EnjoyReading Yna's POV Napakunot naman ako ng noo ng makitang kong hindi ito ang daan sa condo ni Ainsley. "Ainsley may pupuntahan kapa ba? Pwede bang sa ibang araw nalang yan? Pagod ka dahil sa pagmamaneho magpahinga ka muna." Sabi ko at tumingin sa kanya. Ngumiti lang siya at hindu man lang ako sinagot kaya tahimik nalang ako sa upuan ko at hinayaan siya kung saan niya gustong pumunta. Ganon nalang ang gulat ko ng pumunta kami sa village nila Hayila at duon nga kami sa bahay nila dumeretsyo. Nakangiti akong tumingin kay Ainsley. "Salamat. Salamat dito mo ako hinatid." Sabi ko at mabilis na sanang lalabas kasi nagsalita si Ainsley. "Paheram ng telepono." Sabi niya sa akin. May ngiti padin sa mga labi niya nagtataka naman akong binigay ang cellphone ko. May tinawagan naman siya ka

