Nang araw ding malaman nilang magka kaibigan na Negative ang result ng DNA test ay bumiyahe na sila pa Quezon. dinaanan na lamang nila sina Julie, Rizza at Donna sa Pabrika upang magpasama sa kanila kung saan naroon si Candice. nag convoy na lamang sila ni Arnel dahil sa nag insist ang mga itong sumama sa kanya.hindi na nakasama si Romary dahil may guesting pa raw ito sa isang noon time show sa tv. naipaalam na rin nya sa mga kaibigan ni Candice ang naging resulta ng DNA kaya naman masaya ang mga ito para sa kaibigan nila .umaasa silang magiging maayos na ang lahat kapag nalaman na ni Candice ang totoo. pagkarating nila sa tapat ng bahay ng tita ni julie ay kinabahan si Marvin kaya naman sinabi ni Julie na sila na muna ang bababa at kakausap kay Candice at ganon din naman ang ginawa nila

