Chapter 46 Hindi niya mapigilang kabahan habang nakatanaw sa malawak na karagatan lalo na at kasama niya ang mga anak papunta sa Isla Caceres. Naroon ang mga bata sa upper deck at dinig na dinig niya ang kanilang malulutong na halakhak habang nakikipag-usap ang mga ito kay Javier. Napahawak siya nang mahigpit sa railing ng yate at muling pinagmasdan ang payapang karagatan na naging saksi ng trahedyang hindi niya malilimutan sa buong buhay niya. "Don't worry, hija." Niyakap siya ng ginang. "Siniguro ni Javier na mapayapa tayong makakarating sa isla. Alam kong kinakabahan ka, pero ipanatag mo ang loob mo, maraming mga tauhan ang nakabantay kaya walang maglalakas-loob na guluhin tayo." "Salamat po, tita," tanging nasabi niya. Alam ni Rose na may dalawa pang yate na nakasunod sa kanila.

