TUNOG ng kampana ang nagpabangon kay Thaysky. Siya ay nasa kanyang kuwarto sa Suniga Mansion. Inuwi pala siya rito ng tiyahin niya? Bakit? Muling umalingawngaw ang tunog ng kampana. Tumayo siya at nakita sa vanity mirror ang kanyang suot. Magara iyon at kulay puti. Mukha siyang dadalo sa isang kasalan. Nakatirintas ang mahaba niyang buhok at may simpleng make-up. Today is my wedding? Dinampot niya ang bouquet ng pulang rosas sa lamesita at lumabas sa kuwarto. Lumingon siya sa direksyon ng bulwagan ng kanilang mansion. Rinig niyang maraming tao ang nagtatawanan sa gawi na iyon. She smiled at the thought of Zedrick is there. He is waiting for her. Nilikom niya ang laylayan ng kanyang suot at dali-daling tumakbo. Ngunit sa terasa palang ay natigilan na siya. Ang kanyang pananabik na makita i

