"May kailangan kayong malaman," seryosong sambit ni Arthur. Umakyat ang aking kaba dahil sa kaniyang sinabi. Mayroon pa ba akong dapat na malaman? Hindi pa ba nila sa akin nasasabi ang lahat? "Pasok na muna kayo at sa loob na natin pag-usapan ang lahat," aya sa amin ni Arthur. "Ano ba ang kailangan kong malaman?" Mahina kong bulong kay Raine. "Malalaman mo rin mamaya Heiley," sagot niya at hinawakan ako sa aking kamay. Nang makarating kami sa sala ay nadatnan namin ang dad ni Arthur kasama ang kaniyang asawa na nakatingin sa mga papel na hawak nila. Ako naman ay nagtataka kung ano ang mga iyon. "Hello hija, nice to meet you. Ikaw ba si Heiley?" Tanong sa akin ng mama ni Arthur. "Yes po tita. Nagagalak din po akong makilala ka." Hiningi ko ang kaniyang palad at nagmano sa kaniya.

