Jenny's POV. Ngayon na ang araw na pinakahihintay ko. Kasama ko si Hazel na nagpunta sa kumpanya. Ayaw niya kasi akong hayaan na mag-isang lumabas at ayaw niya rin na maiwan sa condo ni Chadler. "Hazel, tama ba itong ginagawa nating dalawa?" Tanong ko sa kaniya. Naglalakad kami ngayon patungo sa kumpanya. Malapit naman kasi ito sa building ng mga Hale. "Oo naman girl. Ano naman kung suwayin natin si Chadler? Sino ba siya?" "Boyfriend ko siya Hazel. At alam kong magagalit siya kapag nalaman niya na lumabas tayo ng walang pahintulot," kinakabahan kong sabi. "Exactly! Wala naman magsasabi sa kaniya at hindi niya ito malalaman. Hindi siya magagalit sa iyo Jenny. Trust me. Halika na bago ka pa mahuli sa interview mo." Hinila na niya ako at naglakad ng mabilis. Sumabay na lang ako sa gu

