Yngrid SINO SI KALISTA? Baka 'yan pala ang partner ni Devron? Pero kung ang Kalista naman ang partner ni Devron, bakit sinama niya pa ako dito? Para gawing alalay nilang dalawa? Sabagay, 'yon naman talaga ang pinasok ko, bakit ako magrereklamo? Habang gulat ang lahat sa pagdating ng babae ay ako naman ay pinagmamasdan ko lamang ang kabuuan niya. Balingkinitan ang katawan, mapusyaw na balat at halata mong galing sa mayamang pamilya. Aaminin kong maganda siya pero mas maganda ako, 'no. Hindi dapat ako naiinggit sa kanya dahil may angkin akong ganda. Pero kahit ganun ay nakaramdam pa rin ako ng inggit ng magkatabi sila lalo. Kitang-kita mo talaga kung gaano sila kabagay sa isa't-isa. Parehong mayaman, parehas mataas ang posisyon at talagang nakukuha nila ang atensyon ng lahat dahil sa

