Chapter 9

520 Words
“Isa pang pagkakataon” ayun ang huling salita na binitawan niya kay Ava. Hindi niya alam kung mapapatawad ba siya nito o hindi na. Pero umaasa siya na mapapatawad pa rin siya nito sa huli at tatanggapin ulit sa buhay nito. Iniisip din niya si Xander, hindi sinagot ni Ava ang tanong niya pero malakas ang pakiramdam niya na anak nila ito. Hindi na rin niya ipinilit at baka magalit si Ava. Sa ngayon ang gagawin niya ay suyuin ulit ang asawa at magintay. Hindi niya pede na madaliin ang mga bagay bagay lalo na at alam niyang nabigla si Ava ng makita siya. Ang importante alam na niya kung asan ito at sisiguraduhin niya na hindi na ito makakatakas sa kanya. Naglagay siya ng mga tao na magbabantay sa magina niya. Nangingiti siya ng maalala kagabi ang nangyari. Hindi ito tumangi ng yakapin at halikan niya. Pinakain pa siya nito kagaya ng dati pag late siya nakakauwi. Katok sa pinto ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. “Come in” aniya. Pumasok ang hindi niya inaasahan na bisita “Chloe? Anung ginagawa mo dito?” Nakakunot noo na tanong niya. Naglakad ito papunta sa kinauupuan niya. “Hello, Hon” akma itong hahalik sa kanya pero umiwas siya “Anong ginagawa mo dito?” He impatiently asked her “Binibisita kita.” Anito na umupo sa upuan na nasa harap ng lamesa niya “How are you?” “Cut the crap. Alam natin pareho na hindi ka nangangamusta kaya ka andito” pagalit na sabi niya “Masama bang bisitahin ang fiance ko?” Taas kilay na tanong nito “Fiance?” Napatawa siya sa sinabi nito “May I remind you na hindi kita fiance?” Panunuya na sabi niya dito “Nakalimot ka na ba? Sa mga kasinungalingang ginawa mo?” “Jason, alam naman natin pareho na kasalanan mo din ang lahat. Ikaw ang naghabol sa akin, hindi ba?” Pang aasar na sabi nito “Ako man ang naghabol sayo. Ikaw pa rin ang walang kahihiyan na tinanggap ako at sinaktan ang asawa ko” galit na sabi niya “Asawa? Si Ava? Pero nakalimutan mo siya ng maaksidente ka. Iniwan at sumama sa akin. Kung hindi pa bumalik ang memorya mo malamang kasal na tayo ngayon at may sarili ng pamilya.” nangaasar na sabi nito sa kanya “Sa tingin mo mapapatawad ka pa niya sa kabila ng lahat nang ginawa mo? Sa lahat nang pananakit mo? Ako ang mahal mo Jason kaya ng magising ka mula sa aksidente na iyon ay ako ang unang hinanap mo at nakilala ng puso at isipan mo.” Galit na galit na sabi nito. “Sa tingin mo anung sasabihin ni Ava pag nalaman niya kung paano ka nagpakasaya kasama ko. Kung gaano kainit ang mga gabi na magkasama tayo. Sa tingin mo mapapatawad ka pa niya kahit na bumalik pa ang memorya mo at mahalin na ulit siya.” Tumayo ito at lumakad palabas “We both know na walang katotohanan ang mga sinasabi mo.” Sabi nito na nagpahinto sa paglabas nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD