Yngrid MALAKAS kong binaklas ang kamay niya na nakahawak sa bewang ko. Kinuha ko rin ang pagkakataon na lumayo ng makita kong nagulat si Devron sa ginawa ko. Hindi ko na talaga alam kung anu-ano ang tumatakbo sa utak ng lalaking ito. Kahit gusto kong basahin ang nasa mga mata niya ay hindi ko magawa dahil masiyado itong misteryoso at mahiwaga. "Pwede ba, Devron. Kung pinaglalaruan mo ako, tigilan mo. Hindi ako natutuwa." Hindi ko na mapigilang bulalas kaya nagbago naman ang expression ng mukha niya at ngumisi. Na para bang natutuwa sa mga lumalabas sa bibig ko ngayon. Kahit gusto ko siyang hampasin ay pinigilan ko dahil amo ko pa rin siya at katulong niya ako. "Sa tingin mo naglalaro ako?" Malamig niyang tanong dahilan para matigilan ako at malakas na bumuntong hininga. Minsan talaga

