1

2113 Words
NAKASUBSOB si Shan sa ginagawa niyang manuscript. Kasalukuyan siyang nasa Coffee Corner, ang coffee shop na matatagpuan sa loob ng village nila. Nakukulta kasi siya sa bahay niya kaya naisipan niyang lumabas nalang muna para naman maiba naman ang atmosphere niya. Nagsasawa na kasi siyang makipagtiitigan sa pader ng kwarto niya. Malakas ang loob niyang tumambay doon dahil kaibigan niya ang may-ari ng coffee shop na iyon na si Ree at alam niyang hindi siya papalayasin nito kahit magtagal siya doon.             Nang maisulat niya ang salitang “wakas” ay kontentong sumandal siya sa kinauupuan niya at ininom ang kape niyang lumamig na dahil hindi niya iyon nagalaw simula nang umupo siya doon. Ayaw naman niyang masayang iyon kaya ininom niya pa din ang pobreng kape.             “Ay, shet, ang lamig!” reklamo niya. Inisang lagok niya na ang natirang kape at hindi niya mapigilang mapangiwi nang malasahan niya iyon. “Ang lamig na, ang pait pa.”             Pag-angat niya ng tingin ay napansin niyang nakatingin sa kanya ang isang nakakunot-noong lalaki. Hindi ito pamilyar sa kanya kaya malamang ay hindi ito sa village nila nakatira. Napakunot-noo din tuloy siya. Anong problema nito? Nawala lang ang atensyon niya sa lalaki nang lapitan siya ni Ree. Nakiusyoso ito sa katatapos niya lang na nobela.             “Aba, Shanela, tapos na pala ang sinusulat mo. Magkakapera ka nanaman. Iyong porsyento ko, ha? Ten percent dahil ang coffee shop ko ang ginamit mong insperasyon para matapos iyan.”             “Pati ba naman ang kakarampot na kita ko, pag-iinteresan mo pa?”             “Aba, business is business.”             “Ewan ko sa `yo. Pahingi nalang ng mocha frappe at kahit anong cake diyan. Nagrereklamo na ang taste buds ko dahil sa pagkapait-pait mong kape.”             “Hoy, huwag mong sisihin ang kape ko. Kasalanan mo iyon dahil hindi mo ininom agad,” tinawag nito ang isa sa mga crew doon at nagpakuha ng order niya. “Doble ang bayad non dahil nilait mo pa ang kape ko.”             Ngising-aso lang ibinigay niya dito habang shina-shut down niya ang netbook niya. Aksidenteng nagawi uli ang tingin niya sa lalaking masama ang tingin sa kanya kanina. May iba na itong pinagkakaabalahan ngayon dahil nakasubsob na ang mukha nito sa pagsusulatang kung ano. Pasimple niyang siniko si Ree at nginuso ang lalaki.             “Sino `yon?” tanong niya dito.             Tiningnan nito ang lalaking tinutukoy niya. “That’s Rayleigh. Bagong lipat lang siya dito sa village natin noong nakaraang linggo. Nagkakampo ka kasi sa bahay mo kaya wala kang kaalam-alam sa mga nangyayari sa village natin. Bakit? Type mo? Uuuy! Dalaga na siya.”             “Sira. Ang sama kasi ng tingin niya sa `kin kanina, eh.”             “Baka napangitan sa `yo,” natatawang kantiyaw nito.             “Gaga! Maganda ako! Sabunutan kita diyan, eh.”             Napahalakhak ito. “Baka akala niya, elyen ka. Mukha ka kasing pinagtaksilan ng panahon ngayon, hija! Gosh, ni hindi ka man lang nagsuklay. Anong problema mo?”              “Masyado akong busy sa pagsusulat kaya wala na akong panahon pa para asikasuhin ang itsura ko.”             “Na-culture shock siguro nung makita ka niya. `Yung mga matagal mo na kasing kapitbahay lang na kagaya namin ang nakaka-tolerate sa kakaiba mong trip sa buhay.”             “Ewan ko sa `yo.”             Dumating na ang in-order niyang mocha frappe at cake kaya iyon na ang pinatuonan niya ng pansin. Ngayong kaharap niya na kasi ang pagkain ay saka niya lang naalala na hindi pa siya kumakain simula kaninang umaga. Alas tres na ng hapon kaya hindi kataka-takang nagrereklamo na ang tiyan niya. Natuon kasi ang buong atensyon niya sa pagsusulat kaya nakalimutan niya ng kumain man lang.             “Alam mo, Shan,” nag-angat siya ng tingin nang marinig niyang magsalita uli si Ree. “Mukhang kailangan mo ng maghanap ng boyfriend. Para naman may nag-aalaga na sa `yo. Tingnan mo nga, oh. Pati pagkain, nakakalimutan mo. Atsaka para maging normal ka naman kahit minsan lang.”             “Bakit hindi?” walang interes na sambit niya. “Iyon, eh, kung may magkakamaling magkainteres sa `kin. Hindi naman ako mapili kaya kung may magkamaling manligaw sa `kin, why not?”             “Maganda ka naman, eh,” inispeksyon ni Ree ang mukha niya. “Bawas-bawasan mo lang ang pagiging adik mo, siguradong makakahanap ka ng boyfriend.”             “Saka na ako maghahanap ng boyfriend kapag kaya ko na siyang isingit sa schedule ko. May tatapusin pa akong series kaya next time nalang.”             “Hay, naku! Wala ka na talagang pag-asa! Bahala kang tumandang mag-isa!” tumayo na ito. “Makaalis na nga dito. Nade-depress lang ako kapag nakikita ko ang nagngangalit mong buhok.”             Nagkibit-balikat lang siya at ipinagpatuloy ang paglantak sa pagkain niya. Nangangalahati palang ang kinakain niya nang mapansin niyang nakatitig nanaman sa kanya ang lalaki. Nakakunot-noo nanaman ito at tila ba naaalibadbaran itong makita ang pagmumukha niya. She adjusted her black-rimmed eyeglasses. Hindi na siya nakatiis. Tumayo siya at lumapit sa table ng lalaki. Umupo siya sa kaibayong bangko nito para hindi siya makaagaw ng atensyon sa ibang kapitbahay niya na nagpapalipas rin ng oras sa Coffee Corner.             “Yes?” masungit na tanong nito sa kanya.             “Anong problema mo?” nakakunot-noong tanong niya dito. Asar, ha? At ito pa talaga ang may ganang magsungit sa kanilang dalawa. “Bakit ang sama mong tumingin?”             “Ang sama mo kasing tingnan,” antipatikong sagot nito. “You look like a mess. At least, tidy yourself before you go out.”             Napansin niyang natahimik ang buong coffee shop at natuon sa kanila ang pansin ng lahat. Pati ang kaibigan niyang si Ree ay tahimik lang rin na nakamasid sa kanilang dalawa. Lalo tuloy siyang naasar. Hinding-hindi siya papatalo sa lalaking ito hanggang humingi ito ng tawad sa kanya dahil sa ginawa nitong panlalait sa kanya.             “So?” masungit na ganti niya dito. “May batas ba sa coffee shop na ito na bawal ang mga taong hindi nakaayos ang itsurang kagaya ko?”             “Wala. Pero dapat maging considerate ka sa ibang tao. People come here so that they can relax and ease their minds. Paano kami makakapag-relax kung pagpasok namin ay ikaw ang mabubungaran namin dito?”             “Abat---!” That was it! Ubos na talaga ang pasensya niya. “Hoy! Kung hindi mo nagugustuhan ang nakikita mo sa pagmumukha ko, puwes, problema mo na `yon! Edi `wag mo akong tingnan. Hindi ko naman sinabing tingnan mo ako, diba?”             “I can’t,” nakakunot-noong sambit nito. “You’re distracting me.”             “That’s not my problem anymore,” binalingan niya ang mga kapitbahay niyang nandoon. “Nakakaabala ba sa inyo kung ganito ang itsura ko?” sabay-sabay na umiling ang mga ito. “See? They don’t mind. Ikaw lang ang may problema sa itsura ko. Kaya kung hindi mo ako gustong makita, umalis ka dito. Hindi porke maayos ang itsura mo, may karapatan ka ng mang-insulto ng ibang tao. Wala akong inaargabyadong tao kaya wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganoon dahil lang hindi mo nagustuhan ang ayos ko.”             “I’m not insulting you.”             “Yeah, right. And I’m the most beautiful girl in the world,” sarkastikong sambit niya saka siya tumayo at binalikan ang mga netbook niya. Napatingin siya sa cake na napangalahati niya palang. Tinusok niya iyon ng tinidor at inisang subo niya iyon. Ininom niya na rin ang natitirang mocha frappe niya bago niya muling binalikan ang antipatikong lalaki na nakasunod pa rin ang tingin sa kanya. “Just because I don’t look neat enough for you, that doesn’t make me less of a person. Tantanan mo ako sa mga ganyang tingin mo, ha? Kapag ako ang nainis sa `yo, ipapalo ko sa ulo mo `tong netbook ko! Badtrip ka!”             Nagmartsa siya palabas ng coffee shop sa sobrang pagngingitngit niya. Lintek. Minsan nalang nga siyang lumabas ng bahay niya, maiinsulto pa siya. Nanginginig pa rin siya sa galit habang binabagtas niya ang daan pabalik sa bahay niya. Nang mapadaan siya sa isang puno ay nangigigil na sinipa-sipa niya iyon sa pag-asang kahit paapaano ay maiibsan ang pagkaasar na nararamdaman niya. “That jerk!” hindi pa rin matigil na tungayaw niya. “May araw ka rin sa `kin, makikita mo! “             “Miss, sandali.”             Napalingon siya nang muli niyang marinig ang boses ng lalaking nang-insulto sa kanya sa Coffee Corner. His cheeks were flushed, dala marahil ng pagtakbo nito para mahabol siya. Lalong sumama ang itsura niya nang makita niya uli ito.             “Ano nanaman ang kailangan mo? Hindi ka pa ba tapos sa panlalait sa `kin? Subukan mo pang magbitiw ng kahit anong pang-iinsulto sa `kin, pramis! Hahatawin na talaga kita ng netbook ko!”             “I’m sorry,” saglit siyang natigilan. Now, he was being apologetic? Pagkatapos ng lahat, ganoon-ganoon nalang `yon? “I didn’t mean to offend you.”             “Hah! At sa tingin mo, maaayos ng isang sorry lang ang ginawa mo? Manigas ka! Hindi kita papatawarin hanggat nabubuhay ka!”             Napabuntong-hininga ang lalaki. Mukha namang pinagsisisihan na talaga nito ang ginawa nito. Pero kahit makita niyang nagsisisi na ito sa ginawa nito ay hindi pa rin mawala ang init ng ulo niya. Tinalikuran niya na ito pero hinawakan nito ang braso niya para mapigilan siya sa pag-alis.             “Okay. Ano bang gusto mong gawin ko para patawarin mo ako?”             “Halikan mo ang mga paa ko,” tinangka niyang makawala sa pagkakakapit nito pero bigo siya dahil mas malakas ito sa kanya. “Ano ba?!”             “You’re being unreasonable.”             “At ako pa talaga ang unreasonable ngayon---”             “Pwede bang huminahon ka muna?” asar na sansala nito sa kanya. Nang mapansin nitong wala siyang balak na magpakumbaba kung makikipagtigasan pa rin ito sa kanya ay bumuntong-hininga uli ito. Nagyon ay mahinahon na itong magsalita.  “Look, I’m really sorry dahil alam kong na-offend kita kanina. I wasn’t thinking at bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nasabi ko na ang mga nasabi ko. I had this bad habit of saying what’s on my mind without even thinking. I can’t take back what I already said kaya hihingi nalang ako ng tawad sa `yo. I’m really sorry. Ano bang pwede kong gawin para hindi ka na magalit sa `kin?”             “Clean my house for two weeks,” hindi nag-iisip na sagot niya. “And give me free meals every day.”             “Okay. Deal,” tiningnan niya ito na tila ba nasisiraan na ito ng bait. “What? Sa tingin mo, tatakbuhan ko ang kasalanan ko sa `yo? Hindi ako ang tipo ng tao na tumatakbo sa responsibilidad,” nagkamot ito ng ulo. “Isa pa, magagalit ang mga kapitbahay natin sa `kin kapag hindi ako nakipagbati sa `yo. Noong umalis ka kasi sa coffee shop kanina, pinatulungan nila ako. So? Are we good?”             Napatitig siya sa mga mata nito para patunayan kung sincere ba ito sa mga sinasabi nito. He looked sincere enough. Despite her worsening temper, she couldn’t help but notice how appealing his eyes were. He had a serious expression on his face at kahit hindi ito nagsasalita ay mahahalata niya pa rin ang pagiging masungit nito. At ngayong natitigan niya na ito, saka niya lang napansin na gwapo pala ito. With his aristocratic nose, sensual lips and light brown eyes, she could say that he was really handsome. Ipinilig niya ang ulo niya. Habang nakatitig kasi siya sa mga mata nito ay may tila nangungulit sa isip niya. At hindi niya gusto ang naiisip niyang iyon. Naramdaman niya ang unti-unting pagkalma ng buong pagkatao niya. Agad siyang nagbawi ng tingin nang ma-realize niyang ilang segundo na rin siyang nakatitig dito. Binawi niya ang braso niyang hawak pa rin nito at tumalikod na siya. Ipinagpatuloy niya na ang paglalakad niya pabalik sa bahay niya. “Tuparin mo muna ang usapan natin, Mister. And after that, I’ll decide if we’re good or not,” sambit niya ng hindi ito nililingon. “Pumunta ka nalang sa bahay kapag hindi ka na busy.”  Kahit labag sa loob niya, sa tingin niya ay papasang hero sa pocketbook ang lalaking ito. If only he wasn’t that ill-mannered. Baka sakali na gawin niya pa itong hero sa nobela niya gaya ng iba niyang kapitbahay na lalaki na kasundo niya. Mukhang gutom pa nga siya. Pinupuri niya kasi ang antipatikong lalaking iyon. “Makakain nalang nga.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD