MIA POV--- "Romel akla, ang sarap, kumain ng sampalok na bagong pitas. 'Yung maliit na bunga na wala pang buto. Kumuha ka naman oh, saka gusto ko ikaw ang kumuha sa puno." Sumimangot at nag kanda haba haba ang nguso ni akla na tumingin sa akin. Saka tinaasan niya pa ako ng kanyang kilay. Narito kami ngayon sa malawak na lupain nila sa Quezon. Alas nuebe ng umaga pa lang kaya ang presko ng hangin saka hindi pa mainit sa katawan ang araw. Sumama ako kay akla sa paglilibot. Nakita ko ang puno ng sampalok na maraming bunga, bigla nalang akong natakam kumain. Dalawang buwan na simula ng lisanin ko ang lugar namin. Hindi ako natuloy sa Saudi, kundi sumama ako kay Romel dito sa Quezon province. Nang nagpaalam ako kay Nanay. Kinaumagahan tinawagan ko si Romel kung babalik na sya ng Saudi. Ngunit

