I

1460 Words
“Ah! Yes, baby! I’m c*****g!” nag-e-echo sa buong silid na sigaw ng babae habang mabilis at mariin na nilalabas-pasok niya ang kahabaan sa bukana nito. Mas lalo niya pang binilisan ang paggalaw hanggang sa parehas na silang nilabasan. Bumagsak ang babae sa kama, hinila ang kumot at itinakip sa hubong katawan. Hindi niya maalala ang pangalan ng babaeng kasama basta’t ang nakalagay sa contact niya ay ‘baby no.2’ na sapat na para matandaan kung saang bar niya ito nakilala. “That was a breathtaking position, baby.” Hindi niya ito pinansin, dinampot isa-isa ang damit, at nagtungo sa banyo para maglinis ng katawan pagtapos ay nagsuot ng damit. Kinuha niya ang pitaka at naglapag ng pera sa mesa. “What’s that?” kunot-noong tanong ng babae. “Payment.” Hindi na siya nagulat nang murahin siya nito. Normal na ‘yon sa kaniya. Marami pang sinasabi ang babae pero wala na siyang oras para pakinggan lahat. Lumabas siya sa inukopa niyang kwarto at bago tuluyang makaalis ay narinig niya pa ang pasigaw na mura nito sa kaniya. Binuhay niya ang makina ng sasakyan nang tumunog ang cellphone niya. Hindi pamilyar ang numerong tumatawag. “Hello, who’s this?” “Kayde, baby, it’s mom. Kumusta ang anak ko?” Kumunot ang noo niyang muling tiningnan ang numero ng ina. “Mom, where are you this time?” “Somewhere in Canada,” bungisngis na sagot ng ina. “Kumusta ka na? Kung hindi pa kita tatawagan ay makakalimutan mong may magulang ka.” “Heto, magandang lalaki pa rin. And, mom, paano kita matatawagan kung pabago-bago ka ng number?” sarkastikong tanong niya. Hindi natatapos ang buwan nang hindi ito nagpapalit ng number at umaalis. Mahinang bumungisngis ang kaniyang ina. “Kayde, kailan ka ba mag-aasawa? Tumatanda ka na. Kailangan mo ng isang babaeng magiging kaagapay mo sa buhay. Iyong babae na mamahalin mo at mamahalin ka.” Heto na naman kami. Sa isip-isip niya. “Mom, bata pa ako. Nag-e-enjoy pa ako at hindi pa pumapasok sa isip ko ang mag-asawa.” “Pwes, kami ay hindi! Gusto na namin ng papa mo na makita ang apo namin sa iyo.” Napangiwi siya sa sinabi nito. “Yeah, yeah. I have to go.” Dali-dali niyang pinatay ang tawag. Kung magtatagal pa ang pakikipag-usap niya sa ina ay mauuwi lang ito sa sermon. Nang tingnan niya ang oras, napailing siya. Huli na siya ng kalahating oras sa usapan nilang magkakaibigan. Wala siyang balak magpunta pero maaga pa at hindi rin naman siya nakakatulog nang maaga. Mas mabuti nang magpalipas-oras kasama ang mga kaibigan kaysa ang maburyo mag-isa. “You’re late!” bungad ni Garrie. “Minsan ka na lang magpakita, mahuhuli ka pa ng dating. ‘Yong totoo, kaibigan mo ba talaga kami?” madramang segunda ng Drama King, si Denis. Hindi niya pinansin ang dalawa. Dumiretso siya sa tabi ni Denrik at kinuha ang bote ng alak. “I’m a busy person.” “Busy saan?” Kumunot ang noo ni Denis. “Huwag mo kaming pinagloloko. Ilang araw ka nang hindi pumapasok sa trabaho. Ang sabihin mo, na-late ka dahil dumiretso ka pa sa hotel—bro, amoy chlorine ka.” Lumapit si Garrie at inamoy-amoy siya. “Oo nga, pre.” “Heto kayo, oh.” He raised his middle finger. “Dalawang araw lang akong nawala at isang oras lang akong nahuli, hinuhusgahan mo agad ang pagkakaibigan natin,” baling niya kay Denis. Ngayon na lang ulit siya nakahanap ng oras para makapaglibang. Mula nang ilagay sa pangalan niya ang kompanya, siya na ang namahala sa lahat magmula sa sarili at kompanya ng mga magulang. Nakaatang na sa balikat niya ang responsibilidad na panatilihin at palaguin ang pinaghirapan ng mga ito. Hindi niya naman pwedeng tanggihan dahil nag-iisang anak siya sa pamilya. Samantala, ang nagretirong mga magulang niya ay kung saan-saan nagpupunta at magkasamang nag-e-enjoy. “Whatever.” Umikot ang mga mata ni Denis at nailing. “Kumusta? Matagal-tagal na nang huli tayong nagkita.” Bumaling siya kay Denrik na tahimik sa gilid. Ito lang yata ang nag-iisang matino niyang kaibigan. Tumango ito. “Abala sa negosyo.” “Negosyo, negosyo. Sabihin n’yo, abala kayo sa mga babae n’yo,” kunot-noong singit ni Garrie. “Nagsalita ang hindi. Si Inno. Umamin ka na ba sa kaniya?” Hindi ito makaimik at tinungga ang laman ng bote. “Mukhang hindi pa.” NGIWI ang namutawi sa mukha ni Bambi nang marinig ang malakas na tugtugin. Gusto niyang mapag-isa pero pinipilit siya ng kaibigan na sumama para makalimot sa problema. Magmula nang malaman nito ang ginawang panloloko sa kaniya ng ex-boyfriend niya ay hindi na siya hinayaan ng kaibigan na mag-isa sa kadahilanang baka kung ano pa ang gawin niya. “Huwag mong takpan ang katawan mo, Bambi!” sigaw ng kaibigan niya nang makapasok sila sa bar habang hila-hila siya nito sa kamay. Hindi mawala ang ngiwi sa kaniyang mukha sa mga nasasaksihan. “Hindi ako sanay magsuot ng ganito.” Panay ang kaniyang baba sa suot na dress. “You’re gorgeous, okay?” pagpapataas ng self-esteem ng kaibigan niya. “Lumakad ka lang nang maayos at damdamin ang suot mo.” Pinilit niya ang ngumiti. “Lani, paano ko dadamdamin kung sa bawat paghakbang ko ay lalabas na ang buong kaluluwa ko sa pinasuot mo?” “Iyan! Iyan ang rason kung bakit ka niya iniwan! Ginagawa mong losyang ang sarili at tinatago ang ganda mo,” umiiling na asik ng kaibigan niya. “Tingnan mo ang balakang—ang kurba ng katawan mo. Mas sexy ka pa sa akin, inday! Kung ganiyan lagi ang sinusuot mo, siguradong mas may itsura pa ang mabibingwit mo!” Malungkot siyang ngumiti. Pagdating sa pag-aayos, talo pa siya ng mga kabataan ngayon na sa tuwing papasok sa paaralan ay plakado ang kilay at make-up. Maliban sa Safeguard, wala na siyang inilalagay sa mukha. Hindi dahil sa hindi niya afford bumili kundi dahil hindi siya marunong at sayang sa oras. Magmula alas-singko ng umaga hanggang alas-singko ng gabi, wala siyang ginawa kundi ang magtrabaho at madalas ay nag-o-overtime pa. Inilapag ng waitress ang inumin. Inabutan siya nito ng baso na may lamang alak. “Magpakasaya ka na parang walang bukas at inumin mo ang gusto mong inumin. Do not worry about the expenses, sagot ko lahat!” Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga at ininom ang alak. Umikot ang kaniyang paningin sa ginawa habang ramdam ang mainit na likido na lumalakbay patungong sikmura niya. “Woah! Woah!” tila proud na sabi ng kaibigan niya saka muling sinalinan ng alak ang kaniyang baso. They partied like there’s no tomorrow, chugging expensive drinks that made her drown in alcohol. Ilang oras ang lumipas. Tatlong bote na ang naubos nila at parehas na silang lasing ng kaibigan. Yakap ang inidoro, walang tigil ang kaniyang tila pagtawag ng uwak. Wala sa sariling kinuha niya ang bag at pasuray-suray na naglakad palabas. Kailangan niyang puntahan ang kaibigan para yayaing umuwi nang... “A-Aray ko!” Tumama ang katawan niya sa isang matigas na bulto ng katawan at sa isang iglap ay nakita niya na lamang ang sarili na nakaupo sa sahig. NANININGKIT ang mga mata ni Kayde habang nakatingin sa lasing na mga kaibigan. Ang lalakas mag-aya pero sila rin ang unang babagsak. Hinugot niya ang cellphone mula sa bulsa at hinanap ang nag-iisang taong makakatulong sa kaniya. Ganoon na lamang ang pasasalamat niya nang sagutin nito ang tawag at pumayag na tulungan siya. Ilang minuto ang binilang niya bago pumasok ang sekretarya ni Denis. “Kung hindi lang siya mataas magpasahod, baka matagal na akong nag-resign sa kumag na ‘to,” reklamo ni Shei. “Ikaw, hindi ka na ba sasabay? Mukhang may tama ka na.” “Hindi na, unahin mo na lang sila,” usal niya at muling nagsalin ng alak sa baso. Napailing-iling siya nang mawala na ang mga kaibigan at unti-unti nang tinatamaan ng alak ang kaniyang sistema. Muli niyang binasa ang mukha pero ang paningin niya ay patuloy na umiikot. Pasuray-suray siyang lumabas ng banyo nang may malambot na bumangga sa kaniya. “Hey, you okay?” nag-aalalang tanong niya, ang mga mata ay nag-landing sa makinis at maputing hita ng babae, na bumuhay sa p*********i niya. Tinulungan niya itong tumayo nang may malakas na tumulak sa kaniyang likuran at sa isang iglap ay nawalan siya ng balanse at namalayan na lang niya na parehas silang natumba’t nakahiga sa sahig, nakaibabaw siya sa babaeng nanlalaki ang mga mata. At dahil sa posisyon nila, ramdam niya ang malambot na katawan at dibdib ng babae, at ang amoy nitong nanunuot sa ilong niya. Sa pagkakataong ito, hindi na niya mapigilan ang tuluyang paggising ng kaniyang p*********i.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD