YNGRID ANG lakas rin pala ng trip nito ni Devron. Hindi ko ba alam kung may sininghot ba ito ng pinagbabawal na gamot o sadyang trip niya lang ako dahil nabuburyo na siya o wala lang talaga siyang magawa sa buhay kaya ako ang nakita niya. Grabe. “Kaya ba tuwang-tuwa kanina ang amo ko na yon dahil sa akin? Dahil pinapanood niya akong nahihirapan mag-ayos ng mga papeles niya?!” Hindi ko na mapigil ang bulalas dahil sa inis na nararamdaman ko. Hindi niya ba alam na masakit sa likod, nakakangalay ng batok, at masakit sa ulo ang pinapagawa niya sa akin? Pero sa isang banda ng utak ko naman ay deserve ko ito dahil personal maid naman niya ako. “Pero kahit na personal maid niya ako ay dapat ay tinulungan niya pa rin ako! Paano kapag nagkamali ako? Sa akin siya magagalit, eh siya naman ‘tong

