“Yes, babe. Uuwi na kame ni Xander” hindi makapaniwala si Jason sa narinig niyang sagot ni Ava. Napaiyak siya na tumakbo papunta sa kama at lumuhod sa harap nito. Niyakap niya ito at naramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Ava sa kanya tuluyan na siyang napahagulgul ng iyak. “Salamat, Babe. Salamat”
“Sana, Babe. Huwag mo na ulit ako sasaktan” bulong ni Ava sa kanya. Umiling siya at tinitigan ito sa mata. Pinunasan niya ang mga luha nito “Hinding hindi na, Babe” sabi niya dito “Makakaasa ka na hinding hindi na mangyayari yon.” Inilapat niya ang noo niya sa noo nito “Mas uunahin kong saktan ang sarili ko keysa saktan ka ulit o saktan si Xander. Mahal na mahal ko kayo” hinalikan niya ito at naramdaman niya ang pagtugon nito sa kanya. “I love you” bulong niya dito at niyakap ito ng mahigpit. Gumanti ng yakap sa kanya si Ava. May lungkot man siyang nararamdaman at hindi ito tumugon sa sinabi niya pero magiintay siya handa siya magintay kung kailan ito magiging handa na tuluyan na siyang tangapin ulit sa puso nito.
“Tatawagan ko si Mom, babe.” Excited na sabi niya dito “Sigurado ko matutuwa iyon at saka si Manang Lea” tumango lang ito. Hinalikan niya ito ulit at niyakap ng mahigpit.
“Jason” tawag nito sa kanya “Yes, babe?”
“Pede ba nating isama sila Lara at Nay Esme?”
“Oo, naman” sabi niya “Isasama natin sila Babe. Hindi ako papayag na maiiwan sila dito. Parte na sila ng pamilya natin”
“Salamat” anito at yumakap ulit sa kanya
Masayang masaya siya. Walang mapaglagyan ang sayang nararamdaman niya. Uuwi na ang magina niya. Katatapos lang niyang tawagan ang Mommy niya at si Manang Lea. Nakausap na rin niya si Nay Esme at Lara na tumanging sumama sa paguwi nila pero kalaunan ay napapayag din niya. Pumasok na siya sa loob ng kuwarto nila Ava. Dumeretso siya sa crib at sinilip si Xander na tulog na tulog. Inayos niya ang baby blanket nito at hinalikan ito sa noo. “I love you, nak” bulong niya dito at lumapit sa kama. Himbing na ring natutulog si Ava. Umupo siya sa may gilid ng kama at hinaplos ang pisngi nito. Ilang minuto pa niyang tinitigan si Ava at hinalikan ito sa labi. “I love you, babe” bulong niya dito bago humiga ulit sa tabi nito at hinapit ito palapit sa kanya. “Pinapangako, Babe. Gagawin ko lahat para maging maayos ang pamilya natin. Hindi ako papayag na may manakit sa inyo ni Xander.” Naiiyak na sabi niya dito. Naalala na naman niya ng sakit at lungkot na nadama niya ng mawala ito sa kanya. Humigpit ang yakap niya dito. “Kayo ni Xander ang buhay ko at gagawin ko lahay para sa inyo” hinalikan niya ito sa may ibabaw ng ulo at ipinikit na ang mata niya. Naramdaman niyang yumakap din ito sa kanya. Nakatulog siyang may ngiti sa mga labi.