" Congratulations Mrs. Almeda, your three weeks pregnant. okay naman ang baby sa tummy mo pero reresetahan pa rin kita ng vitamins para sa inyo ni baby. iwas stress, bawal magpuyat, iwasan magbuhat ng mabibigat." payo ng doctor " thank you doc " ang sabi ko masaya akong magkaka baby na ko pero nalulungkot ako dahil magkahiwalay kami ng ama nya. " ano kaya ang magiging reaction ni Marvin kapag malaman nyang magkakaanak na kami." tanong ko sa aking sarili. " o ano iha, anong sabi ng doctor? tama ako hindi ba, buntis ka nga." saad na tanong ni tita Wena. hindi na kase sya pumasok sa loob ng clinic, naghintay na lamang ito sa labas. " Opo tita Wena tama po kayo three weeks na raw po akong buntis kaya po pala nitong ilang araw ay napaka moody ko at laging inaantok sintomas na rin po pala n

