Olivia Charlotte's POV
It's been weeks since that night happened. I did not mind staying in that hell hole. Agad ako lumayas sa bahay na 'yon.
Since then, I stayed at my condo. Pag nasa office naman kami, I tried to ignore him. Pag may meeting kami together hindi ako uma-attend, nag dadahilan na lang ako.
Nalaman nila Yas ang nangyari, they are all so mad lalo na si Yas. Gusto pa sana niya I-confront si Noah about it, pero sabi ko wag na dahil ayoko ng palakihin ang gulo.
Buti na lang pinayagan ako nila Mommy na tumira sa condo ko. Hindi ko sinabi kung ano ang nangyari sa'min between me and Noah and luckily hindi na sila nagtanong pa.
Sumusuka ako sa banyo ng marinig ko ang boses ni Yasmine.
"Liv!" Sigaw ni Yas.
After ng pag susuka ko, inayos ko ang sarili ko at lumabas na ako sa bathroom.
''Goodmorning'' Bati ko sa kanya.
''Hey, ba't ka namumutla? Sumusuka ka nanaman ba?" Nag aalalang tanong niya. I just nodded.
Every morning na ata ako sumusuka. Hindi ko alam kung bakit, siguro I was super stress sa mga nangyayari? Napaparami na rin ang kinakain ko nung mga nakaraan, probably stress eating.
''Oo eh, siguro may nakain lang ako'' Sagot ko sa kanya. Kinuha ko ang bag ko na nasa sofa.
''Sure ka? Gusto mo mag pa check up na tayo?''
''Check up ka diyan! Ang OA mo, walang 'to "Pangungumbinsi ko sa kanya " Tara na nga umalis na tayo" Yaya ko sakanya. She just nodded at umalis na kami papuntang office.
Pagdating namin dumiretso na agad kami sa office ko, Yasmine will help me to pack my things. I will resign no matter what, hindi ko na kinakaya ang pag stay ko dito. I can always see him with other girls. Mamamatay lang ako sa sakit.
Habang nag liligpit ng mga gamit ko, bigla ako nakaramdam ng hilo kaya napahawak ako sa sentido ko.
"Liv! Ayos ka lang?" Tanong sa 'kin ni Yas at lumapit siya sa 'kin "Nahihilo ka nanaman ba?" I nodded.
''Okay lang ako, kaya pa naman, sa pagod lang siguro atsaka sa init'' Sagot ko sa kanya.
"Init? Naka aircon tayo dito uy" She said. I was about to answer her, ng biglang may kumatok.
''Come in'' Pag tingin ko, si Ella pala.
''Ma' m ayan na po napirmahan na po ni Sir Noah 'yung resignation letter niyo po" She said then inabot niya sa 'kin 'yung papel.
''Sige salamat Ella" I softly said.
''Ma'm sigurado na po ba kayo? Mamimiss ka namin Ma'm'' Malungkot na sabi sa 'kin ni Ella.
''Mamimiss ko rin kayo, pero kailangan eh'' She just nodded at nag paalam ng lumabas. Nag patuloy na kami mag ayos ni Yas.
Bago pa mag lunch, saktong natapos na rin kami ni Yas. Dumating na rin si Andrew para tulungan kami mag buhat sa mga gamit k.
Pag labas namin, I saw Noah with some other girl. What's new? This is the reason, why I hated this place. Para bang sinasadya niya na makita ko ang pang bababae niya. Kaya siguro niya ginagawa 'yun para paalisin ako.
Hindi ko na sana sila papansinin kaso malas ata talaga ako. Sasakay din sila Noah sa elevator ng babaeng kasama niya. Sinubukan ko na lang na 'wag silang pansinin.
"Liv, sa'n mo pala gusto kumain ngayon?" Yasmine asked.
Napaisip naman ako ''Parang gusto ko ng sushi ngayon'' Sagot ko. Hindi ko rin alam kung bakit 'yun ang sinabi ko.
Their brows furrowed''Sushi? Kelan mo pa nagustuhan 'yun?'' Sabi ni Andrew.
Oo nga eh ewan ko ba, dati hindi mo ko mapapakain ng sushi, nakikita ko pa lang 'yun nasusuka ako, but now parang gusto gusto kong kumain ng madaming sushi.
"Hindi ko rin alam eh, I suddenly craved for it" Sagot ko sa kanila. They just nodded.
Sakto bumukas na rin ang elevator, dumiretso na kami sa sasakyan niya para ilagay ang mga gamit ko at sumakay na kami para pumunta sa malapit na mall.
I did not bother looking at Noah kung saan sila pupunta. Wala na akong pake sa kanila. He's a free man sa harap nila.
Pag dating namin sa mall nag hanap kami nila Yassi ng Japanese restaurant na pwedeng maka-inan. When we saw a restaurant agad kami kumuha ng table. A waiter approached us at kinuha ang order namin.
''Andrew! Ang tagal naman ng order gusto ko ng kumain ng sushi!I follow up mo na dali'' Reklamo ko kay Andrew.
''Aba bakit ako ang sinisisi mo? Ako ba ang nag luluto? At kaka order lang na 'tin Liv ano ba. Wala tayo sa fastfood.'' He said. I just rolled my eyes, at hindi siya pinansin.
Naiirita ako ngayon, hindi ko alam kung bakit. Ang alam ko lang eh gusto ko ng sushi ngayon. Mawawala lang ang inis ko pag naka kain na 'ko.
''Oh susunod daw si MJ dito kasama yung nililigawan niya'' Yas said after talking to MJ sa phone.
''Ayun buti naman! May dadating na gentleman di katulad ng isa diyan!'' Parinig ko kay Andrew at inirapan siya.
''Attitude ka girl ha! Gentleman kaya ako! Hindi naman kasi ako ang nag luluto!" Sagot sa 'kin ni Andrew.
''Whatever!'' Iritableng sagot ko sa kanya. I just pouted at nag maktol na lang sa upuan ko.
''Alam mo babe, kundi lang 'yan brokenhearted ngayon, kanina ko pa 'yan sinapak" Sumbong ni Andrew kay Yasmine.
''Eh di sapukin mo!'' Pag hahamon ko sa kanya.
"Hoy hoy itigil niyo na nga 'yan! Para kayong mga bata. At kelan pa kayo hindi magka sundo ha? Ano ba ang nangyayari sa inyo? Lalo ka na Liv! Kanina ka pa nababaliw sa sushi na 'yan" Sita sa 'min ni Yas.
I was about to say something, ng may nakita akong pumasok sa restuarant. Nanigas ako sa kinakaupuan ko ng makilala ko kung sino 'yun.
It's Noah, with his w***e.
Sinundan ko sila ng tingin, they seat beside near us, hindi na lang ako nag salita, kahit sila Yas nakita nila siguro sila Noah.
After a few minutes, dumating na rin ang order namin, kaya nakalimutan na namin na andiyan sila Noah. Bumalik na rin ang sigla namin. Lalo na ako.
"Hala bitin! Gusto ko pa!" Reklamo ko sa kanila at nag pout. Kaya naman nag order na ulit ang mga kaibigan ko.
Bago pa maka order si Andrew, dumating na sila MJ.
"Oh andiyan na pala kayo, isabay niyo na 'yung order niyo pati bayad ah" Andrew said to them. Napatingin naman ako sa babaeng kasama ni MJ ngayon.
"Mga bro, si Diane nga pala girlfriend ko" Proud na pakilala ni MJ sa'min. Bigla akong nang gigil kay Diane. Ang cute niya!
Hinampas naman ni Diane si MJ.
"Anong girlfriend ka diyan! Hindi pa nga kita sinasagot eh!" Sabi sa kanya ni Diane" By the way Hi! Nice meeting you" She politely said.
Umupo na sila sa table namin. Pero may bigla akong naamoy na mabaho. Nilapit ko sila isa't isa at inamoy. They all weirdly looking at me.
"MJ ang baho mo!" Sigaw ko sa kanya.
Nagulat naman si MJ sa sinabi ko at inamoy niya ang sarili niya.
"Anong mabaho?! Ang bango bango ko kaya!" Reklamo niya.
Hindi! Ang baho niya talaga! Hindi ko na kaya ang amoy kaya agad ako tumayo at pumunta sa resstroom para sumuka. Nilabas ko lahat ng kinain kong sushi.
"Liv are you okay?" Nag aalalang tanong sa 'kin ni Yassi habang hinahagod ang likod ko. After kong sumuka agad ako lumabas ng toilet at nag hilamos.
"Okay lang ako. Sobrang stress lang ata ako" Sagot ko sa kanya.
"Feeling ko hindi lang yan stress" She said.
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya "What do you mean?" Nag tatakang tanong ko.
"Kelan ka huling nagkaroon?" She asked. Napaisip naman ako sa sinabi niya.
"Hmm, I don't know. I was supposed to have my period last week I guess? Pero I think dahil sa stress ko kaya ako na delay. Normal lang 'yun" Sagot ko.
Nakita ko naman ang naging reaksyon niya sa sinagot ko. I can see shocked in her eyes.
At first, hindi ko siya maintindihan. But suddenly a realization hits me.
Shit.
"Are you pregnant?"