PROLOGUE

672 Words
Nagising si Jane dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng barong barong na bahay nila. Mahirap lng sya at walang sapat na pera ang magulang nya para bumili ng bahay. Maya maya ay narinig nya ang sigaw ng kapatid nyang c Jun. "ate .. Ate!!" tawag ng kanyang kapatid "Oh ? Bkit ba Jun?" sagot niya na pupungas pungas pa. "Ate may naghahanap sayong matandang lalaki. Mukhang mayaman ate at may magarang kotse." sabi nito na bakas ang paghanga sa mukha. Saglit siyang natigilan at napatingin dito. "Ha? Sino? Bakit nya ko hinahanap?" sabi niya na bahagyang kinabahan. Wala naman siyang kilalang mayaman kaya talaga namang litong lito siya. "Ewan ko ate. Kausap nya si nanay at tatay sa sala." sagot nito sa kanya. "Sige lalabas na ko. Magpapalit lng ako ng damit." sabi niya rito at dali daling naghanap ng damit na susuotin "Sige ate. Sasabihin ko na lang na palabas ka na." sagot ng nakababata niyang kapatid. Lumabas na ang kapatid niya at nagpalit naman siya ng suot na damit. Pagkatapos ay lumabas nsiya at pumunta sa sala. Nakita niya dun ang isang matandang nasa mid 50 na nakatingin sa kanya at ang magulang naman niyaa ay umiiyak sa harap ng matanda. Agad siyang lumapit sa kanyang ina at nagtanong ng nagtataka. "Nay bakit ka umiiyak?" tanong niya rito. Naging mailap ang mga mata nito sa kanya at tumingin sa gawi ng matanda. "Wala anak. Wala lng ito." sagot nito na may lungkot sa boses. "Anong wala nay? E mugto na ang mata mo." Tumingin siya sa matanda at nagtanong. "Sino ho ba ang bisita natin?" Hindi kumibo ang mga magulang niya.Lumapit sa kanya ang matanda at nagsalita. "Finally nakita rin kita apo." Sabi nya sabay yakap sakin. Nagtataka akong kumalas sa kanya. Hindi niya kilala ito kaya paanong magiging apo siya nito. "Po? Nagkakamali po kayo. Hindi po ako ang apo nyo."sabi niya rito ngunit umiling lang ang matanada at nagsalita. Hinawakan nito ang dalaw niyang kamay. "Hindi iha. Hindi ako nagkakamali. Ikaw si Beatrice Tracy Villaruenza. Ang nag iisang tagapagmana ng Villaruenza Group of Comapanies. Nawala ka samin 18 Yrs ago dahil sa pagkidnap sayo ng kalaban ng kompanya. Napunta ka sa kanila dahil napulot ka ng pamilya na ito. " paliwanag nito. Namutla siya sa sinabi nito. Bumaling ang mga mata niya sa mga magulang niya na puno ng pagtataka ang kanyang mga mata. "Po? Naku po Baka po nagkakamali lng kayo. Sila po ang magulang ko. Hindi po ako ampon. Diba nay ? Tay? Sabihin nyo po." sabi niya. Hindi siya makapaniwala na hindi siya anak ng mga taong kinilala niyang magulang. Hindi kumibo ang mga ito. Tanging hagulgol lamang ang lumabas sa mga bibig ng mga ito. "Nay ano po bang nangyayari sa inyo? Bakit ayaw niyo pong magsalita." Sabi niya na humawak rito. Niyakap siya nito at nagsalita habang lumuluha. "Anak kahit hindi ka namin tunay na anak ay minahal ka namin ng tatay mo. At tinuring ka naming tunay na anak. Patawarin mo kami sa paglilihim sayo. Mahal na mahal ka namin."sabi nito. Tuluyan na siyang napahagulgol sa narinig. Unti unting nanlambot ang kanyang mga hita Ampon lng pala siya. Niyakap niya ang kinilala niyang pamilya. Hindi naman siya nagalit sa ginawa nila at nagpapasalamat siya dahil pinalaki siya ng mga ito na parang tunay na anak. Hindi siya pinakitaan ng hindi maganda. Maya maya ay lumapit sakin ang aking Lolo. Don Benito: Iuuwi na kita sa mansyon iha. Doon ka na titira kasama ko. Wag kang mag alala sa kinilala mong magulang bibigyan ko sila ng kabuhayan at matitirhan. Basta sumama ka lng skin. Ako: Salamat po. Opo. Sasama na po ako sa inyo. Hindi pa rin ako makapaniwala na isa pla akong apo ng isa sa mayamang pamilya sa buong mundo. Ano na kayang mangyayari sa buhay ko? Magiging masaya kaya ako sa piling ng tunay na pamilya ko? Mapapanagutan ko kaya ang responsibilidad bilang isang tagapagmana ng Villaruenza? Will I be a good heir of the family? --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD