Chapter 4

1946 Words
Chapter 4: Ang Unang Pag-aalsa Eliesse’s POV Ang pagbukas ng malaking pinto ng hotel lobby ay tila naging hudyat ng isang malaking pagsabog. Sunod-sunod na nakakasilaw na liwanag mula sa mga camera ang sumalubong sa amin. The camera flashes were blinding, at kung hindi ako nakahawak sa braso ni Zavier Castellano ay baka natisod na ako sa sarili kong gown. Ngayon ko talaga napatunayan kung gaano kalaki ang impluwensya ng lalaking katabi ko. Ang mga reporter mula sa iba't ibang sikat na network at pahayagan ay nag-uunahan na mailapit ang kanilang mga microphone sa amin. "Mr. Castellano! Is it true that the wedding will happen before the year ends?" "Ms. Sarmiento, how does it feel to be engaged to the city's most powerful bachelor after the university issue?" "Are the rumors true that this relationship started way before the scandal?" Ang gulo ng paligid. The media chaos was terrifying. Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko dahil sa mga tanong na halatang gustong maghukay ng dumi sa pagkatao ko. Para akong nahihilo pero si Zavier ay nanatiling kalmado. Hindi man lang nagbago ang anyo ng mukha niya. Hawak niya ang baywang ko gamit ang kanyang malaking kamay, ipinaparamdam sa lahat na protektado niya ako. Ang apat na naglalakihang bodyguard ay mabilis na humarang sa mga reporter para bigyan kami ng daan papunta sa naghihintay na kulay itim na Mercedes-Benz. "No comments for tonight. Thank you," malamig na sabi ni Atty. Marcelo na bigla na namang sumulpot sa gilid para alalayan kami. Nang sa wakas ay makapasok kami sa loob ng sasakyan, agad na nawala ang ingay ng labas. Ang pintuan ay sumara, inihihiwalay kami sa magulong mundo ng mga paparazzi. Naupo ako sa dulong bahagi ng malawak na upuan, pilit na inilalayo ang sarili ko kay Zavier. I can feel my sweat forming on my forehead. Sobrang pormal at tila walang hanggan ang espasyo sa loob ng sasakyang ito. Umadar ang kotse, at kasabay nito ang pag-andar ng isang tensyon sa pagitan naming dalawa. Tumingin ako sa labas ng bintana, pinapanood ang mga ilaw ng siyudad na mabilis na naglalaho. Hindi ko na kayang tiisin ang katahimikan. Marami akong gustong hilingin, at ngayong narito na siya sa harap ko, hindi ko na palalagpasin ang pagkakataon. Lumingon ako sa kanya, "I want to see my parents." Hindi gumalaw si Zavier. Nakasandal lang siya, nakapikit ang mga mata habang ang dalawang kamay niya ay nakapatong sa may puson niya. "No." Napakunot ang noo ko. Ang bilis ng pagtanggi niya ay nagpainit ng ulo ko. Naiirita ako na bakit kahit sa mga magulang ko ay naka-shutdown ako. For what certain reason? "Why not? You promised that they would be safe and that their lives would return to normal. Kung maayos na ang lahat, bakit hindi ko sila pwedeng bisitahin? I need to see them, Mr. Castellano. I want to see them more often." Dahan-dahang idinilat ni Zavier ang mga mata niya. "You are my fiancée now, Anneliesse. Your world is here, with me. The more you associate yourself with your past life, the more vulnerable you look to my enemies. Your parents are being monitored for their safety. They’re good. Seeing them will only break the illusion that you have completely moved on into my household." "Illusion? Isang buwan niyo na akong ikinukulong sa mansyon! I didn’t understand why I had to cut ties with the only people who truly loved me just because of your political games!" Ang boses ko ay bahagyang tumaas dahil sa galit. Hindi ko maintindihan ang rason niya. Para sa akin, gusto niya lang akong kontrolin nang buo. "You don't need to understand, Anneliesse. You just need to obey," he replied smoothly, his tone flat but full of authority, "The discussion is over." Humarap ako ulit sa bintana, naluha sa inis pero pinipigilan kong gumawa ng tunog. Kung akala niya ay ganoon lang ako kadaling pasunurin tulad ng mga tauhan niya, nagkakamali siya. I will not let him dictate every single aspect of my life. Kung hindi niya ibibigay ang gusto ko sa mabuting usapan, gagawa ako ng sarili kong paraan. Alam ko naman na hindi lang ito para sa reputasyon ko talaga. Alam kong para ito sa sarili niya. Nang makarating kami sa bahay ay diretso ako sa kwarto at nag-lock ng pinto. Hindi ko siya hinarap ni tiningnan. “Anneliesse…” he called me but I didn’t pay attention to him. Dumating ang kasunod na araw, at doon nagsimula ang aking tahimik na pag-aalsa. I became a rebel inside the golden cage. Nitong umaga, kumatok si Manang Celia para ihatid ang almusal ko. Isang plato ng pancakes, sariwang prutas, at mainit na gatas. Iniwan niya ito sa lamesa ng kwarto ko. Pagkaalis niya, hindi ko iyon ginalaw. Dumating ang tanghalian, naghain sila ng paborito kong sinigang, pero hinayaan ko lang na lumamig ang pagkain. Napansin niya na naimbak na ang mga pagkain sa mesa at kulang na lang ay magyelo dahil sa air con. "Ma'am Eliesse, please naman, kumain na kayo," pakiusap ni Manang Celia nang pumasok siya ngayong hapon. "Magagalit po si Senyor kapag nalaman niyang nagpapakagutom kayo rito." "I don't care," malamig kong sagot habang nakahiga lang sa kama, nakatingin sa kisame, "Tell him I will not eat a single bite until he lets me see my mom and dad. Kung gusto niya akong makipag-cooperate kailangan niya akong panatilihing buhay, at kung mamamatay ako rito sa gutom, kasalanan niya 'yon." Natakot si Manang Celia sa sinabi ko at mabilis na lumabas ng kwarto. Alam kong itatawag niya ito sa Zavier na iyon. Lumipas ang gabi, at patuloy ang pagtanggi ko sa pagkain. Kahit sumasakit na ang tiyan ko at nakakaramdam na ako ng kaunting pagkahilo, pinatigas ko ang puso ko. This is my only weapon. Kung kapangyarihan ang hawak niya, ang sarili kong buhay ang hawak ko. Konsensya niya iyon kung may mangyari sa akin. Iyon ay kung may konsensya siya. Sana naman meron dahil baka talagang mamatay ako. Kinabukasan, bandang alas-tres ng hapon, nakarinig ako ng malalakas na yabag ng sapatos sa hallway. Hindi ito ang karaniwang marahang paglakad ng mga katulong. Ang pinto ng kwarto ko ay biglang bumukas nang malakas, tumama sa pader. Napaupo ako sa kama sa gulat kahit na nanlalata na ako da kawalan ng kain. Standing at the doorway was Zavier Castellano. He was breathing heavily, his white button-up shirt had the top two buttons undone, and his sleeves were rolled up to his forearms, showing his tattoos. Galit siya. The dangerous aura around him was so intense that even the air in the room felt like it shrunk. Halatang galing siya sa isang mahalagang event o ano. Mabilis siyang naglakad papunta sa kama ko at huminto sa tapat ko, tinitigan ako nang napakatalim. "What the hell do you think you are doing, Anneliesse?" Tumingin ako sa kanya nang diretso, pilit kong itinago ang panghihina ng katawan ko, "I told your staff. I am not eating." "You are playing a dangerous game with me, little girl," Zavier growled, leaning down so his face was just inches away from mine. I was amused by what he called me. Ang mga mata niya ay nag-aapoy sa galit. "You think a hunger strike will scare me? I can force-feed you if I want to. I can make your life here miserable." "Then do it!" I shouted back, my voice cracking but filled with defiance, "Force me! Lock me up in chains but you cannot force my body to stay healthy if I choose to ruin it. Ang daling sabihin sa'yo na sumunod lang dahil hindi mo alam ang pakiramdam na mailayo sa mga magulang. I don't care about your wealth or your protection anymore. If I can't even see my own family, then this life is useless! Did you really save me from that scandal or you just made my life worse?!” Tinitigan ako ni Zavier ng ilang sandali. Ang galit sa mukha niya ay dahan-dahang napalitan ng hindi ko mabasa na ekspresyon. Na-realize siguro niya na seryoso ako. Na kahit gaano ako kahina kumpara sa kanya, mayroon akong lakas ng loob na itaya ang sarili kong kalusugan para sa mga taong mahal ko. Wala akong ibang pamilya, si Mama at Papa lang, at kung hindi ko na sila makikita man lang, wala na rin silbi na isalba ko pa ang kahihiyan at pangalan ko. Dahan-dahan siyang tumayo nang tuwid, inayos ang kanyang nagusot na damit. Huminga siya nang malalim bago magsalita. "You are incredibly stubborn." "I learned from the best, Mr. Castellano," seryoso kong sagot. Naglakad siya papunta sa bintana, tumingin sa labas ng garden tulad ng ginagawa ko palagi. Ang katahimikan sa loob ng kwarto ay tumagal ng halos isang minuto bago niya muling ibinaling ang tingin sa akin. He scanned me and I felt a bit awkward. Pakiramdam ko ay tumigas ang lahat ng parte ng katawan ko. "Fine," sa wakas ay sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko,"What?" "I will grant your demand," Zavier said, crossing his arms over his broad chest, “You will be allowed to visit your parents but under my conditions." Bumilis ang t***k ng puso ko pero sa pagkakataong ito ay dahil sa tuwa at pag-asa, "Anong mga kondisyon?" "You can visit them once a week, no more than that. At tuwing pupunta ka roon, kasama mo ang mga security personnel ko. May sasakyan na maghahatid at magsusundo sa'yo, at walang sinumang ibang tao ang pwedeng makaalam ng pagbisita mo," paliwanag niya. Lumapit siya muli sa gilid ng kama at itinuro ang hindi ginalaw na pagkain sa lamesa. "And in exchange for this new demand, you will eat. Right now. You will stop this childish rebellion and cooperate with me fully in front of the public as a sweet girlfriend." “D-Does that mean if the public demands a kiss, I will do it?” “Of course,” kaswal niyang sagot kaya napalunok ako nang palihim. Alam kaya ng matandang ito na virgin pa ako at hindi pa ako nagkaka-boyfriend? Tiningnan ko ang pagkain, tapos ay tumingin ako sa kanya. Ang makabisita sa mga magulang ko nang isang beses sa isang linggo ay higit pa sa inaasahan ko sa isang katulad niya. Ito ay isang malaking panalo para sa akin sa unang pagkakataon. "Deal," sabi ko, saka ko siya tiningnan sa mukha. Inayos niya ang strap ng damit ko na nalaglag sa balikat ko. Hindi ako umiwas. “Eat.” He demanded. Tumayo ako at nangagatog ang mga tuhod na naglakad papunta sa mesa ko. Kinuha ko ang tinidor at nagsimulang kumain ng meryenda na inihatid kanina ni Manang. Nakita kong lumambot nang kaunti ang mukha ni Zavier habang pinapanood akong kumain. "Good. Don't make me come back here for the same foolish reason, Anneliesse." "Huwag mo akong bigyan ng dahilan para magrebelde, Mr. Castellano, at magiging mabuti akong fiancée sa harap ng mga camera mo," sagot ko habang may pagkain sa bibig, hindi ko pinakikita ang takot sa kanya. Tumalikod na si Zavier at naglakad papunta sa pinto. Bago niya tuluyang isara ito, lumingon siya sa akin sa huling pagkakataon. "Your first visit will be scheduled this weekend. Make sure you look healthy by then." Nang tuluyang sumara ang pinto, ibinaba ko ang tinidor ko at napasandal sa upuan. Naramdaman ko ang luha ng kasiyahan na pumatak sa pisngi ko. I won this battle. Kahit gaano siya kamakapangyarihan, napatunayan ko na may boses ako sa relasyong ito. Ang pag-aalsa ko ay nagbunga, at sa darating na weekend, makikita ko na ulit sina Mama at Papa. Well, not eating for a day and a half was not that bad after all.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD