EnjoyReading Yna's POV Nasa kusina kami ni Kyla dahil nilulutuan ko siya ng dinner. Katatapos kong kausapin si Ainsley. Inis na inis na ako kay Annika dahil pakiramdam ko siya nanaman ang mananalo sa aming dalawa. Pakiramdam ko siya at pipiliin makasama ni Ainsley kaysa sa amin. Pero may pinanghahawakan na ako kay Ainsley. Napatingin ako sa daan palabas sa kusina ng makita ko si Ainsley na pumasok at hinalikan sa noo si Kyla bago siya pumunta sa akin at humalik naman sa labi ko. Tahimik lang si Ainsley at may iba sa kinikilos niya. "Anong problema mo?" Tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at kinagat ang ibabang labi niya bago nagsalita. "Si Anni....."......"Hello guys." Napatingin ako sa pinto at nakita ko si Annika na sobra ang ngiti habang papalapit sa mesa namin. Tumakbo

