EnjoyReading Third Person's POV "Saan ka nanggaling?" Pagpasok na pagoasok palang ni Ainsley sa kwarto ni Annika dito sa hospital ay yun agad ang bungad nito sa kanya. Mahinahon ang boses nito at malambing. Umupo nalang siya sa sofa at pinikit ang mga mata. Dumalaw siya sa anak niya kanina. Nakita niyang napakalapit sa isa't isa si Yna at Kian. Kinakain siya ng selos niya pero hindi niya magawang magalit kasi alam niyang sinusuko na siya ni Yna. Correction sinuko na siya ni Yna. Walang ibang dapat na sisihin kundi siya lang. "Kumain kana ba?" Tanong ulit sa kanya ni Annika. Minulat niya ang mga mata at tinignan niya si Annika. "Wag mo akong alalahanin. Sabi ng doktor pwede ka ng lumabas. Inaayos ko na lang yung bill tapos babalik na tayo sa condo." Malamig na sabi niya at lalabas na

