Elise's POV. "Good morning Eli. Are you ready for today?" Bati sa akin ni Gab. Hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi at pinapasok na sa loob ng aming bahay. Pero in fairness ang guwapo niya today. Lalo siyang pumogi. "Yeah. Actually naghahanda na si mom ng mga putahe na lulutuin para mamaya," nakangiti kong sagot sa kaniya. "Nakakahiya naman kay tita. Nasa kusina ba siya? Si tito ba nariyan?" Dire-diretsong tanong niya sa akin. "Si daddy nasa work, halika samahan kita kay mom," aya ko sa kaniya. Hinila ko siya papuntang kusina para dalhin kay mom. Naabutan namin siya na naghihiwa ng patatas para ata sa kaldereta na isa sa mga ihahanda mamayang gabi. "Mom nandito po si Gabrielle," tawag ko kay mom. Lumingon siya sa aminnat inihinto muna ang kaniyang paghihiwa sa mga gulay. Naglakad

