C20

1528 Words
Agad akong inilabas ni Marvin ng kwarto at dahan dahan nyang sinara ang pintuan. bumalik kami ng lobby na parang wala kaming nakita kanina. " ang bilis nyo naman ? " tanong ni julie " wala si sandra sa room baka naglakad lakad lang. dito na lang siguro namin sya hihintayin " sabi ni marvin na ikinatingin ko sa kanya na nginitian ako. naintindihan ko naman sya kaya tumahimik lang ako " nakapag check in na pala sina jeff at daniel. okay lang ba na samahan na muna namin sila para makita namin yung room at maiayos ang mga gamit nila " wika ni Donna " sure, ok lang. sige na para magawa nyo na dapat nyong gawin " sabi ko naman " si rizza nga pala nasaan? " tanong ko nang hindi ko mapansin si rizza " kanina lang kausap si dailyn andiyan lang yon baka may tinignan yaan mo kasama naman nya si dailyn " sabi naman ni donna nang kami na lang uli ang maiwan sa lobby ay yumakap na naman sya sa likod ko alam kong naglalambing na naman sya pero hinahayaan ko lang gusto ko rin naman. " Bakit nga pala nag sinungaling ka kanina " hindi ko napigilang itanong " gusto ko lang protektahan ang secretary ko " sagot nya " ah ok sabi mo eh! " turan ko hinigpitan nya ang yakap sa baywang ko at ipinatong ang baba nya sa balikat ko " Mahal ko, mahal kita alam mo naman yon di ba?, mahal na mahal kita, sobra mo kong pinasaya ngayong araw. pangako mas lalo pa kita pakamamahalin. sabi nya na ikinatuwa ng puso ko kinikilig ako sa tuwing sasabihin nya kung gaano nya ko kamahal ramdam na ramdam ko yon sa bawat pag titig at pag haplos nya sakin pati ang pagyakap nya. gusto kong iparamdam na sobra ko din syang mahal pero nahihiya ako. " ikaw talaga kahit kailan napaka showy mo hindi ka pa rin pala nag babago tulad ka pa rin ng dati ang dating marvin na minahal ko noon at pakamamahalin pa." sabi ko sabay pisil ko sa ilong nyang matangos. " salamat, may naalala ako Mahal ko " ani nya " at ano naman yon ? tanong kong nakapamewang pa na tinawanan naman ako " yung sa isla, nung ma stranded tayo, hindi tayo nabalikan agad ng bangka na nirentahan natin. dahil bigla raw nanganak ang asawa at nakalimutan tayo sunduin agad kaya kinabukasan na ng umaga tayo nabalikan." pa alala nya pa " ano yon? hindi ko natatandaan " sabi ko naman pero ng totoo hindi ko nakakalimutan ang pangyayare na yon. dahil muntik ko lang naman maisuko sa kanya ang perlas ko sa islang yon kung hindi lang sya nag pigil. " sigurado ka hindi mo natatandaan ? " tanong nyang may nakakalokong ngiti " hindi nga, ano ka ba " sabi ko " hindi raw pero namumula na yang mukha mo." pang aasar pa nya " hoy marvin hindi ah wala naman talaga akong naaalala eh " pag di deny ko pa sa kanya " gusto mo paalala ko sayo ? tara samahan mo ko." sabi pa nyang hindi nawawala ang kalokohan sa kanyang ngiti alam ko namang inaakit nya ko " manigas ka " sabi ko na ikinahalakhak na nya Nang may napansin syang dumaan na babae sa harap namin pero nilagpasan lang kami " Sandra, Ms.Pereira " tawag ni Marvin " Boss, andiyan po pala kayo kanina pa po ba kayo dito? ano po kase sir Marvin kumain lang po ako at naglakad lakad oo ganon nga po naglakad lakad po ako. pasensya na sir hindi ko kayo napansin. ito na po sir yung mga papers na dapat nyong pirmahan ito pong ballpen sir. ito sir at ito pa, pati na rin po ito, ito din sir. ok na sir, alis na po ako. " natatarantang sabi nya na isa isa ibinigay ang mga papers na dala nya para papirmahan kay marvin. nang nakakailang hakbang na sya " nakita kita sandra sa loob ng kwarto kasama si jasper " wika ni marvin na ikina gulat ko sa narinig ko hindi ako makapaniwala na sinabi nya yon sa sekretarya nya " sir marvin, please wala na po sanang ibang makaalam. pag pinagsabi nyo mag re resign ako" turan nya sabay karipas ng takbo na ikinatawa naming dalawa sa ginawa ni sandra maya maya ay pumasok naman si rodjun sa lobby na kadarating lang " P're andito pala kayo akala ko na kina lola demy pa kayo. bat andito kayo? " tanong ni rodjun " mag bonfire kami, sama ka? " sagot naman ni marvin " eh ikaw san ka pala galing, hindi ba kayo mag kasama kanina ni Jasper ? " ayaw nyang sumama kina tito orlando, family get together pre alam mo na boring. asan ba yon tinatawagan ko hindi sinasagot ang phone nya ? " sabi ni rodjun " tulog na, napagod ata. Tara sama ka na lang samin sa tabing dagat." aya ni marvin sa kanya Nagtipon tipon kami sa tabing dagat at gumawa ng bonfire ang mga kalalakihan nagpadala ng malaking cooler na may lamang beer in can at maraming snacks sina dailyn nasabi na ni marvin na kami na uli at masaya sya para samin at naipakilala na namin ni marvin kay rodjun sina jeff at daniel sina donna at julie pero may kulang pa hindi pa kase dumarating sina rizza, dailyn at aileen. ilang minutong pag hihintay ay dumating na ang tatlo na may dalang gitara. " sorry guys ha ngayon lang kami may inasikaso lang." pag bati sa amin ni aileen " kanina pa dapat kami rito may dumating lang na peste raw sa buhay ng friend ko " si rizza na sabay tawa sa sinabi nya " oy kilala namin yan noh ! ?" singit agad ni donna na tsismosa talaga " oo sya nga yon tumpak ka diyan bru " sagot naman agad ni rizza " hindi pa kayo lasing nyan ha " sabi ni julie " ay wait, di pa pala kami nagpapakilala. im dailyn and this is my ate aileen ito si ate rizza kilala nyo na yan eh " pagpapakilala ni dailyn " rodjun buenaflor is my name " sabay kindat " jefferson reyes, jeff na lang boyfriend ni julie sabay pisil sa kamay ni julie " daniel baldiconza boyriend ni Donna na umakbay pa kay Donna " Marvin Almeda boyfriend ni Candice na yumakap naman sa baywang ko " yeeeeehhh nakakakilig naman kayo " sabi naman ni dailyn " bakit tayo walang partner ang daya nila " si rizza na naman maangal " sino sa inyo ang marunong mag gitara? " tanong ni aileen " kami ni marvin, marunong kayo pre? " si rodjun na inabot ang gitarang hawak ni aileen at nagkatitigan pa. umiling naman sina jeff at daniel dahil hindi sila marunong " marunong ka? " tanong ko kay marvin kase ngayon ko lang nalaman na marunong pala sya mag gitara "natuto akong mag gitara nung magkakasama na kami nila rodjun nung college " sagot nya " gusto mo bang haranahin kita ? " sabay kindat na ikinakilig ko na naman kaya hinampas ko sya sa braso nakakainis kase eh may pag kindat pa . pagtipa nya sa gitara " this is for you mahal ko " sabi pa ni Marvin Minamasdan kita Nang hindi mo alam Pinapangarap kong ikaw ay akin Mapupulang labi At matingkad mong ngiti Umaabot hanggang sa langit Huwag ka lang titingin sa akin At baka matunaw ang puso kong sabik Sa iyong ngiti Ako'y nahuhumaling At sa tuwing ikaw ay gagalaw Ang mundo ko'y tumitigil Para lang sayo Ang Awit ng aking Puso Sana'y mapansin mo rin Ang lihim kong pagtingin ngayon ko lamang nalaman na talented pala sya bukod sa pag gi gitara ay mas gumanda na rin ang boses nya dati naman na nya kong kinakantahan kaya masasabi kong gumanda talaga ang boses nya..hindi ko maiwasan ang hindi kiligin dahil sa bawat bigkas nya ng lyrics ng kanta ay hindi nya inaalis ang tingin nya sakin. Minamahal kita ng di mo alam Huwag ka sanang magagalit Tinamaan yata talaga ag aking puso Na dati akala ko'y manhid Hindi pa rin makalapit Inuunahan ng kaba sa aking dibdib Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling At sa tuwing ikaw ay lalapit Ang mundo ko'y tumitigil Ang pangalan mo sinisigaw ng puso Sana'y madama mo rin Ang lihim kong pagtingin natapos ang harana nya sakin kuno na sinabayan pa ng mga kaibigan namin kanina habang kumakanta sya at lahat sila nagpalakpakan " nagustuhan mo ba? nang una kong marinig ang kantang yan ikaw ang naalala ko. dahil nung nasa alaminos pa tayo kahit anong papansin ko sayo hindi mo ko napapansin. makita ko lang na ngumiti ka sumasaya na ang araw ko. kung hindi pa aksidenteng nabangga mo ko hindi mo pa ko makikilala hindi mo pa ko mapapansin. " hindi nga? bakit ngayon mo lang sinabi yan ? tanong ko sa kanya " nahihiya pa ko ipaalam syo noon na minsan mo akong naging stalker " sabi nya at binitiwan na ang gitara upang ako ay hagkan sa aking noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD