NAALIMPUNGATAN si Rosette nang makita ang sarili na walang saplot at tanging puting kumot lamang ang bumabalot sa kaniyang katawan. Pero mas naalimpungatan siya nang makitang mahimbing na natutulog si Fifth sa tabi niya. Pinagmasdan pa niya ang paligid at sigurado siyang wala sila sa sariling bahay nito. Dahil mukhang private room ang silid na iyon. Nang sandaling iyon ay napasilip siyang muli sa sarili niyang katawan at napahalukipkip dahil doon pa lang ay batid na niyang may nangyari sa kanila ni Fifth. "Naku! Hindi p'wede," napapailing na wika niya sa sarili. Wari ay bigla na lamang nasira ang pangarap niya sa isiping baka magbunga ang nangyari sa kanila ni Fifth. Naisip niya rin na kamumuhian siya ng ina kapag nabuntis siya. At naiinis siya dahil hindi niya man lang namalayan ang nan

