Episode 7: Let's talk about love

2694 Words
May ngiti sa labi kaming lahat sa loob ng klasroom dahil sa kuwento ng science teacher namin. Ewan ko ba pero imbes na about science ang ile-lecture napadpad kami sa love story niya. Kami naman na gusto rin ang ganap, hinayaan nalang namin siya magkuwento kaysa naman magturo siya na 'di naman namin maintindihan. Nagsimula ang kuwento niya dahil sa tanong na 'describe what is the function of a brain when it comes to love' hanggang sa nauwi sa salitang "Brain is the center of all emotions that no eyes can see, no ears that can hear, no nose that can smell and no skin that can touch." I whispered again the answer na sinabi ni Ma'am kani-kanina lang. 'Di ko alam pero huminto ang isip ko sa sagot niya at in an instant pumasok bigla sa isip ko si Shoichi. Goshhh Yen, nababaliw ka na. "But why is it that they called brain as a 'center of all emotions?" Lahat kami ay natahimik at napaisip ng sagot. Bakit nga ba? Bakit nga ba center of all emotions ang brain at bakit hindi ang heart? Tumingin ako sa harapan at nakita ko si Ma'am na nage-enjoy makita kaming ginaganahan sa kaniyang klase "Anyone? Why they called it as a center of all emotions." Nilibot ko ang buong sulok ng kuwarto kung may gusto bang sumagot. May iilang kamay na nakataas at isa na doon si Khysza. "Yes Ms. Guillermo?" tawag niya sa akin. Tumayo ako ng dahan-dahan at pinoproseso ang mga salitang sasabihin ko. "They called brain as a center of all emotions because it is the role of the brain that's responsible for behavioral and emotional responses. It helps to control our thoughts and actions." "Good answer. Thank you Ms. Guillermo." Yumuko lang ako at umupo. Whooo may naririnig akong mga bulong na kesyo tama raw ako o 'di kaya sana tinaas nila ang mga kamay nila kasi pareho pala kami ng sagot. Pag kasi may chance ka sa isang bagay, i-grab mo na agad para hindi ka maunahan. "Naks Yen, saan mo kinuha 'yong sagot mo? May pinaghuhugutan ka ba?" tukso sa'kin ni ashley. Kita mo 'tong babaeng 'to. "Tumigil ka nga diyan, 'di ba puwedeng given na yun?" "Malay ko ba." "Iyan kase, hindi ka nakikinig. Kahit grade 5 ay alam nila ang sagot," asar ko sa kaniya. "Alam n'yo ba na masarap ang magmahal?" tanong ulit ni ma'am. "Pero mas masarap ako." Napatingin kami ni Ashley kay Khysza nang sabihin niya iyon. Sumenyas naman siya na tumahimik at binalik ulit ang atensiyon sa harapan. Jusko, wild din pala tong si Khysza. "Ang pagmamahal sa isang tao ay hindi nakakapagod. Siguro nga ay minsan napapagod ka na pero always remember that love never ends even how many times you fail and fall but still, you still keep loving that person." "And love always find its way to find you no matter how fast you run or hide," I whispered again. "Seriously Yen, you're giving me creeps. Stop talking to your self I hate that." Hinarap ko si Ash na may tingin sa'kin na para bang nandidiri o natatakot. I smiled at her and stick my tongue out. Yes, ashley hates to see me talking to myself kase she find it weird daw and creepy. Anong magagawa ko eh gusto 'kong dugtungan 'yong sinabi ni Ma'am. "At alam n'yo rin ba na ang pagmamahal ay hindi nawawala?" Ma'am questioned us again. Yeh naniniwala ako doon. Here I am again, doing weird stuff. Hinarap ko si Ash na nakatingin sa harap. "Because love never leaves. Love never fade. People think that they already moved on but when they saw their ex's they will start thinking na mahal ko na ulit siya. The fact there is that kahit kailan hindi umalis ang pagmamahal nila sa taong 'yon. Siguro nakatago lang pero hindi nawala." "But you know what is the untold story about what you've said?? Love can fade. People can forget and sometimes love need to disappear, period." She looks serious, baka napikon na siya sa ginagawa ko ahahaha. "Sabi mo e, easy lang 'di naman ako papatol." "Yeah, just stop it. I'm trying to listen here, ok?" Ngumiti lang ako sa kaniya at humarat na kay Ma'am. One hour passed and finally, uwian na! "Ok so we will continue our topic tommorow. Goodbye class." Maam Tumayo na si maam at umalis na ng kuwarto. Kami naman ay nagsimula nang maglinis. "Grabe si Ma'am no? Puwede nang ipadala sa MMK 'yong kuwento niya," tawang sambit ni Khysza. "Pero aminin nag-enjoy naman tayo sa kuwento niya at may natutunan," dugtong ko naman. "Especially when Yen is sitting beside you. She will full your knowledge about 'love'," singit naman ni Ashley. "Luh, grabe ka dhai. Atleast diba, alam natin na ang pagmamahal hindi talaga nawawala. 'Di ba Khysza?" Ngumiti lang si khyza bilang sagot na oo. Hindi puwedeng hindi siya sumang-ayon sa akin dahil baka ma-friendship over ko siya. Nagpatuloy na lang kami sa paglilinis para makauwi na nang maaga. "Sasabay ka na ba this time sa amin?" Tanong ko kay Khysza na nagsusuklay ng kaniyang buhok. "Puwede ba? If yes, then why not diba?" tawa nitong tanong. "Oo naman sasabay na ako." Napailing si Ashley ng ulo tiyaka ngumiti. "Crazy. Dalian niyo para naman makapagspare time pa tayo para gumala." Napatingin naman ako kau Ashley at tinaasan ng kilay, "Lols Ash, saan naman tayo gagala aber? We are in the village." "7/11, park, quixmart and those little mall here. We don't need to go out to the village just to go to big malls." Ash "Ash's right. Kaya tara na!" pagsasang-ayon ni Khysza. Duh edi siya na. Minsan talaga may pagkamataray din si Ashley lalo na pa may sumang-ayon sa sinabi niya. Pagkatapos namin maglinis ng kuwarto ay lumabas naman agad kami ng room. Ito talaga 'yong part na gusto ko tuwing school days, ang uwian. 'Yong tipong nagbabanggaan kayo sa hallway at naglalaro. Marami na rin ang lumalabas ng mga kuwarto nila at nagsihintayan sa hallway. Sana lang talaga 'di ko makita ang lalaking iyon. Habang palabas kami ng gate ay 'di ko inaasahan na makita si Shoichi sa labas na nakatayo sa gate habang nakatalikod. Inang birhen, gano'n mo na ba ako kamahal? Ano'ng gagawin ko? Baka pag nakita ako nito at biglang mag feeling close baka isipin nina ash at Khysza na jowa ko siya. "Naku! Teka sa second gate na lang tayo dumaan. May nakalimutan kasi akong sabihin kay manong guard dun." Wala na akong paraan kundi ang sabihin iyon. Dalawa naman talaga ang gate ng school. 'Yong isa ay main gate tapos 'yong isa naman for teachers na may malalaking sasakyan. Hays kahit pagod na ako lumakad at nalalayuan sa second gate ay wala na akong magagawa pa. Kailangan kong magtago sa kaniya kung hindi baka ano na naman ang gagawin at sasabihin. "Malapit na tayo dito oh at kailan ka pa naging close kay manong guard?" takang tanong ni Ashley. Ay teh, sinasabi ko sa'yo, 'yong isang guard ang close ko dahil lang nawala i.d ko kahapon. "Ihhh basta!" Inis kong bulyaw, "Doon na lang tayo dumaan, tara na!" Sa sobrang inis ko kay Ashley na napakaarte at 'di manlang marunong makiramdam ay napalakas ang aking boses dahilan upang mapatingin si Shoichi sa amin, paktay. Bigla akong nagtago sa likod ni khyza sabay hila kay Ashley para maging shield din. Please inang birhen, sabihin niyo po sa akin na hindi niya ako nakita. May pagtataka sa mukha nilang dalawa habang tinitignan akong nakayuko sa kanilang likuran, "Anong ginagawa mo?" tanong ni Khysza. "Huwag kang gumalaw." Nagtataka man sila ay pinili parin nila ang lumakad nang dahan-dahan palapit sa gate kung saan nakatayo si Shoichi. Anak ng pating, ang sabi ko sa second gate kamo dadaan pero 'bat dito? Bakit sa puwesto niya?! "Ano ba ang nangyayari sayo Yen? Uyyy!" Pilit na kumakawala si Ashley sa paghawak ko sa braso niya. Lagot talaga 'tong babaeng 'to sa'kin mamaya. "Shhh! 'Wag kang maingay maririnig niya ako!" inis 'kong sita kay Ashley. "Maririnig nino?" sabay na tanong ng dalawa. "Ako ba Ms. Iyakin?" Nagulat kaming lahat kay Shoichi na ngayon at nakayo na sa likuran namin habang nakangisi. Napasapo na lang ako sa aking noo at tumayo na nang tuwid. Humarap naman sina Ashley at Khysza. "Anong ikaw, kapal mo naman para mag-assume ng ganiyan." "Aray. Inabangan pa naman kita dito tapos gaganyahin mo lang ako." Ang loko, umakto pa talagang nasasaktan ang dibdib niya. Kapal talaga ng apog nitong lalaki. "Tara na nga." Hinawakan ko ang mga kamay ng dalawa at hihilahin na sana ngunit biglang binawi ni Ashley ang kaniyang braso. Wtf? Lumingon ako sa aking kaibigan at bigla akong nagtaka sa aking nakita. Tulala itong nakatingin kay Shoichi. Namumutla rin siya na para bang nakakita ng multo. "Ashley. Uyyy, ok ka lang?" alala kong tanong. Si Khysza naman ay bakas sa mukha niya ang pagkalito habang pinagmamasdan lang kami. "Uy yen! Iniiwasan mo na naman ba ako?" Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang aking braso. s**t! Sabi ko 'wag hawakan braso ko eh! "Ano ba!?" sigaw ko. Bigla namang napaurong si Shoichi pati narin si Khysza na nagulat sa aking sigaw. Nakaramdam naman agad ako ng konsensya nang makita ko ang reaksyon ni Sho. 'Di mapakaling binawi niya ang kaniyang kamay, "Hala sorry! Sorry!" Napabuntong hininga na lamang ako at humarap ulit kay Ashley na ngayon ay masama na ang tingin kay Sho. Ano ba nangyayari sa kaniya? "Ashley, ano ba? Ano'ng nangyayari sa'yo?" "Kailan pa?" May bahid na galit sa boses niya nang itanong niya iyon sa akin. "Ang alin?" "Kailan pa Yen? Kailan kayo nag simulang magusap at bakit hindi ko alam?!" Napabitaw ako sa kaniya at napaatras nang sumigaw na naman siya ulit. Walang malay na hinilod ko ang aking batok sa sobrang stress. "Ashley, I swear hindi kita maintindihan. Puwede nang pagusapan natin 'to mamaya? Sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari. Please?" pagmamakaawa ko sa kaniya. Bigla namang nag iba ang emosyon sa mukha niya at sabay tango. Alam kong may tinatago si Ashley sa akin pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit galit siya kay Shoichi. "So, umm puwede na ba kaming makisali sa bonding niyo?" Napatingin kaming dalawa ni Ashley kay Khysza na ngayon ay nakapamewang na habang nakataas ang kilay. "Tara na nga." Iyon na lamang ang aking nasabi at nagsimula nang lumakad. "So, iiwan niyo ako?" Tangina nandito pa pala siya. "Hindi mo talaga ako papansinin?" Gashh pushak! Hinarap ko ang aking aso. Hindi niya talaga ako tatantanan. "Sorry 'di ko kasi alam na ikaw 'yon at isa pa bakit naman kita iiwasan at 'di papansinin, right? Alam mo, nagmamadali ako kaya please umuwi ka na rin." Si Shoichi talaga 'yong tipong lalaki na pakokonsensyahin ka hanggang sa pumayag kang isali siya sa buhay mo. "Ok lang. Akala ko kasi galit ka. Tara sabay na ako sa inyo," ngiting wika nito. What? No 'di puwede! Dumako naman ang aking tingin sa dalawa na nagulat sa sinabi ni Shoichi. "Babae ka ba? Girls date namin ngayon kaya sana alam mo na bawal kang makisali, unless bakla ka." "Hala! Uy, ano ka ba Yen! Ang rude mo naman kay.. anong pangalan mo kuya?" Khyza Aba, pinandilatan ko si Khysza at hinila ng konti ang kaniyang uniporme tapos ang loka na ngumiti lang. "Shoichi but you can call me Ichi or gwapo." Kapal ng pagmumukha. "Ichi, alam mo ichi wala pa kaming kaibigan na lalaki. Sabi kasi nila maganda daw pag may kaibigan kayong lalaki para daw sila ang tagapagtanggol." "Saan mo naman napulot 'yan?" inis kong tanong kay Khysza. Hindi namin kailan ng lalaki sa barkada lalo na pag Shoichi ang pangalan. "So you're telling me na puwede akong sumali sa inyo?" may ngiti ito sa labi nang itanong niya iyon. In your dreams! "We don't accept animals here. Wala ka bang kaibigan?" tanong ko. "No, its ok he can join us." Nabaling ang tingin ko kay Ashley nang sabihin niya iyon. May kung ano akong maramdaman sa mgs titig niya kau Shoichi. Kani-kanina lang ay galit ito sa kaniya ngayon naman ay gusto niyang isali si Shoichi sa amin? "No way. Hindi siya sasali sa atin," pagmamaktol ko. "He can join us. Bakit ayaw mo? Are you hiding something?" makabuluhang tanong sa akin ni Ashley. Of course not! Wala akong tinatago. Ayaw ko lang makisali siya sa amin kasi.. kasi ano, basta! "Hala," sambit ni Khysza. "What? Wala akong tinatago. Do whatever you want." Wala na akong nagawa kun'di ang pumayag na rin. nasesence ko talaga ang kademonyohan ni Khysza tapos at pagiging creepy ni Ashley. Hinarap ko naman si Shoichi at pinandilatan ng mata. Epal nito kahit kailan. "Oh ano pa hinihintay natin? Tara na!" sigaw ni Khysza. Tahimik na nauna akong lumakad at walang balak na hintayin sila. So true lang talaga na epal si Shoichi pero deep inside may kung ano sa kaloob-looban ko na gusto ko siyang sumama. Isa pang reason kung bakit naaawa ako sa kaniya is para bang wala siyang kaibigan o ano. Sa sobrang magulo at ingay niya hindi puwedeng wala siyang kaibigan manlang. "Nakakatakot ang isa mong kaibigan Yen." Tumaas naman ang kilay ko nang biglang sumulpot si Sho sa tabi ko. May ngiti ito sa labi at the same time takot na para bang ayaw niyang marinig ni Ashley ang mga pinagsasabi niya. "Dont worry 'di nangangagat 'yan. And her name is Ashley." ako Mayamot kong tugon sa kaniya. Ngumiti naman siya nang sabihin ko iyon. Sa totoo lang nanganggat talaga si Ashley lalo na pag galit o gutom. Huling kagat niya sa akin biglang dumugo at nagkasugat. "Taga dito ka ba?" tanong niya. "No. Bagong lipat lang kami ni Ashley dito gano'n din si Khysza. Ikaw ba?" tanong ko pabalik. Nakss Yen, parang kahapon lang gusto mong sakalin ang lalaking 'to tapos ngayon naguusap na kayo. Wala naman sigurong masama kung kakaibiganin ko siya right? Kasi trust me, hindi ako tatantanan nito. "Bago lang din. May pamilya kasi ang mga magulang ko dito kaya nakitira muna ako sa kanila hanggang sa matapos ang pagaaral ko dito." Napa-ahh na lang ako sa kaniyang sagot. Mukhang pareho lang kami ng sitwasyon. Napaewan nalang ako at 'di na nagsalita pa. Rinig ko namang naguusap sina Ashley at Khysza sa likod namin kaya hindi na ako nagalala pa kay Ash if naa-out of place siya o di ko napapansin dahil kausap naman niya si Khysza. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang walang may nagsasalita sa aming dalawa. Ramdam ko naman na may kinuha siya sa kaniyang bulsa kaya sinundan ko ito ng tingin. Isang earphone na kulay itim na nakasaksak sa kaniyang selpon. Nagulat ako nang biglang niyang nilagay ang isang pares ng earphone sa aking tenga habang nakangiti. Pinandilatan ko siya at akmang kukunin na sana nang pigilan niya ako. ~ikaw ang una't huling pagibig ng buhay ko. Kay tagal mang nalaman mo dating pangarap lang ito~ Napahinto ako saglit sa kantang narinig ko mula sa earphone. Napatingin ako kay Sho na may pagtataka dahil ang kantang ito ay ang tunog na tinugtug niya sa flute noong na sa rooftop kami. Alam ko na ito ang kantang iyon kahit na walang liriko at puwang instrumento lamang ang narinig ko sa mga oras na iyon. Gusto kong magsalita pero para bang pinipigilan ako ng mga mata niya na itikom ang aking mga labi at pakinggan lang ang kanta. Sa mga oras na ito, para bang sinasabi niya na alalahanin mo kung saan mo ito napakinggan dati at kung ano ang meron sa kanta. ~ sing linaw ng langit na bughaw. Hanggang sa dulo ako at ikaw iginuhit na ng tadhana na tayong dalawa ay magiisa.~ Para bang huminto ang lahat ng bagay sa paligid habang pumapasok ang kanta sa aking isipan. Alam ko itong kantong 'to ngunit 'di ko maalala kung saan ko na ito narinig at kung bakit pati si Shoichi ay pamilya din sa kanta. "Thank you," mahina kong bulong sa hangin. Alam kong narinig niya iyon dahil sapat na ang kaniyang ngiti sa labi para malaman na nagpapasalamat ako sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD