EnjoyReading?
Third Person's POV
"Bakit biglaan naman yang pag alis mo?!" Galit na sigaw sa kanya ni Annika.
Rinding rindi na siya sa bunganga ni Annika. Nitong nagdaan dalawang taon napapadalas ang labas nito tapos mainitin ang ulo nito. Hindi niya alam kung anong problema nito.
Humarap siya dito at niyakap niya ito ng mahigpit.
"Para din naman ito sa atin. Kapag nalaman kong anull na kami ni Yna. Babalik ako at magpapakasal na tayo." Sabi niya dito at hinalikan ito sa noo.
Tumitig ito sa kanya at ngumiti.
"Dalian mong umuwi. Susundan kita kung nagkataon." Sabi nito sa kanya.
Ngumiti naman ako at hinila na yung maletang dala dala ko. Babalik siya sa pilipinas malipas ang ilang mga taon. Namiss ko ang pilipinas.
Nang makasakay na siya sa taxi at binabaybay na nila ang daan papuntang airport. Napatingin siya sa bintana at nakakita ng isang batang babae na naglalaro kasama ang kano nitong ama.
Mga nasa limang taong gulang yung bata.
Kyla.
Napaiwas siya ng tingin dahil masyadong mabigat sa puso niya ng hindi niya alam kung bakit meron padin siya nun. Sa nagdaang mga taon hindi nawawala sa isip niya si Yna. Kung kamusta ba ito? Gago siya masyado. Inaamin naman niya yun.
Paano kapag may mahal na siyang iba?
Kumuyom ang kamao niya pero mabilis na pinakalma ang sarili. Wala naman na sa kanya kung meron na itong iba. Kukunin lang niya yung anullment papers nila ni Yna. Tapos na siya dito.
Gusto niyang maging masaya na at hindi siya magiging masaya sa piling ni Annika kung patuloy na nasa likod niya ang nakaraan na humahabol sa kanya.
Pinikit niya ang mga mata para magpahinga dahil hindi niya alam kung bakit dinadaga ng kaba ang puso niya.
Yna's POV
"Mommy Birthday ko po ngayon. Bakit wala padin si Daddy?" Tanong ng anak kong napabalik sa akin sa realidad.
Ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya sa noo.
"Anak busy pa si Daddy. Pero hayaan mo babalik din siya." Sabi ko sa kanya ng nahihirapan.
Patuloy kolang pinapaasa yung anak ko. Pero wala naman akong magagawa. Ayaw kong masaktan siya sa pamamagitan na malaman niyang baka wala na talaga siyang tatay.
"Ayaw niya sa atin mommy?" Tanong nito na nagtarak ng panibagong puntal sa puso ko.
Gusto kong tumango pero hindi ko kayang makita sa magaganda niyang mga mata ang sakit na dapat para lang sa akin nalang.
Mas gugustuhin kong hakutin lahat lahat ng sakit na pwede niyang maramdaman. Pero imposible yun.
Sa kahit na anong paraan nasasaktan padin ang anak ko at hindi ko kayang tanggalin yun at pigilan. Napakabata noya pa para maramdaman ang mga ganong bagay.
Ang inggit at pagkasabik sa ama.
Alam kong naiingit ito sa mga kaibigan niyang bata na may mga tatay. Lalo na sa mga anak ni Hayila at Aliyah na may tatay. Kahit si Crakky at Twain malapit sa anak ko at trinatrato si Kyla na parang anak. Alam ko iba padin ang gustong kasama ni Kyla..
Hinalikan ko siya sa noo ng madiin at pumikit ako dahil alam ko na paluha na ako. Ayaw kong nakikita ako ng anak ko ng ganoon.
"Maligo kana anak. Tapos diba pupunta pa tayo kila tita Hayila ko kasi sa bahay nila yung handaan mo." Nakangiti kong sabi sa kanya.
Ngumiti naman siya sa akin.
"5 years old na ako mommy. Malaki na po ako." Malambing na sabi niya sa akin at ngumiti ng sobrang tamis.
Napangiti ako dahil sa kalambingan ni Kyla. Hindi ko hahayaan na mawala sa akin si Kyla kahit na anong mangyari. Hindi ko yun hahayaan. Kung may mananakit naman sa kanya. Dadaan muna sila sa akin.
Ipaglalaban ko si Kyla.
Third Person's POV
Pagbaba na pagbaba palang ni Ainsley. Init na ng pilipinas ang nararamdaman niya.
It's good to be back.
Habang nasa loob siya ng airport isang katanungan lang ang gumugulo sa isipan niya.
Nasa condo pa kaya sila?
Napabuntong hininga siya at tinawanag ang alam niyang taong makakapagsabi ng kasagutan sa kanya.
Nakakailang ring palang ng may sumagot agad sa tawag niya.
"Hey Who's this?" Bungad agad sa kanya ni Crakky.
Makapal ang muka niya dahil nagawa pa niyanh tawagan ang lalaki sa lahat lahat ng ginawa niya. Ito lang ang alam niyang makakapagsabi ng sagot dahil close si Hayila at Yna.
"Bud." Tawag niya dito .
Nanahimik naman ito ng ilang beses hanggang sa makarinig siya ng ingay..
"Happy Birthday to you!??
Happy Birhday, Happy Birthday??
Happy Birthday to you??
Happy Birthday KYLA!" Natigilan siya ng marinig ang pangalang yun.
Malaki na siguro si Kyla. Pinatayan niya ito ng tawag at nagmamadaling lumabas ng airport.
Nagpahatid siya sa dati niyang condo. Ganon nalang ang gulat niya dahil marami ng nagbago sa condo niya. Mula sa ayos ng mga gamit kaya nagmamadali siyang tumaas sa dati nilang kwarto ni Yna at nagulat nanaman siya sa ayos nun.
Kulay pink na yung kama at puno ng teddy bear. Marami nading picture frames na may pictures ni Yna at K-kyla.
Lumapit siya sa may kama at tinignan ang malaking emaheng nasa uluhan ng headboard.
Si Yna yun at Kyla. May ngiti sa mga labi nilang dalawa. Sa lahat ng picture wala siyang makitang larawan niya. Tanging si Yna lang at Kyla.
Nanginginig na pumunta siyang walk in closet ang nakakagulat pa. Nandun padin ang mga gamit na naiwan niya. May mga damit na din si Kyla dito kasi may pambatang damit at kay Yna.
Ibig sabihin dito padin sila tumitira?
Tulala akong umupo sa kama.
Tinotoo ba niya ang pangako niyang maghihintay siya?
Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang tumibog ng mabilis. Sinuntok suntok ko para patigilin. Para akong nauubusan ng hingina.
Yna's POV
Ilang beses akong napapatingin kay Crakky kasi iba ang tingin niya sa akin. Tila may gustong sabihin. Parehas sila ni Hayila.
Pero iba ang kay Crakky.
"Mahal wag na muna kaya kayong umuwi sa condo niyo. Dito na kayo matulog ni Kyla. Marami namang kwarto sa itaas." Sabi ni Hayila sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. Baka yun lang ang gusto nilang hilingin.
"Kukuha nalang muna ako ng damit sa condo." Sabi ko sa kanya at ngumiti.
Pero may pagaalinlangan ang mga mata ni Hayila.
"Hoy para ka namang tanga. Umayos kanga kinakabahan ako sa kinikilos mo." Tumatawang kong sabi kay Hayila.
Napaiwas naman siya ng tingin sa akin. Kaya mas kinabahan ako sa kinikilos niya.
"Masaya ka naman na hindi ba?" Tanong niya sa akin.
Nagtataka man ako sa kinikilos niya. Sumagot ako.
Masaya ako. Pero may kulang.
"Oo naman masaya ako. Sira kaba basta nandiyan yung anak ko magiging masaya ako." Natatawa at nalilito kong sagot sa kanya.
Tumango tango naman siya at inopen up yung topic tungkol sa annullment papers namin ni Ainsley.
"Hihintayin nalang natin maaprobahan yun. Malaya kana." Sabi niya sa akin.
Ngumiti ako at tumango. Tama siya, si Hayila kasi ang nagpilit sa akin na permahan na yun para makabangon ulit ako sa pagkakahatak sakin pababa ni Ainsley.
Alam naman natin na kung wala kang koneksyon. Matagal ang proseso ng annulment papers. Wala naman akong kunersyon. Kung si Ainsley ang nagproseso dun siguro isang buwan palan anull na kaming dalawa.
"Alam mo aalis na ako ikaw muna bahala kay Kyla. Kukuha lang ako ng damit ni Kyla tsaka magbibihis na din ako." Sabi ko sa kanya at ngumiti. Pero pinigilan nanaman niya ako.
Humarang siya sa daraanan ko.
"Alam mo pahihiramin nalang kita ng damit. Pati si Kyla may mga kasang damit naman yung anak ko kay Kyla." Sabi nito.
Kunot padin akong napatingin sa kanya.
"Ang weird mo ngayon mahal. May problema kaba?" Tanong ko sa kanya.
Umiwas naman siya ng tingin bago magsalita.
"Ganito nalang kami nalang ni Crakky ang pupunta sa condo niyo. Magpahinga ka ayaw lang naman kitang napapagod. Sige na buhatin mo na si Kyla at tumaas na kayo. Hayaan mo na yang bukas na nating linisan. Pahinga kana ang dami mo ng ginawa ngayon." Sabi niya sa akin at tinawag yung asawa niya.
Binigay ko naman yung card para makapasok siya at tinawagan yung guard sa building kung nasan condo ni Ainsley na ngayon ay ako na ang tumutira.
Ayaw kong lumipat kasi gusto ko kapag umuwi siya mapupuntahan niya agad kami ni Kyla.
Umaasa padin ako.
Pero hindi na ganon kagaya ng dati.
Kahit bumalik siya o hindi. Ayos na ako si Kyla padin kasi ang iniisip ko at kung may tatanggap padin ba sa akin. May anak na ako at alam ko sa mga lalaki gusto nila yung mga walang sabit.
Gusto ko ng kalimutan ang pagmamahal ko kay Ainsley at ibaling yun sa iba. Pero hindi ko magawa dahil alam ko may masasabing hindi maganda ang taong nakapaligid sa akin. Lalo na yung anak ko. Ayaw kong masaktan siya.
Kasi kapag nilalapit ko ang sarili ko sa lalaki alam kong sabik si Kyla sa tatay. Baka ito ang dahilna kung bakit masasaktan siya kasi alam ko kapag nagsawa na ang isang lalaki sa aming may mga anak na. Iiwan kami na parang basahan na pinagpunas lang sa madumi nilang gabi.
Na kapag napunasan na ang init nila iiwan na kami dahil tapos na ang halaga namin sa kanila.
Yun yung masakit kasi sa mundo kinagagalawanan natin. Kapag may anak ka pero wala kang asawa at babae ka. Mababang uri ka. Na kahit na sabihin mong pagkakamali lang yun ay big deal sa mga taong mapanghusga.
Iba din ang timbang ng mga lalaki sa mga babae. Yung tipong sila pwedeng magkaroon ng kabit pero kaming mga babae ang panget tignan. Malandi ka kaagad.
Sa mga lalaki pag di sila virgin ng una kayong magtalik ayos lang pero kapag babae
Sasabihin madumi agad.
Ang baba ng pagtingin sa kababaihan na tila kami ang salot sa lipunan. Pero hindi nila alam na kami yung tunay na sasaktan ng lubos.
Ngumiti ako ka Hayila at kunaway ng lumabas na sila sa bahay nila kaya hinanap ko si Kyla na nakikipag laro sa anak ni Hayila. Umuwi na aksi sila Twain kasi gabing gabi na din.
Nakita ko yung mga bata tulog na sila kaya kinumutan ko bago ko binuhat si Kyla para ilipat sa kabilang kwarto kung saan kami natutulog dito sa bahay nila Hayila tuwing may okasyon.
Ang hirao ng walang magulang. Tuwing pasko pumupunta kami ni Kyla sa bahay ng mga magulang nila Hayila at duon magdiriwang ng pasko.
Hindi ko sila tunay na magulang pero tingin nila sa akin isang tunay na anak. At si Kyla naman ay apo na nila.
Masaya ako ngayon.
Hayila's POV
Pumasok kami ni Crakky sa loob ng condo nila Yna na pagaari ni Ainsley na tumawag daw sa asawa ko kanina.
Nataranta ako dahil manggugulo nanaman siya kay Yna na masaya na. Kulang man sila pero alam kong mas better kung hindi na nila makakasama si Ainsley.
Ito lang ang humahatak sa kanilang umangat at maging masaya.
Nakita nga namin ng asawa ko si Ainsley na nakaupo sa pang isahang sofa at nakapikit ang mga mata nito pagod na pagod..
Ang kapal ng muka niyang bumalik pa dito matapos iwan si Yna ng ganon ganon lang. Pagkatapos niyanh ipagpalit ng ganon kadali si Yna na parang wala lang sa kanya si Yna...
"Ainsley." Tawag ng asawa ko kay Ainsley kaya nagmulat ng mga si Ainsley at nagkasalubong ang tingin nilang dalawa.
"Anong ginagawa mo dito? Bakit bumalik kapa?" Hindi ko mapigilang tanong sa kanya
Guguluhin niya lang ang buhay ni Yna at ng inaanak ko.
Manggugulo nanaman siya.
"Kayo ang dapat kong tanungin. Bakit kayo nandito sa condo ko? Nasaan si Yna?" Seryosong tanong ni Ainsley.
"Kung yung annullment papers gusto mo. Malapit na bago maaprobahan yun kaya pwede ka ng umalis. Itong condo mo bibilhin ko sayo kahit magkano. Lumayo kalang kila Yna. Panggulo ka lang." Seryoso kong sabi sa kanya.
"Hindi ko kailangan ang pera mo. Si Yna ang kailangan kong makausap." Seryoso nitong sbai sa akin..
"Ayaw ka nilang makausap kaya nga nandito ako. Umalis kana lang. Hindi kana belong dito." Sabi ko at nilampasan siya at pumunta sa taas para kuhanan ng damit si Yna at Kyla.
Ako mismo ang gagawa ng paraan para hindi magtagpo ang mga landas niyong dalawa Yna..
Tapos na lahat ng paghihirap ni Yna.
Please READ, VOTE & COMMENT