Pinipilit ko ang sarili ko sa kanya kahit na apektado pa rin siya ng kahapon. Pilit kong binubuksan ang mga sugat na pilit niyang pinaghihilom. Kasalanan ko nga talaga. Noon hanggang ngayon. My love for him isn't good. It will ruin him. It will ruin us. "Humabol ako noong graduation mo..." Hindi ko inaasahang babanggitin niya pa ang mga panahon na iyon. "Hmm," I nodded. "I heard." Tumawa siya pero dama ko ang lungkot sa bawat halakhak niya. "Alam mo pala pero hindi ka bumalik." Kasi hindi pwede... Kailangan ako ng daddy ko, Trevor. It's a life and death situation that I couldn't tell you because you do not want to hear about it. Ilang beses kong sinubukan na magpaliwanag. Ilang beses kong sinubukang magmakaawa. Pero alinman doon, walang nangyari. At ngayon naiintindihan ko na. Na

