THE DAYS have been passed quickly. At hindi niya namamalayan na mag-iisang linggo na simula nang magdesisyon siyang umalis sa banda. At simula no'n ay tila nawala na sa direksyon ang buhay niya. Mabuti na lamang at napagbubuntungan niya pa rin ng panahon ang paglalaro ng gitara sa tuwing may bakanteng oras sa school. Para na rin kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Katulad ngayon na hindi naman pumasok ang professor nila sa isang major subject kung kaya't nagpasya na muna siyang mapag-isa sa may teresita ng building. Kung saan ay natatanaw niya sa baba ang gymnasium. Kasalukuyan niyang tinutugtog ang bago niyang ikinompose na kanta nang bigla siyang nilapitan ni Czarina. "Wow! Iyan 'yong bago n'yong song na nag-viral online, hah? Mas maganda pala pakinggan sa personal!" Kahit na

