III

1893 Words
NAGHAGALPAKAN ang lahat ng mga kaibigan ni Kayde matapos niyang ikwento ang nangyari. Hindi na siya nagulat nang makita ang iba na nakahiga na sa sahig at hindi na makahinga sa pagtawa. Wala talaga siyang aasahan sa mga ‘to, ni isa ay walang matino sa mga kaibigang narito. Inubos niya ang alak sa bote at masamang tinitigan ang mga kaibigan na masayang-masaya habang siya ay nanggagalaiti at hindi makapaniwala sa nangyari. “Dude, isa lang ang ibig sabihin niyan, nakahanap ka na ng katapat.” Tinapik-tapik ni Garrie ang balikat niya. “Ano ang pakiramdam maging isang bayarang lalaki?” At muli nagtawanan ang mga ito na parang baliw. Inis na inalis niya ang kamay ng kaibigan at pinakita ang gitnang daliri. “F*ck you, you know that?” “Huwag n’yo nang asarin. Problemado ang kaibigan natin,” saway ni Denrik. Ito lang yata ang nag-iisang matino sa mga kaibigan niya. “Thanks, Den.” Kahit papaano ay nagkakaroon siya ng pag-asa para sa mga kaibigan. “Anyways, ano ang pakiramdam maging isang bayarang lalaki?” Tumingin si Denrik na may inosenteng nag-aasar na mga mata. Binabawi na ni Kayde, wala nang pag-asa ang mga kaibigan niya. Itinaas ni Kayde ang kamao. “Ito, gusto n’yo maramdaman?” Hindi na nakapagpigil ang lahat at muling inulan siya ng malakas na tawa. “Ito naman, hindi mabiro, curious kami sa nararamdaman mo.” Mabilis na tumahimik si Denis nang tapunan ito ng masamang tingin ni Kayde. “Kidding aside, what are you going to do next?” Sumeryoso si Denrik bago kinuha ang ID na nasa mesa. “Alam mo ang pangalan at kung nasaan siya. Pupuntahan mo ba siya para i-clarify ang maling akala niya o hahayaan mo na lang ang nangyari?” Kaagad na natahimik si Kayde. Inosente ang babae. Hindi nito alam kung sino siya pero tunay na naaapakan ang pride niya sa nangyari. Tinapik ni Denrik ang balikat ni Kayde. “Ikaw na ang nakaalam sa susunod na mangyayari.” Tulala at walang imik si Bambi habang nakaupo sa gilid ng kama sa loob ng kaniyang kwarto. Ilang beses niyang nilinis ang katawan pero pakiramdam niya ang dumi pa rin ng sarili. Ngayong nasa tamang katinuan na siya, naalala niya na ang lahat, ang bawat haplos at halik na nangyari kagabi na hanggang ngayon ay kumikiliti sa kaniyang buong katawan. Aware siya na maaari siyang mabuntis. Hindi sila gumamit ng proteksyon na mas lalong kinababahala niya. Paano kung may nakakahawang sakit ang lalaki? Hindi iyon malabo dahil callboy ito at maraming nakatalik na babae! “Bambi, saan ka nagpunta at bigla ka na lang nawala kagabi?” tanong ni Lani na para bang nag-aalala ito nang mawala kagabi. Binalingan niya ang kaibigan saka hinila sa kama. Gusto niyang marinig ang opinyon ni Lani sa nangyari at sa kailangan niyang gawin. “May sasabihin ako sa iyo,” pabulong na turan niya sabay hawak sa mga braso nito. Kumunot ang noo ni Lani. “Bakit? Ano ‘yon?” Nagpakawala siya ng isang mahabang buntonghininga. Isa-isa niyang sinabi ang nangyari magmula nang umalis ito hanggang sa paggising niya kinabukasan na walang saplot at katabi ang lalaki. “G-Gano’n. Ano ang gagawin ko?” “Bakla ka! Binihisan lang kita, nakipag-one night stand ka na! At hindi ka pa nag-ingat!” puno ng konsumisyong sabi ni Lani. “Magpa-check-up ka. Unahin ang kalusugan bago ang lalaki. Siguradong limot ka na niyon at hindi na kayo magkikita pa ulit.” “Paano ka nakasisigurado na limot niya na at hindi na kami magkikita?” tanong niya. “One night stand nga, ‘di ba?” sarkastikong tugon nito. “Pagtapos ng isang gabi, limot na ang nangyari. Gano’n ‘yon.” “Mas makabubuti na gano’n na nga lang ang isipin,” kagat ang ibabang labing usal ni Bambi. “Basta after 18 to 45 days after kagabi, magpa-check-up ka na,” payo nito sa kaniya. “Pwede naman bukas kaagad.” Ayaw niya na magsayang pa ng oras. Mag-o-overthink at hihina lang ang resistensya niya kakaisip tungkol sa maaaring sakit na nakuha niya. Isa pa, hindi niya ugali na ipagpabukas ang mga bagay na kaya nitong gawin ngayon. “Makinig ka na lang, Inday. Hindi made-detect kung ngayon ka magpapa-check-up.” Nagpakawala si Lani ng malalim na buntonghininga. Inihilig niya ang ulo sa balikat ni Lani at tumingin sa labas ng bintana. Lumubog na ang araw, sumasakit na ang ulo niya sa kakaisip. Ano ba ang nagawa niyang kasalanan? Naging mabuti naman siya sa lahat para paulit-ulit bigyan ng problema. Humugot siya ng malalim na hininga para pakalmahin ang isipan niya na kanina pa nag-iisip ng kung ano-anong scenario, tinatakot lang lalo ang sarili niya. “Huwag kang masyadong mag-alala. Maski ang callboy ay nag-iingat din pero mas mabuti nang makasigurado na wala kang nakuhang sakit.” Nanatili siyang walang imik. Pumasok sa isipan ni Bambi ang kwento ng binata na pampalipas-oras lang nito mga babae. “Oo nga pala, ano ang itsura ng callboy?” Wala sa sariling umayos siya ng upo at napatingin kay Lani. Bumalik sa alaala niya ang mala-anghel nitong mukha at magandang hubog ng pangangatawan na kahit sinong babae ay gugustuhing mapansin ng lalaki. “Sakto lang,” komento niya. “Sakto lang?” nakangiwing ulit ng kaibigan. “Weird ang panlasa mo. Ipaliwanag mo sa ‘kin ang sakto lang.” “Basta, sakto lang.” Saktong nakakalaglag ng panty ng kababaihan. MABILIS na lumipas ang mga araw. Nawala sa isipan ni Bambi ang break-up at mas inalala ang nangyari nang gabing ‘yon. Hindi siya makagalaw sa kinauupuan at malakas ang kabog ng dibdib niya habang nakatingin sa hawak na resulta ng test na kinuha niya. Humugot siya ng isang malalim na hininga bago tiningnan ang resulta. Nawala ang kaba nang makitang negative at walang kahit anong nakitang sakit sa kaniya. Ilang araw din siyang hindi nakatulog sa kaiisip ng kalalabasan ng check-up pero ngayon ay nakahinga na siya nang maluwag. Hindi siya mapakali na walang mapagsabihan sa tuwang nararamdaman kaya naman tinawagan niya si Lani. “Hey, Inday. Nakuha mo na?” interesadong wika ni Lani nang sagutin ang tawag niya. “Hey. Yeah, negative,” puno ng kagalakan niyang sagot. “Nakahinga ako nang maluwag. Anyway, are you free tonight?” “Mag-iinom tayo?” May excitement sa boses nito. Kahit kailan, puro alak ang nasa isipan ng kaibigan. “Nah. Na-trauma na ako,” naiiling na sagot niya. “Sa tingin ko naman wala na akong ibang gagawin. Kita na tayo ngayon?” “Pwede. Hintayin kita sa D’s Café sa harap ng trabaho.” WALANG imik si Bambi habang nakaupo at panay ang scroll sa social media, hinihintay ang kaibigan sa café na pinag-usapan nila. Matapos kunin ang test result ay kinailangan niyang bumalik sa trabaho para ibigay ang folder na nakalimutan niyang ipasa kanina sa sobrang aligaga bago umalis ng opisina. “Hi, Miss, remember me?” Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa nagtanong at muling ibinalik iyon sa cellphone. Isang lalaking nakakalaglag panga ang nasa harapan niya ngayon. Hindi niya ito pinansin. Wala siyang kilala na ganoon kagandang lalaki. Hay, naku. Ilang oras pa siyang paghihintayin ng kaibigan? “Snob.” Naupo ang lalaki sa harapan niya na may nakakalokong ngiti sa labi. “Hindi mo na ako kilala?” “Sino ka ba?” Kumunot ang noo niya. “Ouch! Gano’n mo na lang ako kabilis kinalimutan,” anito habang hawak ang kaliwang dibdib. “Naalala ko tuloy ang gabi na halos walang oras na hindi mo isinisigaw ang pangalan ko.” Muling siyang nag-angat ng tingin at nang magtama ang mga mata nila ng lalaki, pumasok sa isip niya ang mga nangyari. Sa sobrang pagmamadali niyang makaalis kinabukasan at sa dami ng problemang dumaan matapos ang tatlong linggo ay nakalimutan niya na ang mukha ng lalaki. “Mukhang naaalala mo na ako,” sabi nito saka tumuon ang atensyon sa envelope na nasa mesa. “It’s negative.” “Huh?” “The test results. Mukhang nagpa-check-up ka.” Tumikhim ito. “Don’t worry, sa lahat ng babaeng naikama ko, ikaw lang ang nag-iisang babae na hindi ko nagamitan ng proteksyon.” “Kailangan kong magpasalamat doon?” sarkastikong tanong niya. “You should be pleasured,” pagbubuhat ng lalaki ng sariling bangko. Itinirik niya ang mga mata sa likod ng makapal na salamin. Mukhang tatangayin siya sa lakas ng kahanginan ng lalaking nasa harapan niya. Nawalan ng imik si Bambi pagkatapos ng sinagot nito. “Anyway, Kayde.” Inilahad nito ang kamay sa harapan niya. Nag-aalangan siya. “Bam—” “Bambi Tubiano,” banggit ni Kayde sa buong pangalan niya. Napakabilis ng t***k ng puso niya nang banggitin nito ang kaniyang buong pangalan. “Paano mo nalaman?” Kumunot ang noo niya nang may ilapag itong ID sa mesa at mas lalong hindi maipinta ang mukha nang makita na sa kaniya ang ID na hawak ng binata. “Paano napunta sa iyo ito?” Ilang araw niya ring hinanap sa bahay ang ID. Kung kailangan nagpagawa na siya ay saka bumalik. “Kung gusto mong malaman, puntahan natin ang hotel na—” “Shut up!” Kalmadong babae si Bambi pero nag-iinit ang ulo niya sa lalaking ito. Ngayon lang siya nakakita ng makalaglag panty na itsura pero ngayon lang din siya nakakilala ng sobrang hambog na lalaki. Kulang na lang ay gumawa ito ng sariling trono tutal ay mahilig magdala ng sariling bangko. “Ano ba kasi ang kailangan ng lalaking ‘to?” bulong niya saka pasimpleng sinulyapan ang binata. Hindi niya matukoy kung bakit kanina pa ito nakatingin sa kaniya. May problema ba sa mukha niya? “Baka hindi ka makapagtrabaho dahil hawak ko ang ID mo,” sagot ng lalaki. Hindi lang mahangin, matalas din ang pandinig. “Kung gusto mong isauli, sana iniwan mo na lang sa receptionist o ‘di kaya matagal mo na dapat isinauli.” Kinuha niya ang ID at pinakita sa lalaki. “Nakakuha na ako ng bago at kahit nakita mo ‘to ay dapat hindi mo na kinuha o wala ka nang paki. It’s just a one night stand at kailangan kalimutan na ang lahat kinabukasan.” “Baby, I’m just a concerned citizen here.” Lumawak ang ngiti nito sa labi. “Paano kita makakalimutan kung ako ang nakauna sa ‘yo? At papaano ako mawawalan ng pakialam kung naalala mo pa akong iwanan ng pera kinabukasan. It’s so shameless of me kung ang pagkuha at pagbalik ng ID mo ay hindi ko magawa.” “Salamat sa pagbalik. Makakaalis ka na,” pagtatapos niya ng usapan saka sumenyas para paalisin ito. “Hindi pa ako nagla-lunch. Dito na rin ako kakain—if you don’t mind.” Inosente itong tumingin sa kaniya. “I mind.” Nagsalubong ang mga kilay niya at inilibot ang paningin sa buong paligid saka binalik sa lalaki. “Maraming bakanteng upuan na pwede mong pwestuhan.” “Gusto ko rito.” Kinumpas nito ang kamay at nag-order nang makalapit ang waitress. “She’s paying,” saad nito sabay turo sa kaniya na mas lalong ikinakunot ng noo niya. “Ikaw ang kakain,” kontra niya. “Baby, my body and service are more than a hundred fifty pesos,” pambabara nito sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD