Olivia Charlotte's POV
Umupo agad ako sa sofa ng office ni Noah bago niya tuluyang buksan 'yung pintuan.
"Yes?" Noah said.
"Umm. Sir pinapatanong po nila, kung hahabol pa po ba kayo sa meeting." Ella said.
Meeting? Eh bakit andito parin siya? Mukang na late pa siya.
"f**k I forgot, okay i'll go there, by the way Olivia is here, escort her to her new office" Utos ni Noah sa Secretary niya at agad naman siyang umalis.
"Halika na po, I'll escort you to your new office Mam" His secretary said. I just nodded at sumunod na sa kanya.
Lalo akong nainis ng malaman na same floor kami ni Noah. Akala ko pa naman maiiwasan ko siya dito sa office. Badtrip naman oh.
Nang makapasok kami sa office ko, agad ako namangha. May malaking window sa likod ng table ko at kitang kita ang view ng city. Mhmm, not bad pwede pang IG pics.
"Thank you for escorting me." I said then smiled at her.
"You're Welcome Mrs. Reid" Nagulat ako sa sinabi niya. Pa'no niya alam? I thought Noah wanted it to be a secret.
"Hala Mam. Wag kayong mag alala alam ni Sir na alam ko, ako pa nga po ang nag ayos ng kasal niyo po" Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.
"Ah ganun ba. Um, when can I start?" I quickly changed the topic.
"Bukas po." Sagot niya.
I nodded. "Sige, thank you ulit ha"
"No problem Mam, sige po alis na po ako" Paalam niya, I smiled at her at umalis na siya.
Okay na rin siguro 'to? Altlast may pag kakaabalahan ako. It's been years since I stopped working. Nag trabaho ako at nag ipon ng mabuti para makapag invest ng stocks sa company namin, so that hindi ko na kailangan mag work.
But here I am, married and required to work.
I didn't bother looking at the papers sa table ko. I'm still not working pa naman eh, bukas na lang. Plinano ko na lang mabuti kung paano ko aayusin ang office ko.
I list down kung anong klaseng organizers ang need ko and some decor stuffs.
After that umalis na rin ako sa office, hindi naman ako napansin ng secretary ni Noah. I did not bother na rin. Hindi pa naman ako officially nag wo-work.
I went to the nearest mall to buy some stuffs for my office. After that pumunta ako sa mga boutique para bumili na rin ng mga office attires. Pinamigay ko ang office attires ko no'n kasi akala ko hindi na ako babalik sa work.
Pumasok ako sa isang shoe store, at agad kong napansin si Noah na may kasamang babae na mukang galing sa office namin.
I scoffed. So this is the reason why he decided to keep our marriage a secret? Para matuloy niya ang pag lalandi niya? Unbelievable.
I did not bother na umalis ng store. Para sa'n pa? Hindi nam nako bitter sa kanila, and mukang busy sila sa pag lalandian kaya hindi nila ako napansin.
"Ummm Ms. Can i have this one? Size 7 please." Sabi ko do'n sa sales lady. She just nodded at kumuha na ng size ko. Kita ko sa perepheral view ko na nakatingin sila sa 'kin. Hindi ko na lang sila pinansin.
Bibigay na sana sa 'kin ng sales lady 'yung sapatos ng biglang inagaw nung babae ng asawa kong hilaw.
I raise my brows at her "Excuse me?" Kalmado kong sabi sa kanya.
"Bakit? Ako nauna dito" Sagot niya.
Biglang kumulo ang dugo ko sa narinig ko. Anong klaseng pag iisip 'yan?
I scoffed in disbelief "What the hell are you saying? I am the one who asked for a size. Go ask for yourself" Inis na sabi ko sa kanya. She's testing my patience
"Ako una nakakita, nilagay ko lang diyan" Walang kwenta niyang sagot.
"Atsaka di bagay sayo 'to. You look cheap kaya."
What the f**k? Says the one who clings to a married man!
"I didn't know we hired some un-educated bitches" Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. I looked at Noah at mukang nag e-enjoy lang siya na napapanood niya.
"Wha-t?"
" You don't know me? Sabagay mas busy ka ata sa boss mo kesa sa work. By the way I'm Olivia Charlotte Lustre" I casually said.
"Lu-lustre?" Nginitian ko lang siya as a response.
"Rings a bell?" I smirked at her. "Now back off and let me have my shoes peacefully" Sabi ko sakanya.
Wala naman siyang nagawa kaya kinuha ko na ang shoes sa kanya at agad na nag bayad. Hindi ko na sila pinansin ni Noah kung ando'n pa sila or umalis.
Tapos na ako mag shopping kaya nag decide na 'ko na umalis na ng mall. I was walking sa parking lot papunta sa car ko ng may naramdaman akong sumusunod sa 'kin.
Bigla akong kinabahan kaya binilisan ko ang pag lalakad. Napasigaw ako ng biglang may humawak sa braso ko.
"Let go of me! Ple- Noah!?"
"Where are you going?" He asked. Pilit kong inaalis ang pagkahawak niya.
"'None of your business" Mataray kong sagot.
"It's my damn business, cause you are my wife!" Sigaw niya.
I scoffed "Secret wife remember? And sa papel lang tayo kasal. No feelings involve. Kaya pwede mong landiin kung sino ang gusto mo" Sabi ko sa kanya. Nag igting ang panga niya dahil sa sinabi ko.
Hindi ko na lang siya pinansin, tuluyan ng kumawala ang kamay niya sa braso ko kaya umalis na ako sa harapan niya at lumapit na sa sasakyan ko. I was about to open my car ng biglang may humablot nanaman sa braso ko at sinandal ako sa sasakyan ko kaya nabitawan ko ang mga shopping bags ko.
Nakahawak parin siya sa mga braso ko. "What the hell is your problem?!" Sigaw ko sa kanya. Buti na lang walang tao dito!
"Galit ka ba?" Mahinahong tanong niya.
Napakunot ako ng noo "Hindi ako galit, bakit ako magagalit?" Nag tatakang tanong ko.
"So you're jealous?" Mayabang na sabi niya. I rolled my eyes at him.
"Gago ka ba?! Bakit ako mag seselos?! Sino ka ba sa akala mo?"
"Nag seselos nga"
"Excuse me?! Ako? Jealous?! In your dreams!" Inis na sigaw ko. Napipiko na 'ko ha!
"Don't deny it Char. Halata ka na."
"Im not denying it. Kasi hindi naman talaga! Ano ba! Bitawan mo na kasi ako!" Sigaw ko sa kanya habang nag pupumilit na makawala sa hawak niya.
"You still love me" Mayabang na sabi niya.
"Sa'n ka nakakakuha ng yabang mo? Bawas bawasan mo ha?"
"I still love you Char"
Natigilan ako ng sabihin niya 'yun. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Anong karapatan niya para sabihin niya sa 'kin 'yun?
Alam kong kasinungalingan lang 'yun pero ano 'tong nararamdaman ko?
"Can you please not to-"
Hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla ko na lang naramdaman ang labi niya sa 'kin.
Hindi ako makagalaw. Hinayaan ko lang siya. Hindi rin ako nag re-respond sa mga halik niya.
Naramdaman ko na lang na tumulo na ang mga luha ko, and that made him stop.
"Shhh. I'm sorry Char, I'm sorry" He said habang nakayakap siya sa 'kin. Hindi ako nag salita. Hindi ako maka salita. Nakatulala lang ako habang umiiyak.
Yeah, it feels like home. But why is my heart aching?