CHIEF JONATHAN POV--- "CHIEF, umalis na talaga si Mia, nakapag paalam ba siya sayo?, nakapag usap ba kayo, kamusta ka Chief?" tanong ni Joel sa akin ng malaman niyang umalis si Mia, na iniwan ako. Nasabi pala sa kanya ni May. Nung umalis si Mia kinaumagahan, pumunta duon si May sa bahay nila. Duon niya nalaman na umalis na ang bff niya, kahit siya hindi niya alam. Nandito ako sa bahay wala akong gana magtrabaho o mag kilos. Hinang hina ang buo kong katawan, kaya napasugod rito sina Joel at Rodel. Nakahiga pa nga ako nga ako nung dumating sila . Si Rodel nasa kusina ngayon nagluluto ng almusal. Narito kami ni Joel, sa sala habang umiinum ng kape. Bumuntong hininga muna ako saka sumagot kay Joel. "Yeah, pare umalis siya. Hindi ko alam saka hindi rin nagpaalam sa kanyang mga magulang. Hind

