SA NALALAPIT na graduation ni Rosette ay siya ring nalalapit na panganganak niya. Kaya naman bawat araw na lumilipas ay tila ba nagiging makabuluhan ulit ngayong nagbalik na si Fifth sa buhay niya. Sa katunayan ay sagot ni Fifth ang lahat ng gastusin sa kaniyang pagpapa-ultrasound at mga laboratory na kailangan niyang ipa-test within her pregnancy. Bagay na hindi niya naman hiningi sa binata, maliban sa presensya nito hanggang sa makapanganak na siya. Kaya nang malaman nila ang gender ay nag-insist na rin si Fifth na bumili ng mga magiging gamit ng kanilang anak na lalaki. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal at suportang ibinibigay ni Fifth, kaya naman para sa kaniya ay wala na siyang hihilingin pa. For the second time, ay muli niyang binuksan ang puso para sa binata. Subalit, kung kail

