MABILIS PANG lumakad ang mga araw at dumating na rin ang pinakahihintay na araw ng bandang Soul Magnificent. Isa ang banda nila Fifth na magpe-perform sa isang battle of the band na gaganapin sa Marikina sports center. Kung saan ay imbitado ring mag-perform ang mga sikat na banda katulad ng Itchyworms at Silent Sanctuary. At bilang kanilang final rehearsal ay naroon ang presensya ni Rosette kasama ang mga kaibigan nitong sina Czarina, Julianna at Mikaela upang ipakita ang suporta sa kanila. "Ang galing-galing n'yo na! Solid!" masayang sabi pa ng kaniyang nobya. Kaya naman nang matapos ang kanta ay sandali niyang iniwan ang gitara upang bigyan ito ng isang mahigpit na yakap. Hindi naman naiwasang magpakita ng kilig ng mga kaibigan ni Rosette. At nang humiwalay sila pareho sa yakap ay

