After four days... Heiley's POV. "Heiley! Heiley! Gising ka na ba?" dinig kong sigaw ng kuya ko. Hindi ko siya sinagot at pinanatili kong nakapikit ang aking mga mata. Susulitin ko na ang dalawang araw na natitira sa bakasyon namin. Masyado kaming napagod kahapon sa trabaho namin kaya naman nagbabawi ako ng lakas. Naghanap kami ng ibang part time job noong nakaraang tatlong araw. Nakapasok kami sa isang coffee shop bilang waitress. Okay na rin naman ang suweldo.Malaki na ang naipon namin dahil sa dinagdagan ni tita Elizabeth ang suweldo namin kasi naubos namin ang mga flyers at very good kami sa ginawa namin. Sa apat na araw namin sa pagtatrabaho ay naka ipon kami ng 150,000. Malaking tulong na ito sa mga bata. Hindi pa namin napag-uusapang magkakaibigan kung kailan kami dadalaw sa is

