Satanas. “ Hanap mo kami?” nakangising sambit nito.
“ Kung kaya mo kaming patumbahin, Héll ay ililipat ko sayo ang aking korona. “ pang-aasar pa nito sa akin at sabay na binaril ako ngunit agad ko itong naiwasan. Napangisi ako nang matamaan ko si Alaia sa may binti.
“ Aaaaaargh!“daing nito kaya't agad na nakipagbarilan ang ama nito sa akin habang pino-protektahan ang unica-hija niyang si Alaia. Sige lang para naman matapos ko kaagad kayong dalawa.
“ Dad!” sigaw ni Alaia habang nagpaika-ika sa paglalakad.
“ Bullseye!“ parang baliw kong sambit nang maitumba ko ang walangyang ama niyang si Drago. Naliligo ito sa sarili niyang dugo. Nagwawala ang unica-hija niya at pareho na kaming may tama ng baril.
“ Watch out, Boss!” sigaw ni Sam. Bago man ito mapunta sa akin ay agad ko itong naiwasan. Tinadtad ko ng bala si Alaia ngunit napaatras at napatakbo kami ng may paparating na granada sa gawi namin.
“ Talon!” sigaw ko. Napaubo ako ng dugo dahil may nakatarak na dagger sa bandang likuran ko. Hindi ko masyadong ma-aninag ang mga kasama ko dahil sa asong bumabalot sa buong paligid. Batid kong nakatakas sina Alaia kasama ang walang buhay niyang ama.
“ Bosss!“ sigaw ng mga kasama ko nang makita nila ako.
“ Dalhin natin siya sa hospital!”
“ Hindi na kailangan, habulin niyo sila.!”
“ Ngunit boss, paano ka?”
" Wala ng pero-pero, habulin niyo!”
Wala silang nagawa kundi ang sumunod sa utos ko. Pilit kong inabot ang dagger na nakatarak at sabay na hinugot hinugot na . “ Aaaaaargh!” daing ko pa nang maihugot ko ito. Tumayo ako at paika-ikang naglakad ngunit hindi kinaya ng katawan ko kaya'g bumagsak ako sa lupa.
“ L-lolo Chiato!” tanging lumabas sa bibig ko bago ako mawalan ng malay.