Zelia's POV. "Zelia kailan mo sasabihin iyan sa kaibigan mo?" tanong sa akin ni Mom. "Mom humahanap lang ako ng tamang oras pero sasabihin ko rin sa kaniya agad. Ayaw ko lang na biglain siya," mahinang tugon ko. Lumipas na ang isang linggo simula noong nalaman ko ang usapan ng kapatid niya at ni Adrian. Hindi ko talaga alam kung paano ko sisimulang sabihin sa kaniya nang hindi siya nasasaktan. Alam kong lasing ako noong mga panahon na iyon pero nasa katinuan pa ang utak ko at alam ko na totoo ang mga nakita at narinig ko. "Anak, mas maganda kung sabihin mo na agad. Baka kapag pinatagal mo pa iyan ay lumala pa ang sitwasyon," bilin niya sa akin. "Ako na po ang bahala mom." Sa ngayon kailangan ko na munang kausapin si Adrian at kumpirmahin ang lahat. "Sa Huwebes na nga pala ang bir

