Olivia Charlotte's POV
After a month nung nagkita kami ulit kami ni Noah, kinasal na rin kami.
I'm officially Mrs. Reid.
And I'm so glad na civil wedding lang 'yun. I don't want any grand wedding. Masisira lang ang dream ko kasi Noah ang papakasalan ko.
Umaasa pa rin ako na ikasal sa tamang tao at gawin ang dream wedding ko. Malay natin, mag hiwalay din kami ni Noah.
We've been living together ever since, buti na lang napapayag ko pa sila na hindi muna ako kami mag tabi sa iisang kwarto.
Also he made our wedding a secret. To be honest wala akong pake do'n. If he wants to continue dating other girls, okay lang sa'kin. Baka mag bago pa ang isip ng parents namin at ipa annul na lang.
Pag baba ko agad ako kumain ng breakfast mag isa. Lagi ko naman hindi naabutan si Noah, si Manang siguro nasa palengke.
After kong kumain umakyat na 'ko sa room ko para mag ayos. Bigla naman nag vibrate ang phone ko at nakitang tumatawag sa 'kin si Andre.
"Hello?"
[Liv! Mega tayo ngayon with MJ!]
"Jusko! Buti na lang, I'm so bored na here. Sige sunduin niyo ako, I'll be ready after an hour" I said.
[Gesi! Bye! See ya] He said then I ended the call.
Buti na lang nag yaya mga kaibigan ko na umalis. Sobrang bored na 'ko dito, ayaw naman nila ako mag work, gusto lang ata nila umasa ako sa asawa kong hilaw.
Nag iwan na lang ako ng note kay manang, wala parin kasi siya hanggang ngayon. Sakto naman dumatin na rin sila MJ.
Nang makarating kami sa mall, sinamahan muna ako nila mag window shopping.
"How's the married life?" Tanong sa 'kin ni Andrew.
"Oh, married pala ako? Di ko ramdam eh" Sagot ko.
"Gusto mo ba sabihin ko kay Noah na lambingin ka?" Pang aasar sa 'kin ni MJ.
I rolled my eyes at him "As if gusto kong gawin 'yun" Naiinis na sagot ko sa kanya.
Pag katapos nila ako samahan mag shopping, kumain na rin kami. Sila nag yaya mag mall ako ang may napala. Para silang bodyguards ko na dala dala ang shopping bags ko.
Nag text si Yas, na tapos na siya sa ginawa niya kaya nag decide kami na pumunta na lang sa bahay nila para mag movie marathon.
"Baka naman may chance pa kayo ni Noah na magka ayos" Yasmine said habang nanonood kami ng movie.
I scoffed "Ba't niyo ba pinipilit na mag ka chance ulit kami ni Noah? Eh kami mismo hindi na umaasa magka ayos, we're just fulfilling our family's tradition" Sagot ko sa kanya.
"Sure na 'yan?" Tanong pa ni MJ.
"Oo nga ang kulet niyo"
"But he was your great love" Yassi said.
I sighed "Was, it means dati 'yun, hindi na ngayon" Sabi ko sa kanya at tipid na ngumiti.
In my opinion masyado ng matagal para ibalik ang meron sa'min ni Noah. It's been 10 years masyado ng maraming nag bago para ma ayos pa. And I heard he's a playboy, ekis tayo do'n. I wanna save myself from the heartaches.
Late na kami naka alis sa bahay ni Yas, nakarami rin kami ng movies. Si MJ ang mag hahatid sa 'kin, si Andrew naman nagpa iwan na kala Yas. Kelan kaya sila mag papakasal? Nauna pa ako sakanila.
Midnight na ng makarating kami sa bahay namin ni Noah. Tinulungan ako ni MJ na ibaba ang mga shopping bags ko.
"Thankyou MJ sa pag hatid" I said then hugged me. Walang malisya 'to. He's like my brother already.
"You're welcome Liv! Ikaw pa ba? Sus!" Sabi niya then kumalas sa pag kayakap. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
"Where the hell did you go?" Parehas kami napalingon ni MJ sa nag salita.
Nakita namin si Noah na ang sama sama ng tingin samin. Parang mamatay kami sa mga tingin niya.
Hindi ko na lang siya pinansin "Sige MJ, pasok na 'ko. Umuwi ka na rin. Ingat ka! "Sabi ko sa kanya.
" Okidoks bye!" He said at sumakay na ng sasakyan niya. Pinanood ko muna siya habang paalis.
Nung hindi ko na siya makita sa paningin ko, pumasok na ako sa bahay. Dinaanan ko lang si Noah at wala siyang balak pansinin.
Papasok na sana ako ng kwarto ko ng biglang hilahin ni Noah ang kamay ko kaya nahulog yung Ibang paperbags.
"What the hell is your problem?!" Inis na sigaw ko sa kanya. Pupulutin ko na sana 'yung mga paper bags ng kunin niya agad 'yun.
"Where have you been?" Seryosong tanong niya sa 'kin.
"Wala kang pake!" Sigaw ko at pilit na inaagaw ang mga paper bags kaso pilit niyang inilalayo sa 'kin.
"Umalis ka ng umaga sa bahay and then you came back, umaga na rin?!" Parang tatay niya na sermon sa 'kin.
"Ang OA mo ah! And so? Sino ka ba?" Iritang tanong ko sakanya.
The side of his lips rose "I'm your husband" He said.
"Oo! Pero sa papel lang!" Palaban kong sagot. Hindi ako mag papatalo!
"Are you cheating on me?"
What the hell?
"Excuse me?"
" Are you having a relationship with MJ?" Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"What the f**k? San mo ba nakuha 'yan?!" Naiinis na 'ko sa kanya! Gusto ko lang naman isukat na 'yung mga pinamili ko!
"Are you in love with him?" Ano bang pinag sasabi ng gagong 'to?!
"Tanga ka ba? Eh di kung mahal namin ang isa't isa eh di sana walang kasalanan na nangyari!!"
Ayoko na pagod na 'ko, gusto ko na mag pahinga. Sa kanya na 'yang mga damit ko, suotin niya, bwiset! Papasok na sana ako sa kwarto ko ng biglang hilahin niya ulit ako at dinikit sa pader.
"Ano bang problema mo! Let me go! Inaa-"
Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko ang mga labi niya sa 'kin.
I froze. Trying to process it.
Nang matauhan ako agad ko siyang tinulak at sinampal.
"What the f**k?"
Bwiset siya! Bwiset! I mean it's not my first kiss. Pero nag nakaw nanaman siya ng halik like what he did years ago!
" Serves you right! Jerk!" Inis na sigaw ko sa kanya.
He pinned me again, against the wall. Seryoso niya ako tinignan. Napaiwas ako ng tingin dahil bigla akong nailang.
" You.Are.Mine" He whispered in my ear.