Christian's POV. "WHAT THE HELL CHRISTIAN!? HINDI BA AT SINABI KO NA SA IYO NA MAGPAKALAYO-LAYO NA KAYO NI HEILEY? BAKIT NAMAN BUMALIK PA KAYO DITO SA MAYNILA!?" Galit na galit na tanong sa akin ni Nathalie. Mabuti na lamang at wala dito ang kaibigan ni Hazel at naghahanap din ng trabaho. "Hindi naman siya makikita ni Adrian at hindi naman niya ito makikilala," sagot ko sa kaniya. "Anong hindi? Eh doon na nga siya nagtatrabaho sa kumpanya ni Adrian. Personal assistant pa talaga ha!" "What!?" Natuod naman ako sa sinabi niya. Nagkausap na kami dito tungkol kanina at dahil naawa ako sa kaniya ay pinayagan ko na lang siya. Hindi niya nasabi sa akin na sa Hale Company pala siya mamamasukan. "Oo tama ka ng narinig. Magkasama na ngayon iyong dalawa. Tapos kinampihan pa ni Adriee yung Je

