EnjoyReading Third Person's POV "Saan ka nanggaling? Saan ka natulog? Ayos kalang ba?" Bungad sa kanya ni Annika pagkauwi niya sa condo niya. Napabugtong hininga na lang siya dahil hindi niya napasaya si Yna kanina. Hindu kasi siya nagpaalam na pipitas siya sa mga rosas na tanim pa pala ng ina nito. Nagmagaling nanaman siya pero palpak. Hindi siya nagiisip. Lalampasan na sana niya si Annika ng magtanong nanaman ito at humarang sa daraanan niya. "Saan kaba nanggaling? Kumain kana ba?" Tanong nito sa kanya kaya napakamot siya sa sentido dahil sa kulit ng babae sa harapan niya. "Kumain na ako tsaka maliligo lang ako at magbibihis para pumasok sa opisina. Wala ka bang gagawin? Ayaw mong lumabas dito sa condo para maaliw aliw ka? Para naman makalimot ka dahil sa aksedenteng nangyari." Sab

