Napahiyaw ako nang biglang kumulog ng malakas. I am not afraid of it, nagulat lang. "For the info, hindi ko siya hinalikan. Sa point of view mo ay mukhang ganoon ang nangyari pero hindi. And yes, sinadya kong ipakita sayo iyon because I want you gone..." "Gusto mo pala akong mawala, eh. So ano ngayon itong pakulo mo?" Humalukipkip ako at pinagtaasan siya ng kilay. He shrugged. "Wasn't it obvious yet?" "Huh?" Humakbang siya palapit at hindi ako nakagalaw. Tila nahihipnotismo na nagkatitigan kami. "Hindi ko kaya," sambit niya. "Na kahit anong pilit ko sa sarili ko, kahit anong gawin ko para itulak ka palayo, alam ko... na hindi ko kaya." I laughed in a sarcastic manner. "Pwes ako, kaya ko!" "Babe," malambing niyang banggit sa dati naming tawagan. Umirap ako para itago ang pamumula

