"Ano raw problema?" Kuryosong tanong ni Rage pagkasakay ko sa kotse. Ang late naman matapos ng meeting niya. Buti nalang hindi rin agad nagsara sila Vida. I shrugged. "Ask your friend." "Brion? Anong ginawa ni Bri?" Tinignan ko siya ng masama. "Don't ever told him about this." Umiling-iling siya. "Ewan ko sa inyo." Pagkalagay niya ng mga gamit ko sa unit ay umuwi na rin siya agad. Probably exhausted too. Nang sumunod na araw ay nagpahinga ako. Wala naman masyadong ginawa bukod sa nahiga at nanood ng movie. Grabe talaga ako tamaan ng jetlag. Then the next day after that, pumasok na ako sa opisina. I wore a yellow business suit and white slacks partnered by a yellow pump shoes. Mawawala ba ang bag at jewelries? I wore white bag from Louis Vuitton and white-colored jewelries. "Welco

