IT'S LIKE a usual day for Rosette, nang mamulatan niyang wala na si Fifth sa tabi niya. Hindi niya alam pero parang unti-unti na namang dinudurog ang puso niya sa kalungkutan. Hindi naman na ito bago sa kaniya, pero hindi pa rin siya sanay. Ibang-iba ito noong nasanay siya noon na wala na si Fifth sa buhay niya, kasi nga ay napuno siya ng galit. Pero ngayong nagbalik na ito at nagawang itama ang lahat, at ngayong kailan lang naman ulit sila hindi nagkaintindihan, she was thinking that it is the best time to recall for him. She just wanted to lower her pride for the sake of their relationship-- for the sake of Fifth. Pagkabangon niya ay si Fifth na agad ang hanap-hanap ng mata niya. Inaasahan niyang madadatnan niya ito sa may kusina ngunit nadismaya lamang siya nang makitang wala ito. Han

