"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong sa akin ni Christian habang inaalalayan ako sa paglalakad. "Medyo gumaan na ang pakiramdam ko, pero hindi pa rin nawawala ang sakit sa dibdib ko. Ang hirap tanggapin," mahina kong turan. "It takes time to heal. Hintayin natin na magsarado ang mga sugat na natamo mo. Alam ko darating ang araw na masasabi mo na masaya ka na sa buhay mo. Yung tunay na ligaya na matagal mong pinapangarap. Sa ngayon kailangan mong maging matatag at huwag mawalan ng pag-asa. Naiintindihan mo ba?" Seryosong wika niya. "Words can't describe how thankful I am. Sinalba mo na naman ako," I mumbled while looking down at my feet. "Wala kang dapat ipasalamat. Halika na at iuuwi na kita sa bahay ninyo," aya niya sa akin at pumara ng taxi na sasakyan namin pauwi. "Uh... Christia

