Episode 33

2035 Words

Heiley's POV. "Ian?" tawag pansin ko sa kaniya. Nakita ko si Adrian na nakangiti sa akin. Lalapit na sana ako pero naglaho siya na parang bula. Hinagilap ko siya at tinakbo ang buong lugar pero hindi ko siya makita. Tanging puting kapaligiran na lamang ang aking naaaninag. Wala kahit ni isang bakas na naroon siya. "Ian!" Sigaw ko sa kaniyang pangalan. "Ian!" Pag-uulit ko. "Ian huwag mo akong iwan dito!" Takbo. Takbo ako ng takbo pero parang wala naman akong pinatutunguhan. Walang katapusan. Walang hangganan. "Ley!" Naramdaman ko na may yumuyugyog sa akin. Nasaan si Adrian? Kailangan ko siyang makita. "Adrian!" Napabalikwas ako ng bangon at napatingin sa aking paligid. Wala ako sa lugar na iyon nasa isang kuwarto ako. "Ley are you okay? Nandito lang ako. Tell me where it hurts?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD