Wala kaming pasok ngayon dahil sem break na. Ngayong araw ay mgahahanap kami ng part time job ng aking mga kaibigan para hindi kami mainip sa bahay. Ang kikitain namin ay idodonate namin sa charity para makatulong sa mga bata. Bumangon na ako sa aking kama at bumaba na. Dumiretso ako sa kusina upang mag almusal. "Good morning kuya! Ano iyang niluluto mo?" Masiglang bati ko sa kaniya. "Bacon and egg lang naman," sagot niya at isinalin na sa plato ang niluto niya. "Nasaan si nanay Emelita at bakit hindi siya ang nagluto ng almusal natin? " Tanong ko kay kuya at naupo na. "Pinag pahinga ko muna si manang sa pagluluto. Gusto kong bumawi sa mga araw na nawala ako dito. Heiley, may lakad ka ba ngayon?" Tanong niya sa akin. "Oo kuya eh maghahanap kami ng part time job ng mga kaibigan ko. B

