Yaia or Héll's POV Habang seryoso ang lahat papunta sa kuta ng mga kaaway ngunit ako ay nagpalunod sa mga kanta ng EXO lalo na't ang kanta nilang growl. Nakasalpak sa magkabilang tenga ang aking airpods. Hindi naman nagreklamo ang mga kasama ko sa kaingayan ko sa loob ng Van. Sa takot nilang masipa palabas ng Van kaya quite lang sila hanggang sa tapat na kami ng bagong kuta ng kaaway namin. “ May kalaban!” natatarantang sigaw ng isa sa mga tauhan ni Alaia. At agad namang naka-alarma ang iilang tauhan ni Alaia at agad kaming pinaulanan ng bala ngunit nakatago kaagad kami sa gilid ng bawat container van. Wala akong pakialam sa mga balang papunta sa gawi ko. Patuloy lang akong kumakanta ng growl habang nakikipagbarilan sa mga tauhan ni Alaia. Itinaas ko sa ire ang bitbit kong machine gun

