Sa takot ko sa nangyari ay nahimatay ako at nagising na lang ako sa ingay na aking naulinigan na para bang nag aaway, eh nag uusap lang naman pala.
"Sa wakas nagising ka na rin, Candice Pontevedra." exaggerated na pagkakasabi ni Rizza.
"Pinag-alala mo naman kami bruha, bakit naman kase may pahimatay himatay effect ka pang nalalaman eh di ka naman nabunggo, muntik lang! Girl, bawas-bawasan mo ang pagkakape ha!" saad ni Donna na parang nang aasar na bigla naman binatukan ni Rizza.
"Ano ka ba naman Donna?! s'yempre nakaramdam nga siya ng takot. Sumagi pa rin naman sa gilid ng hita ni Candice yung harapan ng kotse noh! mahinang impact nga lang. Akala rin ata niya katapusan na ng buhay niya, mamamatay siyang birhen pa. Aba, kahit ako siguro ang nasa sitwasyon n'ya kanina kung di naipreno yung kotse sasalpok talaga sa katawan ko ang sasakyan na yon ay hihimatayin din ako sa takot noh!" singhal ni Rizza kay Donna.
Napapikit naman ako sa mga salitang lumabas sa bibig ni Rizza.
"Goodness, please Rizza, wag mo na akong ipagtanggol pa kay Donna. Ipinangalandakan mo pa talaga na intact pa ko." singhal ko sa kanya.
"Bakit nakakahiya bang ipagsabi na virgin ka pa rin, Candice?" tanong na painosente ni Rizza.
"Ay ang tanga lang!" komento ni Donna na iniling iling pa ang kanyang ulo.
"Narinig ko 'yon Donna ha!" pikong saad ni Rizza.
Natawa na lang ako sa sagutan ng dalawa.
"Tumigil na kayo ha, kanina pa kayong dalawa ah!sa ingay ninyo nagising tuloy si Candice." pananaway ni Julie sa dalawa na parang aso't pusa na naman kung magbangayan.
"Ikaw kase eh!" paninisi pa ni Rizza kay Donna na inirapan naman siya ng kaibigan.
"Ayos ka lang ba, Candice? may masakit ba sayo? yung sa bandang kaliwang hita mo wala bang kumikirot?" pag aalalang tanong ni Julie na inalalayan pa ko nito ng mapansin niyang gusto kong maupo.
"Ayos lang, wala naman masakit." ang sabi ko.
"Sure ka? Wala talagang masakit ha!?" paninigurado niya pa na tango na lamang ang isinagot ko.
"Dinala pa talaga ninyo ako rito, salamat sa inyo ha!" pasasalamat ko sa kanila dahil nang magising ako ay nasisigurado kong nasa isang clinic ako ngayon.
"Sus naman, natural magkakasama tayo kanina alangan na pabayaan ka namin bruha. Pero tinulungan din kami nung driver ng kotse muntik ng makasagasa sayo. Mabait naman at gwapo pa bruha." kinikilig pang turan ni Donna.
"Tatawagin ko lang ang doctor na tumingin sayo kanina Candice ha." si Rizza na nag aalala pa rin kahit na wala naman talagang nangyare na masama sa akin.
Nakabalik naman siya agad kasunod ang doktor na sumuri sa akin kanina pagdating daw namin dito sa clinic.
"She's fine, kaya siya nahimatay kanina ay sa sobrang takot lang na naramdaman niya. Wala naman napinsala sa kanya. Maaari na ninyo siyang iuwe." seryosong pagkakasabi ng doktor.
"Sige po Doc, marami pong salamat ulit." aning wika ni Julie.
"Oh ayan bruha, pwede ka na raw umuwe. Narinig mo naman ang sinabi ni Doc di ba." paalala pa sa akin ni Rizza.
"Ihahatid n'yo ba ako sa amin? " tanong ko naman sa kanila.
"Sabay sabay na tayong umuwe gabi na at hinihintay na tayo ng pamilya natin, isasakay ka na lang namin ng tricycle, mukhang kaya mo naman na!" ani ni Donna at sumang ayon na ko sa sinabi niya.
"Ay, saglit lang nakalimutan kong nasa labas nga pala si sir at naghihintay sa atin!" palatak na ani ni Julie na bigla na lamang umalis para siguro puntahan yung driver na tumulong sa amin ng maalalang may taong naghihintay sa amin sa labas.
"Candice, wag mong sungitan ha, mabait naman yon, tinulungan pa nga tayo di ba! kahit na di ka naman niya nabangga talaga. Kasalanan din naman natin bigla tayong tumawid nang hindi pa dapat." pagpapaliwanag ni Rizza.
"At saka binuhat ka pa niya kanina nung wala kang malay. Nakakakilig lang kase ang gwapo ng kumarga sayo." singit naman ni Donna na ngingiti ngiti pa na ikinaawang ng labi ko sa narinig kong sinabi nya.
"A-Ano? at talagang hinayaan niyo na buhatin pa niya ko? Nakakahiya naman, sana kayo na lang ang bumuhat sa'kin." inis kong pagkakasabi dahil hindi ko gusto ang idea na kinarga ako ng lalaking hindi ko naman kakilala.
"Feeling mo magaan ka bru? yung sa totoo lang ha mabigat ka kaya!" sabi ni Rizza na umirap irap pa. Tinaasan ko naman siya ng isang kilay ko.
"Mabuti na lang Rizza, malayo ka sakin at wala akong pwedeng maibato sayo rito sa tabi ko." biro ko sa kanya na ikinatawa namin.
"Hi Sir, dito po kayo maupo." na biglang ikinatarantang saad ni Donna nung mapansin niya na narito na pala sina Julie. hindi ko napansin na nakapasok na pala si Julie na kasakasama na yung sinasabi nila na bumuhat sa akin kanina dahil sa pagkukwentuhan namin tatlo at nakatalikod din naman ako sa kanila.
Nang sa pagharap ko sa pwesto nila Julie kung saan sila nakatayo ay nanlaki ang aking mga mata sa aking nakikita, hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko ang lalaking ayoko ng makita pa sa tanang buhay ko. Bigla na lamang ako nakaramdam ng galit. Pakiramdam ko ay bumalik lahat ang sakit sa puso ko.
"I i...ikaw?" bulalas ko sa pagkagulat. At gulat din ang mababanaag mo sa kanyang mga mata na para bang tulad ko ay hindi rin siya makapaniwala sa kaniyang nakikita.
"Wait, teka lang ha! Candice, ibig bang sabihin kilala mo siya, magkakilala kayong dalawa?" usisang tanong ni Rizza pero hindi ko siya sinagot.
"Yes, she is my girlfriend." dinig kong pagkakasabi ni Marvin na ikinaawang na naman ng bibig ko pakiramdam ko tumaas ang blood pressure ko bigla akong na high blood sa sobrang galit na aking nadarama.
Samantalang naguguluhan naman ang mga kaibigan ko na sigurado ako mamaya lang ay hindi ako titigilan ng mga tanong ng tatlong ito.
"Correction Mr. Almeda, Ex girlfriend. Hindi mo na ko girlfriend ng iwanan mo ko noon. Kapal ng apog mo ha!" na ikina ekis ko pa sa braso ko na ikinatitig niyang muli sa akin at nakita ko ang sari saring emosyon na di ko mawari kung natutuwa ba o ano sa aking sinabi. Na lalo ko lamang ikinainis.
"Sasabihin mong girlfriend mo ko, eh ang kapal naman ng mukha mo talaga noh! after what you did to me, yan ang sasabihin mo talaga?" asik ko pa sa kanya.
Na ikinakuha na nang atensyon ng ibang tao sa loob ng klinika na bigla kong ikinayuko dahil sa bigla akong nakaramdam ng hiya sa mga taong nakikiusyoso na sa amin.
"Umm sir, pasensiya na po baka po pwedeng umalis na lang kayo. Nakakahiya na kase!" ani ni Julie na kita ang pag alala sa mata niya na nilapitan ako at pinisil ang aking kamay upang pagaanin ang aking nararamdaman. Alam kong nakialam na siya dahil sa tensyon na namamagitan sa amin ni Marvin na ikinalapit na rin ni Rizza at Donna sa amin.
"Makakaalis ka na Mr. Almeda, Okay na ko nakikita mo naman na siguro kaya maaari ka ng umalis." mahinahon ko ng utos sa kanya na tintigan pa ko ng matagal at tumalikod rin naman at naglakad na palabas ng clinic.